Kabanata 1
Ang book store.
Paboritong tambayan ng mga nerds at geeks na katulad ko. Why, you say? Matahimik na nga, malamig pa, at pwede pang matulog! Parang yung saying na 'hit three birds in one stone' lang 'to. Kung gusto mo magstay ng buong araw, okay lang. Huwag ka lang magkalat at punasan mo yung tumulo mong laway kung nakatulog ka man.
Sina Mr. and Mrs. Gomez ang nagtayo nito, wala silang anak kaya yun ang turing nila sa mga iilan ilan na estudyante pati sa mga suki nila. Nagsstand out yung store kasi halos thirty years nang nakatayo, kaya medyo antique na yung itsura pero nakakaakit padin ito ng pansin.
Malapit lang ito sa malaki naming campus kaya hindi ko na ipinipilit yung sarili ko sa school library na hindi kayang i-entertain ang napakalaking populasyon ng estudyante.
Besides, sobrang komportable pa dito.
Maraming mga sofa na pangsingle at pangmaramihan na sobrang lambot. May mga hiwa-hiwalay din na mga study tables pati corner na may mga la mesa't upuan na pambata. Dalawang lapag pa! Kaya para sa akin, it beats the campus lib.
Pinuwesto ko yung sarili ko sa isa sa mga pangisahan na upuan na nakasandal sa mataas na bookshelf. Kaharap ko yung salamin na railing ng hagdan, kaya namamata ko lahat ng umaakyat pati bumababa. Linapag ko yung bag ko sa tabi at binagsak ko yung sarili ko sa aking favorite spot.
Napangiti ako sa pagiging relax. Ang tindi ng init ng araw sa labas - at yung building namin ang pinakamalayo sa lahat kaya mahaba haba yung lakad papunta dito. Tinignan ko yung relo ko at nakitang mag-aala-una palang, at alas-tres pa yung susunod kong klase.
Kinembot kembot ko yung pwit ko para mas maging komportable ako sa pagupo nang makita ko yung napakagandang buhok sa balat ng lupa umangat galing sa hagdan.
Oh gosh, I knew it! Tamang tama ang pagdating ko dito!
Buhok pa lang, nakakatili na! Paano pa kaya yung buong katawan. Napatulala nanaman ako sa kinauupuan ko. Sunod kong nakita yung tisoy niyang kutis na napakakinis din. Walang bahid ng kung ano man.
His eyes! Eyelashes! Lips! Kung pwede lang ilagay yung emoji na may heart na mata, bawat space nilagyan ko na.
Alam mo yung kapag excited tapos biglang may butterflies sa tiyan – ay wait, hindi. Yung feeling na naiihi ka na sa sobrang excited, tapos hindi ka mapakali. Yun na yun. Kapag nakikita ko siya ganun yung nararamdaman ko. Sa tingin ko sa excitement lang na nakakakita ng isang perfect na tao.
Siya nga pala si Ardo – Leonardo Cavanaugh. Ar-dough ha, hindi ar-do.
Kabatch ko siya sa engineering, pero sa dalawang taon nang nag-aaral hindi ko pa siya naging kaklase. Sana, maawa ang Diyos sa akin at at magsama kami kahit sa isang subject lang. You hear me, Lord?! I beg you!
Habang nagddaydream ako, lumitaw na siya sa tuktok ng hagdan at palingon lingon sa gilid. Naghahanap lang siguro ng uupuan. Pinasadahan ko ng mga mata ko yung buong katawan niya at pansin ko na ang kapit ng grey v-neck na suot niya. Nakasabit sa isang braso yung back pack niyang itim na mukhang busog sa mga libro.
Grabe. Walang kapantay talaga ang kagwapuhan at perfection niya.
Sa wakas, nakahanap din siya ng pagppwestuhan. Sa kabilang side kung nasaan ako.
Well, well. Sobrang ganda naman ng view na 'to. Madalang lang yung magkatapat kami, kaya kailangang sulitin.
Linapag niya yung bag niya sa gilid ng sofa tapos linabas yung makapal na libro niya ng thermodynamics. Studious naman pala – another plus point.
Dalawang oras akong nakatago sa likod ng malaking libro na nasa hita ko habang pasilip silip sa kanya. Hinding hindi talaga siya nakakasawa tignan, mula ulo hanggang paa.
Damn this, I need to get closer.
Lumingon ako na konti sa gilid at napansin na wala masyadong taong nakaupo, halos nasa pagitan sila ng mga book shelves. Kaya naman dahan dahan at tahimik akong tumayo at dumaan sa likod ng upuan ko para hindi niya ako mapansin.
Pagdating ko sa kabilang dulo ng shelf kung nasaan siya, napahinto ako. Kitang kita ko na yung batok niya.
This is close... but not close enough.
Sumandal ako sa shelf at lumapit ng pakonti-konti sa kanya. Buti na lang carpeted yung lapag kung hindi nag-squeak na yung sneakers ko. Papalapit na ako ng papalapit, almost two feet na lang ang pagitan namin.
Naamoy ko na yata yung pabango niyang napakalalaki. Yung paglipat lang ng papel yung galaw niya mula kanina. Tinuloy ko pa din ang paglakad ko.
Closer... closer...
Next thing I know, nakadapa na ako sa lapag.
Pagkalingon ko sa kaliwa, nasa tabi ng mukha ko yung Converse niyang suot.
Sh!t.
"Are you okay?" Holy freaking sh!t. Ang warm ng pakiramdam ng boses niya kahit na malalim. Napatingala ako sa kanya at wow.
Hazel eyes. Obvious naman na hindi siya Filipino pero nakakagulat padin ang pagkakaiba ng mata niya. Almond-shaped tapos ang - basta't magandang maganda lang.
Kumunot yung noo niya, "Hey, okay ka lang ba?"
Ako ba? Kinakausap niya ba ako? Sumagot ka, dumbass!
"Uhm..." Yumuko siya at napalapit lalo yung mukha niya sakin.
"You're bleeding." May kinuha siya sa bulsa ng pantalon niya, at Pierre Cardin na blue ang lumitaw.
Inalok niya sa akin yung panyo. Ang manly ng kamay niya. Ang sarap hawakan ng mahigpit.
Nang kukunin ko sa kamay niya, nagdampi yung palad namin. Nagulat ako sa lambot at kinis nito kaya napatigil ako.
Ang lapit niya. Sobrang lapit niya. I am so not ready for this.
Tumayo ako ng biglaan kaya medyo umalog yung utak ko at binalibag yung sarili ko pababa ng hagdan.
Sa bilis ng pintig ng puso ko, parang aasthmahin na yata ako. Pero pinagpatuloy ko pa din ang pagbaba hangga't umabot ako dun sa counter.
"Oh, Mex. Napano ka?" Tanong ni Mrs. Gomez habang nagpapatong ng mga libro sa cart.
Napano nga ba? Ang OA ko naman. Lumapit lang ng konti sakin parang ticking time bomb yung puso ko.
"Okay lang po ako." I think.
"Dumudugo ilong mo. Punasan mo ng panyo mo."
Panyo?
Dun ko lang napansin yung mahigpit kong hawak sa mahiwagang tela. Tinaas ko yung kamay ko para matignan ng malapitan at nasinghap ko yung pabango niya rito. Nakakalasing.
I feel like a stalker. Nakita na niya ako. Hidden nirvana is hidden no more.
BINABASA MO ANG
Miraculous
Teen FictionIt's a miracle when two people like each other at the same time. Pero kung one-sided lang, gagawin lahat ni Maeve para mangyari ang milagrong matagal na niyang inaasam. cover | mine