Dahil katulad mo, ako rin ay nagbago
'Di na tayo tulad ng dati, kay bilis ng sandali
- Burnout by Sugarfree
===========================================
Bata pa lang ako eh hilig ko na ang pagbabasa ng libro. Madalas pa nga akong napapagalitan dahil hindi ko magawang maibaba ang isang libro kapag nasimulan ko na. Yung tipong madaling-araw na nakatutok ka pa rin sa libro tapos kapag mag-C-CR lang saka ko siya bibitawan. Kahit nga nasa hapag eh libro ang hawak sa kaliwang kamay, kutsara sa kanan. Pero wala rin, kasi halos di rin ako makasubo ng maayos, kaya ayun batok na naman ke nanay.
Naalala ko pa nga, highschool ako nung lumabas yung unang Harry Potter book. Dahil hindi naman ako mayaman, nanghihiram na lang ako sa klasmeyt ko noon. Isang gabi ko lang babasahin yun, dahil kelangan isauli kinabukasan. Marami pa kasing ibang manghihiram. Kaya ayun, kahit halos alas dos na ng madaling-araw ko natapos basahin at kailangan kong gumising, dapat, ng alas-kwatro dahil alasiyete ng umaga ang pasok ko eh okay lang sakin. Malayo kasi yung paaralan ko sa bahay ko noon. Ang nakakatuwa ay hindi ako nakakaramdam ng antok o puyat. Gising na gising pa nga yung diwa ko at habang nagkaklase eh hindi ko maiwasang balik-balikan yung mga scenes sa libro. Hanggang umabot ata ng Harry Potter and the Goblet of Fire, yung book 4, eh nanghihiram pa rin ako. Pero mabuti na lang at nagpadala yung pinsan ko ng sarili kong kopya mula book 5 kaya ayan nakumpleto na ang sarili kong koleksyon. Sapilitan pa nga nung nag-aya ako na panoorin yung unang movie ng Harry Potter.
Hanggang sa naintroduce na ko sa iba-ibang klase ng libro. Ultimo mga self-help books, mga interior design, autobiographies, manga, pero mas gusto ko pa rin ang fiction. Marami tayong mapupulot na aral sa mga based on real life stories pero sa totoo lang mas gusto ko yung mga fiction, fantasy at adventure. Stressful kasi ang real life kaya masaya yung naiimagine mo na andun ka sa fantasy world na yun.
Nung magcollege ako at medyo tumaas yung allowance ko eh mas madali akong nakakaipon kaya naman nakakaya ko nang bilhin kung anong naisin ko na libro. Dun ko nga napansin na impulsive buyer ako pagdating sa libro dahil basta gusto ko, kahit di na ko kumain eh bibilhin ko talaga. Pero sabi ko nga, okay na yun kesa manlalaki o kaya magdrugs.
Bilib ako sa mga bestseller na libro, pero natutuwa ako kapag nakakadiscover ako ng mga hindi kasikatan na libro pero maganda yung laman. Iba-iba naman kasi tayo ng opinyon sa kung ano yung maganda, ano yung boring, ano yung nakakakuha ng atensyon natin. Pero para sa akin, kahit sino pa ang sumulat niyan, kahit ano pang uri yan, kahit anong genre, kahit pambata o maselan ang tema, ay deserving na makakuha ng konting oras natin. Maaaring hindi man sila pumasa sa panlasa natin, ngunit malay mo naman na para sa iba eh swak sa kanila yung ganun. Kung mayaman nga lang ako eh baka nagpagawa na ako nung katulad ng library ni Beast (yung sa beauty and the beast..). Ganun yung pangarap ko na library, tapos lahat ng libro bibilhin ko. Tapos hindi na ako magtatrabaho, araw-araw eh gugugulin ko na lang sa pagbabasa ng libro, hanggang sa magmukha na kong libro. ahahaha. Pero sadly, ako'y isang hamak na regular na tao kaya kung ano na lang yung kayang basahin eh di basahin.
Madami tuloy nagsasabi na hindi na sila nagtataka kung bakit hanggang ngayon eh never pa akong nagkaroon ng relasyon ay dahil in a relationship daw ako with books. NBSB ako. Oo naman, alam nila mudra na prinsesa talaga ako. Pero laking-pasalamat ko nga na open-minded mga magulang ko. Sabi nga nila nung umamin ako noon, wala naman daw problema dahil tanggap at mahal nila ako kahit nga daw tatlo pa dila ko ok lang. Mga adik lang. Saka never naman daw kasi ako nagdala ng problema sa bahay, maayos ang mga grades ko at ni minsan eh hindi ko sila bingyan ng sakit ng ulo. Pwera lang nung grade 5 ako at alas-nuwebe na eh wala pa ako sa bahay kaya grabe yung pag-aalala nila. Halos lahat ng tanod eh pinatawag, yun pala nakatulog kasi ako sa library ng school namin noon. Haha!
BINABASA MO ANG
Sa Wakas [BoyxBoy|Oneshot]
Lãng mạnDahil katulad mo, ako rin ay nagbago 'Di na tayo tulad ng dati, kay bilis ng sandali - Burnout by Sugarfree All Rights Reserved to Super-Hopia. All kinds of violations will be subject to torture by the Kapatirang Porpol. :)