PROLOGUE

26 0 0
                                    

Disclaimer: The following story is a work of fiction and should be treated as such. Any similarities to real persons, living or deceased, or to actual events, locations, or organizations are purely coincidental. The author has employed imagination and creative license to develop the characters, plot, and settings within this narrative. While the story may draw inspiration from various sources, it is not intended to represent any specific individuals, groups, or historical events accurately. The views, opinions, and actions of the characters in this story are not endorsed by the author. The story may contain themes, language, or situations that some readers may find challenging, uncomfortable, or offensive. Reader discretion is advised, and individuals are encouraged to engage with the story at their own discretion. The author bears no responsibility for any misinterpretation or misunderstanding that may arise from reading this work of fiction.

******

SEBASTIAN'S POV

"DAD, when is our little sister will come out and see the beauty of the world?" Tanong sa 'kin ng tatlong taong gulang ko nang anak. Nakatingala ito sa 'kin kaya naupo ako para mapantayan ang taas nito. Tatlong taon palang ay dire-diretso na ito sa pananalita kahit minsan ay nabubulol ito.

"Soon, son. We'll wait another two months for her to come out, okay?" Tumango ito kaya napangiti ako at ginulo ang buhok nito. "Go to your kuya Akiro and play with him, son." Tukoy ko sa limang taong gulang kong anak. Tumango naman ito at tumakbo papunta sa salas kung saan naglalaro ang kuya nito. "Don't run, son, you might slipped!" Kakasabi ko lang ay bigla na lamang itong nadulas kaya napaupo ito sa sahig. Imbes na maiyak ay napabungisngis pa ito at tumayo na parang walang nangyari. Napailing-iling na lamang ako at pumunta sa likod-bahay kung nasaan ang pool.

"Where's mom, dad?" Napalingon ako sa panganay namin, nakaupo ito sa chaise lounge at nagbabasa ng libro. Sa kanilang tatlo ay ito lamang ang tahimik at hindi nakikihalubilo sa iba.

"She's in our room, son. Your mom is resting. Pregnant woman need more some rest and avoid stress." Paliwanag ko.

Tumango naman ito. Lumapit ako rito at naupo sa isa pang chaise lounge na katabi rin ng kinauupuan ng anak ko. "What are you reading, son?"

"Something about anatomy, dad." Tumango naman ako at pinanood ang tubig sa pool na kumikislap dahil sa araw. "Dad," Muli ay tinawag ako nito.

"Mm?"

"I need another book about biology this time." Napatingin ako rito at tinaasan ito ng kilay. "Don't look at me like that, dad. I've already read all the books that you and mom bought last week."

Nanlaki ang mga mata ko. "That fast?"

"Yes."

Bakit nga pala magtataka pa ako e puro naman talaga libro ang palaging kaharap ng panganay kong ito. Mas gusto pa nga nitong makipag-usap sa mga libro kaysa tao. Kung minsan pa nga ay mas gusto nitong nakakulong lang sa library at ayaw nang lumabas. Kung hindi lang ito napilit ng mommy niya kanina na lumabas ay hindi pa ito lalabas.

"Fine. I'll buy you a dozen after my meeting tomorrow."

"Thanks, dad. You're the best dad ever." Pang-uuto pa nito sa 'kin.

"I'm your only dad, son."

He chuckled. "I know, dad. Still you're the best dad in this world. Swear." At ibinalik na nito ang atensiyon sa pagbabasa. My heart melt of what I've heard from my son. Nakangiti kong tinitigan ang anak ko bago tumayo at nagpaalam rito para puntahan ang asawa ko sa kuwarto. Baka gising na 'yon at hinahanap ako. Nadaanan ko pa ang dalawa kong anak na masayang naglalaro sa sala. Hindi pa namin sila pinapagamit ng mga gadgets dahil baka masanay sila at maapektuhan ang kanilang pag-aaral lalo na ang bunso namin na malapit na ring pumasok sa nursery.

The Long Lost Montello PrincessWhere stories live. Discover now