Grammatically errors ahead
---------------------------------------------------------
Pagod akong sumandal sa inuupuan ko. Napabuga ako ng hininga. Wala akong ginagawa pero napagod ako.
Nakakapagod tumayo at maya-maya ay uupo. Na boboryo na nga ako dito sa gilid.
Napadpad ang tingin ko kay boss Justin. Sobrang seryoso nya habang nag uutos sa mga artista sa stage. Ang buong atensyon nya ay nakalaan lang sa ginagawa nya.
Nasa isang teatro kami, si boss Justin ang direktor kaya panay utos sya. Parang gusto ko din maging direktor, gusto ko ding mang utos ng artista.
Inabala ko nalang ang sarili ko sa ibang mga bagay para hindi mabagot. Napalingon ako sa upuang katabi ko nang may umupo doon.
"Pay attention Jojo. I want to know your reaction and opinion later."
Mahina akong tumango..nag papanggap na naintindihan ko ang sinabi nya.
Nag simula na ang play. Nag sasayawan, kantahan, at aktingan..
Napakagat ako sa ibabang labi ko ng makaramdam ako ng antok. Sino ba naman ang hindi aantukin nito? Kanina pa sila kumakanta, mag uusap lang eh, kailangan pakanta pa.
Hindi ko na nakayanan at napahikab na ako. Habang humihikab ay lumingon ako kay boss baka kasi tulog na sya.
Agad kong isinara ang naka buka kong bibig nang magtama ang mga mata namin.
Masama ang tingin nya sakin na para bang sinasabi nya na hindi nya nagustuhan ang pag hikab ko.
Nag iwas ako ng tingin at napakamot nalang ako sa batok ko.
Eh anong magagawa ko? Eh inaantok ako sa pakanta-kanta nila eh.
"I told you to pay attention." Napalingon ako sa kanya. Nasa sasakyan na kami. Nang matapos nyang panuurin ng buo ang play ay kinausap nya agad ang nga artista at ibang staff.
"Eh inaantok na ako eh." Reklamo ko sa kanya. Kahit naman pilitin ko ang sarili ko wala pa din akong maiintindihan, puro english eh.
Napabuga sya ng hininga at napailing.
Pag dating namin sa bahay hindi na nya ako pinag luto. Anong oras na din kasi kami naka uwi kaya nag order nalang sya.
Tumayo ako agad sa kinauupuan ko nang tumunog ang door bell. Bumagal ang pag hakbang ng mga paa ko nang makita ko si boss Justin sa gate. Naunahan nya na pala ako.
"Eto na po sir. Pasensya na po kung natagalan."
"Salamat po. Pasensya na po kung sobrang gabi na, ginabi lang po sa trabaho." Umiling ang delivery rider sa kanya habang nakangiti.
"Ay nako sir, hindi nyo na po kailangang humingi ng despensa, trabaho ko po to."
"No kuya. I'm sorry.." Binuksan nya ang wallet nya at binigyan ng limang libo yung delivery rider. Sanaol.
"Eto po, maraming salamat. Ingat po kayo."
"Naku sir, sobra-sobra na po to." Akmang isusuli ni kuya ang pera kay boss pero pinigilan sya agad nito.
"Sayo na po yan. Isipin nyo na lang..pamasko ko yan o kaya birthday treat." Wala nang nagawa yung delivery rider at naiiyak nalang na nag pasalamat kay boss Justin.
Napangiti ako. Ang bait pala talaga nya.
"You're there pala." Sabi nya nang makita ako. Lumapit ako sa kanya at kukunin sana ang inorder naming pagkain pero agad nyang inilayo sakin yun.
"Ako na. Pumasok ka na sa loob."
Gusto kong umangal pero ang seryoso ng mukha nya. Mukhang sakin lang talaga sya hindi mabait. Kay kuyang delivery rider kasi kanina ang bait ng boses nya, nakangiti pa sya. Samantalang sakin nakapa seryoso.
YOU ARE READING
Sound Break 2: Under His Spell
FanfictionJustin Klein Dedios is an famous artist in the country-a member of a famous boy band. He is very passionate with his craft to the point, he overworked his self. Because of that, her manager decided to hire him a PA. Josephine Joliana Cruz is an orph...