"Angelo, si Ellisa pala..." Lewis—the stupid Lewis chuckled and looked at me. Klarong-klaro na nag-eenjoy siya sa nangyayari. Tuwang-tuwa! Mamaya 'to sa akin. Kakalbuhin ko 'to para magtanda. I glared at him... Nakasimangot na ako dahil sa lalaking nireto niya sa akin.
Of all people... si Angelo Dawson pa talaga?!
Bumulong si Lewis kay Angelo bago tumingin sa akin. His lips raised a bit... for a smile.
Angelo extended his hand. Parang ang dali lang sa kanyang magpakilala sa akin. Hindi man lang siya nagulat o... nagpakita ng kahit anong expression.
"Ellisa... iyong kamay mo."
This dimwit!
"Hi," tipid kong iniabot iyong kamay ko sa kanya. Hindi na ako makahindi kasi ayokong mabastos siya. Angelo didn't bother at all. Pagkatapos niya akong kamayan, 'di na nagbago ang ekspresyon niya. Nilingon niya ulit ang debutant tapos may binulong ulit kay Lewis kaya nagtawanan sila. Tinapik niya ito sa braso bago ininom ang isang flavored beer.
Sarap din sapakin nitong si Lewis. Sana sinabi niya nalang na si Angelo iyong irereto niya para kahit papaano, 'di ako nasusurprise ng ganito!
"Gwapo no?" Lewis whispered.
I glared at him. Sinapak ko ang gago.
"Tumigil ka nga. 'Di mo man lang sinabing si Angelo pala ang itinutukoy mo!"
He smirked. "Ano? This is the exciting part of reto, Ellisa. Kung sasabihin ko sa'yo kung sino, baka mawala na iyong thrill!" He laughed kaya nasapak ko na naman siya. "So? Nagbago na ba ang isip mo?"
Umiling ako.
"Sa tingin mo talaga... handa akong magka-boyfriend?"
"Ang advance mo masyado! 'Di pwedeng talking stage lang muna? Chat lang like getting to know?"
I rolled my eyes. Getting to know, his ass. Wala talagang kwenta 'tong si Lewis. Nakaka-stress!
Angelo walked towards us. Siniko pa ako ni Lewis kaya umayos ako.
"Balik muna ako sa table ko," Angelo said. Nilingon niya ako at tumango ng kaunti para magpaalam.
Ngumuso ako at ininom ang inumin ko.
Sinabi ko kay Lewis na hindi ako handa sa pakikipag-flirt... pero ayokong lokohin ang sarili ko na may mga pagkakataon talaga na gustong-gusto ko na magka-boyfriend... kasi kahit chatmate man lang, walang sumusubok sa akin! Pagod na ako mainggit. Hindi ko rin itatanggi na kung sakali... kung sakali lang naman na gustong... pumunta ni Angelo sa stage na 'yon... pwede ko naman pag-isipan!
Because honestly... after meeting him, he's really one of the drop, dead-gorgeous. Like girl... he's handsome, okay? How can I... resist his fucking intelligence and karisma? Mas gwapo pala siya sa malapitan.
Kasalanan talaga 'to ni Lewis.
"Nasaan si Kae?" tanong ni Lewis sa akin kasi bigla nalang siyang nawala sa tabi namin. Sabay kaming pumunta rito.
"I don't know. Nasa paligid lang iyon."
Nagmura si Lewis. "Wala siya sa paligid. Baka mamaya, saan na napunta 'yon!"
"I'll text her, okay? Don't worry," sabi ko at kinuha ang phone sa pouch ko. Lewis went back to his table. Nagtawanan ang grupo nila pero napansin kong wala si Angelo. Hinanap siya ng mga mata ko at nakita siya sa isang table, mag-isa at tila abala sa hawak nitong cellphone. Para bang may sarili siyang mundo. Well, ganoon siguro kapag may pagka-weird ka. He's not into social life. Pansin ko iyon kasi bihira lang siyang sumabay sa mga barkada niya. Laging okyupado iyong utak niya at ayaw makihalubilo.
BINABASA MO ANG
ART TRILOGY BOOK 1: Art of Letting Go
Любовные романыEllisa Santiago was skilled enough to be an artistic genius. Binabalanse niya ang kanyang pag-aaral at pagpipinta. Kahit na hindi nakikita ng mga magulang niya ang galing sa pagpipinta, nakaukit na 'yon sa puso niya dahil ito ang pinakagusto niyang...