Alam niyo kung ano yung masakit? Yun ay yung nagmumuka ka ng tanga, kasi pinagmumuka ka ding tanga.
Ang hirap pala kapag bestfiend mo ang palaging nagugustuhan. Lalo na kapag yung gusto mo, ang gusto bestfriend mo.
Andito ako ngayon sa isang party, lahat sila nasa loob ng bahay, ako naman andito sa may pool. Overnight kami dito kaya kahit magbabad ako sa pool okay lang, may damit naman ako pero yung paa ko lang nakalublob sa pool, ang lamig kaya ng tubig. Andito ako kasi ang daming gumugulo sa isip ko ngayon, eh dito lang sa may pool ang tahimik.
Nakatingin lang ako sa kawalan hanggang sa di ko namamalayan, umiiyak na naman ako. These past few days napansin ko tuwing gabi umiiyak ako. Kelan ba nagsimula toh? Ahh yun ay nung napagdugtong dugtong ko ang lahat.
Masakit palang mainlove. Ayoko na pagod na ako. Nakakainis lang, alam mo yung feeling na ikaw na naman magpaparaya. Masakit magparaya. Magpaparaya na naman ako para lang sumaya bestfriend ko, saklap noh? hahaha
Bakit ba kasi kailangang pati siya may pag-asang mafall sa gusto ko? Idagdag mo pa sila palagi nagkakasama kasi ako, malayo ako, napakalayo.
Si bestfriend, nasa kanya na ang lahat hahaha. Maganda siya, malambing, at medyo makinis. Eh ako? heto, pinagtritripan ng mga pimples pagmumukha ko, tapos ang sungit at maldita ko.
Pero oy, loyal ako bwahahaha. Ewan ko ba kung anong meron siya na wala ako, yun ay siguro dahil sila yung palaging magkasama kesa sakin.
Hanggang ngayon ako ulit ang magpaparaya, nakakatawang isipin na pangalawang beses ko ng gagawin ito.
Wala naman akong laban dun eh kasi bestfriend ko yun eh. Sige lang okay na siya yung gusto ng gusto ko bahala na.
Pero ang masakit ay yung sagot ni bestfriend nung tinanong ko ba siya kung may pag-asa ba siyang mafall sa taong nagugustuhan ko, ang sabi niya oo daw. Ang sakit lang na nakakainis kasi alam naman niya na may gusto ka nga dun eh tapos oo padin ang sagot.
Ang sakit lang hahaha. Kasi noon nung may iba pa akong nagugustuhan si Winston, pero tinago ko lang sakanya na nagkakagusto ako kay Winston. Eh ngayon si WInston pala may gusto sa bestfriend ko, kaya tinanong ko si bestfriend ko kung may gusto ba siya kay Winston ang sagot niya din oo. Anong ginawa ko? Umiwas na ako ng feelings, siguro nung una oo iniwasan ko si bestfriend pero tinigil ko nadin ang pag iwas kasi alam kong walang magagawa yung pag iwas ko
Siaka dahil lang sa isang lalaki masisira pagkakaibigan namin? ang babaw naman nun kaya hinayaan ko nalang. Ako yung nagparaya, ako yung nagtigil ng feelings. Tapos ngayon na naman ganyan na naman ba mangyayari?
Hanggang ilang ulit nalang ba akong magpaparaya? Hanggang ilang ulit nalang ba akong masasaktan?
Nagkwento ako kay Winston, kasi parang magbestfriend na kami ni WInston kaya nagkwekwento ako sakanya. Kinuwento ko sakanya lahat ng saloobin ko. Tapos sabi niya sakin tama na na daw, kasi ang layo ko wala akong laban sa palaging magkasama
Tinanong ko yung nagugustuhan ko kung magkakagusta ba ulit siya kay bestfriend ang sabi niya hindi na daw. Tapo tinanong ko si bestfriend, kung may pag-asa bang mafall siya ang sagot niya nga oo pero noon ang sabi niya wala naman na daw talaga, kasi tropa daw sila at kapag TROPA, TROPA lang talaga, anong nangyari? Hahahaa
Sabi nung nagugustuhan ko na may natitipuhan na daw siya pero hindi ko kilala kung sino, si bestfriend naman tinatanong niya din kung sino nga natitipuhan nung gusto ko at nung nagbigay ng clues yung nagugustuhan ko, shit parang kilala ko na kung sino.
Pero sabi naman nung nagugustuhan ko wala daw na talagang feelings kay bestfriend, tapos si bestfriend naman may pag-asang mafall pero noon sabi niya tropa nalang daw talaga sila.
Ano ba talaga? Gulong gulo na ako. Try niyo palit tayo ng position, ikaw ako maguguluhan ka din.
Sabi ni Winston tama na daw, nanghingi ako ng advice sa aking pinakamamahal na gurang na kaibigan sabi niya, tama na daw ang paparaya at happiness ko naman ngayon
Ano ba talaga? Gulong gulo na ako.
Muli akong napahagulgol kasi ang sakit. So totoong love na pala ang nafifeel ko ngayon, kasi I wouldn't cry if my feeling aren't real.
Tumayo ako at tumalon sa pool, wala naman akong dalang phone nasa bag ko sa kwarto sa loob.
ang lamig ng tubig, ang ginaw, Muli akong umubog, ang tahimik, napakatahimik sa ilalim ngg tubig. Umahon ako para makalaghap ng hangin, after a minute lumubog ulit ako.
Bwiset na chat, vm, call yan. Nafall tuloy ako, ang problema sakin ang bilis akong ma attach, ang bilis kong mafall. Kaso nafall ako sa maling tao, palagi namang maling tao eh. Ako hanggang chat, vm , call lang ako pero si bestfriend, nakakasama niya, nakakausap niya ng harap harapan.
Umahon ulit ako para makahinga at siaka lumubog ulit ako. Ang sarap sa feeling. Ahon hinga lubog ginagawa ko. Ang sarap sa feeling, hinayaan ko nalang na gawin ko yun.
It's like I'm drown, drown in my own thoughts, drown in my own feelings, drown in the water.
Chat, Vm, Call, I fall