I'm here now sa labas ng bahay nila kakatapos lang ng moving up namin, and i think ito na yung time para aminin ko sa kan'ya yung feelings ko, kinakabahan na medyo nanginginig pa haha
Few minutes ago nasa harap ko na siya ngayon hindi ko alam kung paano ko sasabihin sa kan'ya, hindi ko alam kung anong mukha ihaharap ko sa kan'ya after this
"So ahm, ano pala yung sasabihin mo?" pagtatanong nito, chill ka lang bebe ko
"Ahm you know naman na this month lang kita naging kaibigan and i know din na masyadong mabilis, Sha, i like you" medyo nanginginig na confess ko sa kan'ya
"What? Sure ka ba sa sinasabi mo? Baka prank lang ha? Tigil tigilan mo'ko sa kalokohan mo Fi" naneto, alam ko naman na joker ako pero ahm sabunutan ko kaya 'tong babaeng 'to?
"Hindi ako nagbibiro, gusto kita"
"Sorry, pero-" sabi niya habang umiiling uling pa at tsaka tumakbo papasok ng bahay nila
F*ck!
Nagmadali akong sumakay sa motor at nagmaneho para lang makalayo sa bahay nila, dumaretso ako sa 7/11 at bumili ng beer
Nasa kalagitnaan ako ng daan nagmamaneho habang nainom alam kong mukha na'kong baliw sa ginagawa ko pero shit!
Iniwan ko yung motor ko sa gilid na madilim tsaka tumakbo patungo sa high way...
"Tulong" bulong ko, puro busina ang naririnig ko at mga taong nakapalibot sa'kin ngunit hindi ko inintindi yon.
-
Puti, puti lang nakikita ko, nasa langit na ba ako? Ay hindi pala ako pwede don hehe pero seryoso
"Where am i?"