Warning! This chapter is sensitive, and have brutal words, scenes that not appropiate with young audience!
Pain
Ginawa na naman namin ni Doc Cutler 'yon pero walang pagsisisi sa akin, hindi ko man mabigay sa kaniya ang gusto niyang pangarap pero napagtitiisan niya pa rin ako. Nagising na lang ako ng wala si Doc Cutler ngayon, ano naman kaya ang pinagkakaabalahan niya?
Siguro magrereview 'yon dahil magmamasteral nga pala siya, kaya naman naiintindihan ko ang parteng 'yon.
Nalungkot lang naman ako ng kaunti dahil wala siya paggising ko, karamihan kasi ang nakikita ko sa mga pelikula ay paggising nila maghahalikan muna. Kaagad akong napabalikwas ng bangon ng may narinig akong kalabog sa labas na mas lalo kong kinagulat.
Nagbihis ako ng sando at maikling shorts dahil alam ko lang naman na nandito si Manang Melchor at si Doc.
Napasigaw na lang ako nang bumalandra sa akin ang mga kalalakihan dito, hindi ko alam na friendly rin naman si Doc Cutler. Lima sila at alam kong may mga title ito. Mukha kasing mayayaman, at may ibubuga.
May isa ring babae ang nakatingin na sa akin, kaagad lumaki ang aking mata nang makitang si Phenelope 'yon. Iyong babaeng nakalingkis kay Doc Cutler noon, bakit siya nandito? Nasaan si Doc, bakit wala siya?
"Hello, sino ka?" tanong ng isang lalaki. Napalunok akoo at kaagad na hinanap ng aking mata si Doc baka sakaling magpakita saglit sa akin dito.
"Siya 'yung bago ni Cutler na kinukwento ko sa 'yo...."
Bakit ako ang bago? May nauna ba? Na parang magsalita si Phenelope ay kilalang kilala niya ito, ang suot niya ay fitted dress na dark blue.
Napakamot tuloy ako ng batok dahil wala akong masabi, hindi ko rin alam na magiging ganito ang pawelcome ko sa kanila, hindi naman sinabi ni Doc Cutler na meron palang ganito. Hindi niya sinabi sa akin na dadating ang mga kaibigan niya.
"Ang dami mong sugat, saan mo naman nakuha 'yan?" tanong ng isa pang lalaki. Lumaki ang aking mata nang mapagtanto kong iyon ang kagat ni Doc Cutler sa akin sa leeg na pinanggigilan niya kagabi. Lintik talaga 'yun! "Ayun pa sa balikat mo oh...." nag-aalalang puna ng isa.
Nakasando lang ako at kitang kita talaga ito dahil sa aking puti, mas lalo akong kinabahan ng lumapit ang Phenelope sa akin. Iyong inaway ko sa account ni Doc ito, eh bakit matapang siya? Ngayon niya ako subukan, makikita niya hinahanap niya.
"Binabahay ka na niya?" tanong na naman ng isang lalaki.
"Steve, mukhang inosente nga siya...." bulong nito at tumingin sa akin. "Akala ko talaga itong si Phenelope ang magiging girlfriend ng lalaking 'yon, ikaw lang pala...." sambit niya na naman na siyang ikinasama ng mukha ko.
Lang? Bakit niya ako sasabihang 'lang'? Eh mas lamang naman ako ng manners sa kaniya. Akala ko naman mababait ang mga college friends ni Doc, hindi naman pala.
"Norman, shut up." Inis na bawal ng Steve.
Gusto ko ng umalis ang mga barkada ni Doc ngunit hindi ko ito teritoryo kaya nagpasya na lang akong kumuha ng pagkain sa ref, baka naman may mas masarap pang putahe doon.
"Aalis na ako," paalam ko. Kinuha naman ni Phenelope ang aking balikat at nagulat ako dahil iba ang hawak nito, may halong panggigigil ang kaniyang bawat galaw.
"Huwag kang assumera, mukha namang may kailangan lang sa 'yo si Cutler, napilitan lang siguro..." sarkastikong sambit nito.
"Ano namang kailangan niya sa akin?" inis na tanong ko. Padabog kong kinuha ang aking braso at inis na tumingin sa kaniya.
YOU ARE READING
The Doctor Affection (De Viola #2)
RomanceDoctor Hudson Cutler De Viola is the second son of the rich and wealthy family of Nueva Ecija; he's opposite his brother, who collects all girls, while Hudson Cutler is the one who has no interest in other girls. Until he met Lesha Liesiah, who had...