Chapter 44: I'm sorry

212 1 0
                                    

Kaith Torres:

"Hi Kaith!" Napatigil ako sa lalaking kumakaway at papalapitsa akin.

"Dex, ikaw pala. Bakit?" Siya si Dex, drummer ng school band. Medyo gulat lang ako dahil ngayon niya lang ako kinausap.

"Ah... Ano kasi eh. Ahm..." Parang alangan pa siyang sabihin. Tapos ngumisi na lang. Problema nito?

Tumaas lang dalawa kong kilay para iparating na naghihintay ako sa sasabihin niya. Huminga siya ng malalim tapos napakamot sa ulo niya.

"Naiilang ka ba?" Okay, ako na ang straight forward magtanong. Obvious naman kasi eh.

"Ah, kasi.. Ano.. Ahm.." Huminga ulit siya ng malalim. Hay naku, nakakaramdam na ako ng inip. Guess the sentence ba ito?!

Me: 0_o

"Gusto ko lang kasing sabihin sa'yo na..." So complete the sentence naman ngayon? Ano ba trip nito?

"Ahm, Dex, kasi may gagawin pa ako eh. Ano ba sasabihin mo?" Nasasayang oras ko eh.

"Si Nick kasi yung bagong vocalist ng band... Pakisabi na lang. Salamat!" Tapos tumakbo na siya palayo...

Tama bang iwanan ako dito?

Ngayon lang nag-sink in sa akin. Natanggap na pala si Nick sa audition. Sabi ko na nga ba kaya niya eh! Unconsciously napangiti ako kasi masaya ako for him, gusto ko siyang yakapin para icongratulate! Pero bigla na lang nag-fade nang narealize kong di kami okay ngayon.

Haaaay... Namimiss ko na siya. Kaso sa tuwing nakikita ko siya naaalala ko yung nangyari at yung ginawa niya.

One week na nakakaraan nung araw na nagkaroon kami ng di pagkakaunawaan. One week na rin siyang bihira pumasok. Kung papasok man siya, ang balita sa akin nasa malapit na bar at umiinom.

Alam kong nagi-guilty ako kasi alam kong ako yung rason kung bakit siya naging ganun, pero kahit super hirap, pinipilit kong tiisin siya. Iniiwasan na makita ko or makasalubong man. Alam at alam ko kasing lalambot ako kapag nakita ko siya.

"Kaith!!" Napatingin ako sa girl na tumatakbo papalapit sa akin.

"Bakit?" Tanong ko sa kanya nang makalapit na siya at hingal na hingal.

"Kanina pa kasi kita hinahanap eh. Ano kasi...*hinga* si Nick...*hingal*"

Puro na lang ba pangalan niya maririnig ko buong araw?

"Bakit? Ano meron?" Tanong ko. Huminga siya ng malalim at umayos sa pagkakatayo.

"Eh kasi may mga lalaki na pinagtutulungan siya sa may quadrangle eh! Wala namang gustong umawat kasi pati sila baka raw madamay!"

Nanlaki mga mata ko sa narinig. Di na ako nagpatumpik tumpik pa at tumakbo na ako papunta sa quadrangle para kay Nick...

Pagdating ko dun, nakita ko siya nakahandusay na sa sahig at halos wala nang malay...

"Guys help him out, please bring him to the clinic!" Irita kong sinabi dun sa mga bystander na di man lang siya tinulungan... Kaya ayun, nagsikilos lahat at halos lahat silang nakamasid lumapit at handang tumulong! Yung mga goons?? Ayun, napatulala nung nakita akong parating.

Hinintay ko munang mabuhat nila si Nick para madala sa clinic bago ko binaling yung tingin ko sa mga lalaking bumugbog sa kanya.

"Let's talk... At the council office" calm kong sinabi kahit deep in side gusto ko silang balatan ng buhay at ipakain sa leon!

Nauna na ako maglakad, good thing sumunod naman yung tatlo...

Pagdating namin sa office, pinaupo ko sila dun sa chairs sa may tapat ng table ko.

"So explain what happened?" Sinasadya kong maging makalma. Alam ko kasing ito ang tama, ayokong isipin nila na may kinakampihan ako kahit na nasa side ako ng boyfriend ko.

Wala man lang sumasagot sa tanong ko... Lahat sila nakayuko. Yung inis ko naman nababaling ko sa ballpen na nasa may table

Di rin nakatiis at umamin rin... Di na rin kinaya ng pasensya kong magpigil ng emosyon eh...

"Nagawa lang kasi namin yun dahil nalaman namin na niloloko ka niya." Nakayukong sabi nung isa.

"Oo Kaith! Niloloko ka nung lalaking yun! Hindi ka niya kayang mahalin ng totoo! Dapat lang sa kanya yun!" Sabi nung isa na may kasamang panunuro pa.

"Pero hindi niyo dapat siya sinaktan ng ganun! Paano na lang kung malala yung natamo niya? Anong gagawin niyo?" Mangiyak-ngiyak kong pangangaral sa kanila.

"Di mo ba nakukuha Kaith? Sinaktan ka niya! Hindi ka niya mahal! Kung di ka lang dumating baka malamang natuluyan na namin yun eh!"

"Kahit na! Kahit na anong gawin niya sa akin, di niyo dapat ginawa yun sa kanya! Kahit sinaktan niya ako, lokohin, o wag mahalin; wala kayong karapatang gawin yun! Lalaking mahal ko ang pinag-uusapan dito! Alam niyo ba sa ginawa niyo, di lang siya ang nasaktan niyo eh! PATI AKO!" Tuluyan nang bumuhos ang mga luha ko na kanina ko pa gustong pakawalan...

"Pero kasi Kaith..."

"What?! Paano na ngayon kung grabe pala ang natamo niya?! Paano kung masama lagay niya ngayon???!! Alam niyo ba kung gaano kasakit yun para sa akin yun?!" Di ko na hinintay pa mga sasabihan nila, nagmadali na akong pumunta sa clinic para matingnan kung anong lagay ni Nick.

Patuloy pa rin ang pagbuhos ng luha ko palabas ng office...

"Kaith!" Napatingin ako sa sumalubong sa akin sa may pintuan... Si Sam. Agad kong pinunasan ang mukha kong basa na ng luha...

"Alam mo na ba yung nangyari?!" Inayos ko muna ang sarili ko para makapag salita ng maayos...

"Sam sorry but I really need to go." Iniwan ko na siya nang hindi pa nagsasalita.

Pagdating ko sa clinic agad kong pinuntahan yung incharge kay Nick. I felt relieved nung sinabing okay siya.

Pumasok na ako sa may room kung saan nandun siya at nagpapahinga. I can't help but cry... Alam kong hirap na hirap na siya sa sitwasyon namin tapos lalo pa siyang pinahirapan dahil sa ginawa sa kanya....

Hinawakan ko yung kamay niya pati mukha niyang may mga sugat... Di ko mapigilan ang pagtulo ng luha ko... Nagi-guilty ako.

"Nick... I'm sorry. It's all my fault. I'm sorry..."

Mas lalo tuloy lumalim ang dahilan ko para lang hiwalayan ko na siya. Ako ang nagiging dahilan kung bakit siya nasasaktan. Ako ang magiging reason ng ikapapahamak niya...

Ayokong humantong pa sa ikakapanganib ng buhay niya dahil lang sa akin... Masasaktan siya, pero mas masasaktan ako kapag nangyari yun. Naiinis ako sa sarili ko kasi wala akong magawa para sa kanya! Naiinis ako!! :'(

Misfortunes of Love (MOL)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon