Prologue

2 0 0
                                    

"Anak anong nangyayari sayo?" Ang nahihintakutang sabi ni Mama.

"Ma! Lumayo kayo sakin umalis na kayo!" Arghhh! Pakiramdam ko di ko na kakayanin to.

Naramdaman kong hinaplos ni Mama ang mukha ko at sa likod nito, nakatayo ang ama kong may tutok na baril sa akin.

"Jaime! Nahihibang ka na ba!? Ibaba mo yan! Anak natin to!"

"Hindi na natin siya anak! Demonyo na ang sumasakop sa pagkatao ng anak mo! Anicia lumayo ka sa kanya!" Rinig ko pang sabi ni Papa.

Ngunit hindi ko alam. Ang mga mata kong dating kulay tsokolate, ay biglang naging pula. Tanging nasa isip ko lang ay dugo.

~~~

Nagising ako na masakit ang ulo ko. Sinubukan kong bumangon kahit na hirap na hirap ako at nanlalabo ang paningin ko. Tinangnan ko ang aking paligid at natuptop ko ang aking bibig sa nakita.

Kalat kalat ang dugo sa paligid, at ang mga magulang ko. Ang mga magulang ko!

Sa nanginginig na kamay ay nilapitan ko sila at hinawakan.

"M-a-ama, Papa!" Umiiyak kong tawag sa kanila.

Isa lang ang naiisip ko. Isa akong halimaw. Isa akong halimaw! Bakit ko nagawa ito sa mga magulang ko!?

Tumakbo ako. Tumakbo ako kahit hindi ko alam kung saan ako pupunta.

Napakapit ako sa puno at dahan-dahang napaluhod habang may mga luhang tumutulo sa pisngi ko.

Hindi ko na alam ang gagawin ko! I've killed my parents! But please...

Save me...

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jun 07, 2015 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Save MeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon