Chapter 30

58 8 0
                                    



Today is Aziel's graduation, umabsent din si Ayani at Kurt para daw mapanood ang graduation niya. Summa Cum laude si Aziel kaya sobrang proud kami sakanya. Nandito din sila Tita Anna, Kuya Theo, Levi at Castiel. Hindi niya ineexpect na nandito sila, akala niya ako at si Tita lang. Magkasabay kami nila Castiel na gragraduate, ako okay lang kahit walang honor, hindi ko na ineexpect yon. 


"AZIEL AMADEO VLAZDEMOR, SUMMA CUM LAUDE, GRADUATE." Halos lahat nagpalakpakan ng si Aziel na ang sumunod na sabihin ang pangalan, pagkatapos niyang mag bow. Narinig ko pang naghiwayan sila Levi, ako naman todo ang palakpak ko sakaniya. 


"Congratulations!" Sigaw namin sakanya pagkaloob sa condo namin. Dito nalang daw kami magcecelebrate para hindi nakakapagod, dito din sila matutulog ngayong gabi, baka mag-iinuman lang sila kuya. Maliban lang kila Mama at Tita hindi sila makakasleepover dahil na din sa may mga lakad sila.


"Malapit na tayo Thana!" Excited na sabi ni Miya saakin. Bukas ang start ng Internship namin, sa kompanya muna kami ni Kuya, tapos lilipat kami sa kompanya nila Aziel, sunod kila Levi at Castiel at panghuli ang kay Dad. Ito ang pinili namin ni Miya para medyo madali saamin. 


Next week naman ang Anniversary namin ni Aziel, balak naming mag out of the country bago pa ako lalong maging busy. Wala naman daw kaso kay Aziel kahit saan, pero gusto ko din maranasan sa ibang bansa. 


"Grabe ilang libo kaya itong condo niyo?" Tanong ni Ayani saakin, maski kasi ako hindi ko naman alam kung magkano. Kaya nagkibit balikat lang ako. Mukha ngang barya lang ito kay Aziel kasi binili na niya mismo.


"Gusto ko din magkaroon ng ganitong condo! Dalawa kami ni Mama!" Masayahing sabi ni Miya. Kahit naman anong gusto niya makukuha niya, sobrang hard working si Miya, kapag kailangan niya din naman ng tulong. Meron akong takbuhan niya. Matapos ang celebration ay nagpahinga na kaming lahat, magreready pa kami ni Miya para bukas. Sa sobrang kaba ko nga hindi na ako makatulog, napansin naman agad yon ni Aziel.


"Nervous or Excited?" He asked me. I chuckled at him.


"Both. Do you think I can do it? It is just an Internship, but this will be my last requirement before graduating." He caressed my hair softly.


"I trust you Love, and you need to trust yourself also." I nodded when he said that. I am lacking in trusting myself, huh? I moved into Aziel's side and hugged him tight. He hugged me back also and kissed the top of my head. I stared at him, his eyes were closed, ready to sleep, but I couldn't sleep! I don't want to wake him up.


Tumayo ako para kumuha ng gatas, siguro sa sobrang dami ng iniisip ko kaya hindi ako makatulog ng maayos. Mabilis lang makatulog si Aziel lalo na kapag pagod din siya, minsan nga nakakalimutan na niyang magbihis. Nakita ko namang open ang Veranda kaya nagpunta ako doon, nakita ko si Castiel nakatingin sa malayo. Ngumiti ako ng tignan niya ako ganon din siya saakin. 


"Bakit gising ka pa?"


"Why are you still up?"


Sabay naming sabi, kaya napatawa kaming dalawa. Napalapit na din ako sakanya dahil sa mga kapatid niya. Minsan nagkikita kami sa school pero madalas naman siyang wala. Ang sabi niya nagcocompile nalang daw at matatapos na din siya. 

Whisper of Thanks, Echoes of Goodbyes (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon