Chapter 20 " FRIENDLY ADVICE "

28 3 8
                                    


BONG BONG'S POV:

Mula pa lang sa pagpasok namin ng sasakyan ay di na mapigilang magkwento ni Claudia tungkol sa nangyari sa kanila ng customer nya sa salon na pag aari nya.

Di ko maiwasang matawa sa mga kwento nya lalo na doon sa akala nyang mag ate pero yung pala ay magkaibigan at magkaedad pa.

" Hay, grabe talaga babe, buti na lang mga bata pa yun kahit pano madaling kausap. Well that one is very mataray. But you si baby girl, so adorable! Actually naalala kita sa kanya , pahayag pa ni aClaudia.

" Really? Why? kamuka ko ba ?
nagulat ko pang tanong sa kanya.

" We'll no naman!But somehow may resemblance kayo. Maybe kasi pareho kayong cute and very charming! Lalo na kapag nag smile na kayo, paliwanag nya sa akin. " Hay, Sana mabait yung boyfriend nya like you.

" You seem so concern about her?, saad ko pa sa kanya.

" Ayoko lang kasi madagdag sya sa mga babae niloko. She seems so innocent. I hope her boyfriend will love her. But just in case she was fooled. I hope she finds someone like you so that her life can be as happy as mine, nag aalalang sabi ni Claudia.

Pagkasabi nya noon ay agad kong inalis ang kamay ko sa manibela ng kotse ko, hinawakan ko ang kanyang kamay at Sinabi " She will babe, she will "

----------------------------------------------------

THIRD PERSON'S POV:

Dumating na sa venue ng party sina Liza at Claire. Agad nilang hinanap si Reggie para batiin.

Sa dami ng tao ay medyo nahilo pa ng konti si Liza. Marahil ay epekto rin ng kaba dahil ngayon ay ipapakilala sya sa magulang at mga kamag anak ni Reggie.

Sa kanilang paghahanap ay may nakita pa sila ng grupo ng mga seksing babae na mukhang mga modelo.

" Asan na kaya sya? Hay, grabe ang dami ng bisita nya, reklamo pa ni Liza na palinga linga.

" Hi love" isang pamilyar na boses ang narinig ni Liza sa likuran nila. kasabay nito ang isang back hug na ikinagulat ni Liza.

Agad naman syang kumuwala at hinarap ito.

" Reggie, kanina ka pa naming hinahanap ah. Am! teka lasing ka ba? , Ani Liza ng mapansing tila namumula ang mga mata ng kasintahan.

" Of course not! Nag eenjoy pa lang ako love, di ako lasing, Wait ipapakilala na kita kina mom at Dad, sabi ni Reggie sabay akbay kay Liza .

Medyo nailang ang dalaga sa kinikilos ng kasintahan nya pero mas pinili na lang nya sabayan ito sa pag lakad. Habng si Claire naman ay nasa likod lang nila.

Pagdating nila sa table kung saan naroroon ang mga magulang at mga kamag anak ni Reggie ay isa isa na nya silang pinapakilala.

Lahat ng nasa table na iyon ay nakatingin kay Liza. Pinilit nyang ngumiti kahit na matindng kaba ang kanyang nararamdaman.

" Mom, dad , i want you to meet my girlfriend Liza. Liza this is my mom and dad, pagpapakilala ni Reggie sa kanila.

" Am ! Hello po tito,tita, pagbati ni Liza sa kanila sabay isa isang bineso ang mga ito.

" Oh hi hija, finally nakilala na namin ang girlfriend ni Reggie.
From what we heard you are a deans lister. I'm sure your parents are very proud of you, sabi ng mommy ni Reggie.

"That's for sure. And i guess you inherited your daddy's intelligence as well as your mommy's beauty, dagdag pang sabi ng daddy nito.

" Sadly hindi nya nakuha yung height ng mommy nya. Perfect na sana, sabi ng matandang babaeng palapit sa kinaroroonan nila.

 "  My Serenity  &  Happiness  "Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon