“Psst gising.” Napadilat ako ng mga mata ng marinig ang kaunting bulungan sa tainga ko.
Bumungad sa harapan ko ang na m-meywang na kamay ni mama. “Anong oras na!” Sigaw niya kaya kaagad naman akong napaupo sa kinahihigaan ko.
Napatingin ako sa labas ng bintana at kaagad na napakurot ng kilay. Kumpleto pa nga ang bituin sa kalangitan eh ginising na kaagad ako?
“Mag hugas ka ng pinggan doon.” Utos niya sa akin habang tinutulak-tulak ang likuran ko patayo ng higaan.
Napatingin ako sa batang nasa tabi ko na ngayon ay malalim na natutulog. “Sos! Ano na!?” Mabilis akong napatayo at kaagad niya akong binigyan ng sponge saka na kaunting naitulak sa likuran.
“Mag linis kana doon. Mamaya gigising na ang mga bata tulog kapa giyan,” sumbat niya sa akin na kagaya bang bata lang ang kaharap niya.
Napabuntong hininga nalamang ako at hindi na sumagot saka baba balikat na pumunta ng kusina upang mag hugas ng kay rami-raming plato.
Muling naranasan ko ang mahirap na buhay. Kagaya noong dati, kung paano nila ako ginagawang yaya at basta-basta nalang inuutosan ay ganito parin ngayon.
“O ang aga-aga pinahugas mo ng plato si, Giana?” tanong ni ate Clara ng makalabas ng kwarto habang naka takip ng tuwalya ang kaniyang katawan.
“At bakit naman hindi!? Ano siya gold!?” Napakuyom at napatakom bibig nalamang ako. Subrang baba parin ng tingin sa akin ni mama, sa aming magkakapatid kasi ako lang ang hindi nakapagtapos ng elementarya. Hanggang grade three lang ako noon eh. Puro line of seven pa ang grades.
“Kawawa naman si, Giana,” malumanay na saad ni ate at napangiti nalamang ako sa kaniya. Sige lang, okay lang 'yan, hanggang kailan ba talaga tatagal ang ngiti sa mga mukha nila?
Buong pag-aakala ko ba naman ay tutulungan na ako ni ate Clara o' Di kaya ay pahintuin. 'Yon pala kumuha pa siya ng mga pinggan galing sa mesa at kaagad na inilagay sa harapan ko.
“Paki sabay nalang' yan, Giana ah. Nagamit na pinggan lang naman kasi iyan kanina ni Kuya mo Berting,” pakikiawa nito sa akin at kagaya ng naging una kong reaksyon ay napangiti akong napatango. Mabilis niyang pinisil ang mukha ko at binigyan ang kamay ko ng limang peso.
“Pasensya kana ah. Wala na kasing pera si, Ate.”
Tangina, ano kala niya sa akin bata!?
Kahit masakit ay pilit akong napangiti at kinuha ang pera na parang isang normal na bagay. Napatawa siya at kaagad na lumapit kay mama na umuupo sa harapan ng mesa, kinakain ang naiwan na pagkain na dala-dala ko kagabi.
“Aalis kana, Nak?” Malambing na tanong ni mama kay ate.
“Ah opo, Ma,” malumanay na sagot ni Ate saka naman na napatayo si mama at napakuha ng maliit na panyo saka na nilagay sa likuran ni ate.
“Mag-iingat ka ah. Lagi mong siguradohin sinasakyan mo.” Niyakap ni Ate Clara si mama saka na binaunan naman siya ni mama ng masiyahing halik sa pisngi bago paman ito umalis.
Hindi na nakapag-paalam sa akin si ate at tuluyan ng umalis. Matapos kumain ni mama ay mabilis niyang nilagay sa hulugasan ang plato at kutsara niya.
“Ah ma?” Napabaling siya ng tingin sa akin. “Kamusta na po kayo dito?” Napalaki ang mga mata niya saka na tumaas ang mga kilay niya.
“Okay lang. Bakit?”
“Ah wala po. Na miss ko na po kasi kayo hehehe.” Pilit na ngiting saad ko sa kaniya at mariin naman siya napakilay sa akin habang umiiwas ng tingin at tumalikod ng parang walang pakialam.
BINABASA MO ANG
The Prostitute Wife Of the Mafia Lord (The Unwanted Wife's Revenge)
ActionCOMPLETED: Giana Michellain Gwenn V. Ford is a talented, desirable, gifted daughter who ended up as an illiterate prostitute wife of a mafia lord. Her bruises have become scars from her past, which includes an abusive family and a toxic relationship...