Kabanata 18

2.8K 101 3
                                    

Kinabukasan tulad ng sabi ng teacher namim may mga pupuntang seniors sa room namin para i-promote ang kani-kanilang club. Before weeks end kailangan may napili na kaming club na sasalihan.

Ang unang club na pumunta sa amin ay history club kung saan aaralin daw namin ang mga kung ano-anong history. Medyo gusto ko ang club na 'to since mahilig ako sa mga history, pero feeling ko magiging boring buhay estudyante ko dito kapag sakanila ako sumali.

Pangalawang pumunta ay dance club at syempre ano pa nga ba ang ginagawa dito. Hindi ako marunong sumayaw kaya passed ako sakanila.

Next na pumunta ay music club and I think may napili na akong sasalihan. I like music in my past life at saka pangarap ko noon na sumali sa mga band kaya baka ito na sasalihan ko.

May mga dumating pa like art club, model club, archery club kung saan gusto ni Laria na sumali at iba pa hanggang sa dumating na ang last which is ang sports club. At hindi ako makagalaw sa kinauupuan ko nang makita si Kein kasama ang dalawang kaibigan niya.

"Good morning juniors from 1A, we are from sports club. I'm Rum Quin the president of sports club and I'm with one of our best player, Aris Guero and Haze Kein Azyr"  sabi ni Rum at sabay silang yumukong tatlo.

" Eiri" tawag ni Laria sa 'kin  "Nakapag-usap na kayo?" Bulong niya. Umiling lang ako  "Huh? Bakit?"

Hindi ko siya sinagot at nakinig nalang sa sinasabi ni Rum. Madami siyang sinasabi at pinapaliwanag at kung fan ka ng sports hindi ka talaga magdadalawang isip na sumali sakanila. Ang galing niya magpaliwanag at magsalita, may mga joke siyang sinisingit kaya hindi siya boring pakinggan.

" Once again, we are from sports club. Thank you everyone"

Yumuko ulit silang tatlo at nang nag-angat na ulit sila ng ulo natigil ako dahil biglang tumingin si Kein sa 'kin. Agad akong umiwas ng tingin sakanya at tumingin kay Raiye na kinagulat ko din dahil sabay kaming napatingin sa isa't isa at mukhang nagulat din siya.

" S-Sorry"  sabi niya at umiwas ng tingin sa 'kin. Bahagya akong napangiti nang makitang namumula ang mukha niya.

"Kinikilig ka ba?" Biro ko

"H-Hindi ah!! N-Nagulat lang ako"

"Aysus! Deny pa"

"H-Hindi nga! Hayst!"

Natawa ako sa naging reaksyon niya, tinakpan niya kasi ang mukha niya ng dalawang kamay niya at pinatong ang ulo sa mesa.

"Ang cute mo mag-blush" pang-aasar ko pa sakanya. Pero seryoso ang cute niya talaga.

"Stop it!"

"Hoy tama na yang landian niyo! Gutom na ako, kain tayo" sabi ni Laria na nakatayo na

" Tara na" sabi ko at hinila na siya patayo at naglakad na kami palabas ng room. It's break time.

So we went in the cafeteria then pumila na kami para bumili ng pagkain, after that naghanap na kami ng table.

"Eiri! Here!"

Napalingon ako kay Bria na kinakaway ang kamay niya sa amin. Naglakad na kami papunta sa pwesto nila ni Cala.

"Okay lang maki-upo kami sainyo?"

"Yes of course, actually hinihintay namin kayo"

"Ah..."

So naupo na kaming tatlo at sabay-sabay na kami kumakain habang nagchi-chikahan sila. Hindi ko maiwasan na lihim mapatingin kay Bria, kanina ko pa kasi napapansin na lihim siyang napapatingin kay Raiye tapos bigla nalang siya mamumula. 

May gusto siguro 'to kay Raiye...

Binalewala ko nalang 'yon at nagpatuloy nalang sa pagkain at nakinig nalang sa kwentohan nila. After namin kumain naghiwa-hiwalay na kami at bumalik na sa kanya-kanya naming room. Tulad kanina may mga dumating pa na seniors at nag-promote ng mga club nila. Natapos ang araw na walang masyadong ganap pero napagod ako. 

Nagdaan pa ang ilang araw at ngayon kami pupunta sa kung saang club namin gusto. Hindi kami magkasama ni Laria dahil sa ibang club siya sumali. Sa music club ako sumali while her sa archery club. Bria at Cala naman ay sa cooking club and Raiye as he said sa sports club siya sumali.

Pagdating ko sa music club kaunti lang ang nakapila doon, may mga nauna ng nag-perform sa loob. Hindi kasi lahat makukuha, kaya kailangan mag-perform at kapag nagustohan nila ang boses mo saka ka lang nila kukunin. Tiwala naman ako sa boses ko, pero ayuko pa din pa-kampante dahil depende pa rin 'yon sa mga seniors kung gusto nila boses ko.

"Next please!" Sabi nong isang babae na nasa bungad ng pinto. Siya yung taga-tawag at tagasabi kung sino susunod. And yeah, ako na nga ang kasunod kaya pumasok na ako. Pagpasok ko nagulat ako nang makita si Kein sa isa sa mga judges ata.

Anong ginagawa niya dito? 'di ba sa sports club siya?

"Good morning miss" bati nong isang babae.

Naglakad ako papunta sa gitna sa harapan nila.

"Please introduce yourself"

"Hm... I'm Eiri Avriel Lzien, it's nice to meet you"  pagpapakilala ko at bahagyang yumuko.

"Do you love music?"

"Uhm...yes"

"What song do you like?"

"Any song"

It's a lie, wala lang talaga akong alam na kanta dito. Ever since na na-reincarnate ako dito hindi pa ako nakakarinig ng kanta nila. Wala naman kasing cellphone dito para mag-download ka ng kanta o sa mga music app kung saan pwede ka makinig ng kanta o kaya CD player. Makakarinig ka lang ng kanta dito kapag nanood ka ng mga nagpe-perform.

"Okay" seryosong sabi niya   "Okay Uhm... Can you sing us a song?"

"Okay" sabi ko "Can I borrow a guitar?"

"Yeah, go ahead"

Kinuha ko yung gitara na nasa gilid then inayos ang tunog nong gitara. Chineck ko din yung microphone then after that nagsimula na ako. I started strumming the guitar...

"I like your eyes. You look away
when you pretend not to care
I like the dimples on the corners
of the smile that you wear

I like you more the world may know
but don't be scared
'Cause I'm falling deeper, baby
be prepared...


Muntik na akong tumigil sa pagkanta nang makitang nakatitig siya sa 'kin. Hindi ko alam kung napapansin 'yon ng mga taong nandito sa loob ng classroom na nakatitig si Kein sa 'kin at ganun din ako. Tuloy pa rin ako sa pagkanta ko pero nawala ako sa sarili ko, nakalimutan ko na may mga kasama pala kami dito.  I can't take off my eyes on him, especially when I'm singing the last part of the lyrics...

"...I'm in love with you,
And now you know."


Natapos ko ang kanta na sakanya lang ako nakatingin. 


" Ehem!! Uh...that was great, it's my first time hearing that song but it's really good and your voice is also good."


" Thank you" sabi ko at bahagyang yumuko



"So Uhm... Welcome to music club, you passed"



" Thank you" sabi ko at yumuko ulit


Yes!!

A Famous Killer Who Got Reincarnated As A Commoner (Isekai Series 5) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon