CHAPTER 5

38 3 0
                                    

Madali akong nakatulog kagabi dahil na rin sa sakit ng ulo. Kaya hindi ko na nabasa na may text pala saakin si Alex. Tinatanong niya kung free raw ba ako ng sabado, hindi ko na siya nareplyan dahil nagmamadali na rin kami kanina ni Aling Pasing dahil akala namin ay nasa labas na si Alex. Iniintay na lang namin si Alex dito sa labas ng gate, susunduin daw niya kami para hindi na kami mamamasahe ni Aling Pasing. Maya-maya nama'y dumating na rin siya.

Pagkatigil niya palang sa harap namin ay sobrang ganda na ng ngiti niya. Ang aliwalas ng mukha niya habang binabati kami. Ang linis din niyang tingnan kahit nakapang bahay lang naman ang suot niya.

Ewan ko pero hanggang makarating kami ng palengke ay hindi ako kinakausap ni Alex, parang ang lalim nang iniisip niya.

Tapos na kami mamili, may kinakausap lang si Aling Pasing kaya hindi pa kami makaalis. Nakaupo kami ni Alex sa backride ng trycickle niya.

"Alex about dun sa text mo-"

"Ah, oo, wala ka bang gagawin sa sabado?"

"Wala naman. Bakit?"

"Aayain sana kitang mag ilog, hehe, kung ayos lang" namumula ang pisngi niya at napapakamot din siya sa ulo.

"Oo naman, miss ko na ring mag ilog"

Tuwing linggo ang day off ko, pero hindi ko ito nagamit noong nakaraan dahil wala rin naman akong pupuntahan. Pero kung magsasabi ako kay ate Ate Jhonna kung pwede kaming magpalit ng day off, papayag namn siguro yon. Lalo na at si Alex ang nangangakit saakin. Gustong gusto kasi nila si Alex para saakin. Hindi ko naman itatanggi na may nararamdaman din ako kay Alex, noon pa lang e gusto ko na siya, hanggang ngayon hindi ko pa rin nasasabi sa kaniya. Kaya nae-excite na ako para sa sabado.

"Pasensya na kayo mga anak napakwento ako"

"Ayos lang po, Aling Pasing" ani ko

Sa maghapon wala akong ibang inisip kung ano ang susuutin ko sa sabado. Napapansin din ng mga kasama ko na ganado akong gumawa ng trabaho. Napapasayaw pa nga ako ngayon habang nagdidilig ng halaman.

"Aba, Anna, mukang masaya ka ngayon ah"

Si Ate Jhonna pala, may hawak itong walis.

"Opo, Ate, hehe inaya ako ng crush ko na magilog" kinikilig kong sabi. Saglit na napatigil siya pero agad din namang nag react

"Sino naman yong swerte na lalaki na yan ha"

"Si Alex po hehe"

Kinuwento ko kay ate yung paguusap namin ni Alex kita kong kinikilig din siya sa kwento ko kaya nagpabala na ako kung pwede kaming magpalit ng day off, pumayag naman siya. Sinabi rin na kubg pwede niya akong tulungan na maghanap ng susuutin ko para sa sabado, pumayag naman siya at aayusan din daw niya ako.

Wala pa rin ngayon si mama, ang sabi ni ate sa ikalawang linggo pa raw siya padating at wala pa raw kapalitan si mama.

Naglalaba ako ngayon ng mga damit ko at hindi ko pa rin alintana ang pagod kahit madami na akong nagawa ngayong araw.

"Who is he?"

Nagitla ako ng may nagsalita sa sa likod ko. Si Senorito.

Napatayo ako bigla, at hindi ko nanaman alam ang gagawin. Sino ang tinutukoy niya? Napayuko na ako, sa tindi ng tingin niya para akong natutunaw. Mukha rin siyang galit sa hindi ko malaman na dahilan.

"P-po? S-sino po?"

Mas lalo pa siyang nagalit sa sagot ko. Sobrang kunot ng ulo niya. Lumalapit siya saakin habang nalayo ako sa kaniya. Nakakatakot siya. Nang wala na akong maatrasan, inilagay niya ang dalawang braso niya sa pader, kinulong niya ako sa mga braso niya.

"You're not allowed to go out in Saturday! Remember, Anna. You are mine! Mine only!"

Kinuha niya ang dalawang braso ko at ipinirmi sa pader, sobrang higpit ng hawak niya at nasasaktan na ako.

"N-nasasaktan a-ako"

Pinilit kong makaalis sa hawak niya pero sobrang lakas niya. Galit na galit talaga ang mukha niya.

"Masasaktan ka talaga! Who is he? Is he your boyfriend?"

Hindi ko alam kung paano niya nalaman na may lakad ako sa sabado. Wala naman akong ibang pinagsabihan kung hindi si Ate Jhonna. Si Alex ang tinutukoy niya, pero bakit galit na galit siya?

Panandalian na nagluwag ang hawak niya nang makita niyang paiyak na ako, sobrang higpit kasi ng hawak niya at ang lapit din namin sa isa't isa. Sobrang nakakatakot siya. Yumuko ulit ako dahil kahit ano namang gawin ko hindi ako makakawala sa kaniya, sobrang lakas niya!

"Look at me!"

Hindi ako kumibo, patuloy na lumalandas ang luha ko dahil natatakot na ako. Bakit niya ba to ginagawa?

"I SAID, LOOK ATE ME, ANNA!"

Sobrang lakas ng sigaw niya kaya napapitlag ako. Hinawakan niya ang baba ko at itinaas niya. Hinalikan niya ang labi ko ng marahas kaya mas lalo akong nagpumiglas.

"Ahh"

Pinipilit kong iiwas ang mukha ko sa kaniya kaso sa bawat pagpumiglas ko mas lalo lang niyang hinihigpitan. Bumaba ang labi niya sa leeg ko kaya mas lalo akong natakot.

"Tama na please"

Iyak na ako ng iyak dahil hindi talaga siya tumitigil, saka lang siya tumigil nang marinig niyang nagsalita ako. Nagaapoy pa rin sa galit ang mga mata niya. Marahas niyang binitawan ang mga kamay ko.

"Hindi lang yan ang gagawin ko kapag hindi ka sumunod. Saakin ka lang, Anna. Saakin lang!"

Spare (R-18)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon