MADALAS ang mga love story nagsisumula sa....
pagkakaibigan na nauuwi pagkaka-ibigan. Sa tagal ng pinagsamahan nagkaka-developan.
Meron namang nagsimula lang sa simpleng crush then nauwi sa love o kaya na love at first sight, nagkamabutihan then nagkatuluyan.
Meron ding nagsimula sa blind date...
Sa banggaan kung saan saan... dahilan para kamuhian ang isa't isa dahil lang sa di magandang unang pagkikita na nauuwi din naman sa pag iibigan... Ika nga nila, the more you hate,the more you love.
O sa kung ano ano pang pinagsimulan n'yan... na nauuwi din lang naman sa love at pagkakatuluyan.
Pero...
Aakalain nyo ba? Sa lahat yata ng love story...
yung samin na yata ang pinaka kakaiba.
Sa tingin ko.
Kasi... sa totoo lang hindi ko talaga alam kung saan nagsimula. Pero naging kami na lang... ng walang dahilan.
Wala nga ba? Uhhh
Hindi sa crush, hindi sa kung ano anong aksidente o love at first sight, o kaya sa pagpapanggap na mag gf/bf, hindi rin sa pagkakaibigan o sa the more you hate the more you love na yan.
Basta... nagsimula lang sa wala lang.
Magulo diba? Magulo nga.
Simpleng magkaklase lang kami, hindi kami friends, hindi kami close, pero kahit madalas kaming magtalo, mag asaran, magpikunan, magbatuhan ng kung ano ano... Hindi kami magkagalit o magkaaway.Walang samaan ng loob. Hindi ko naman siya gusto pero hindi ko naman ayaw sa kanya, gets?...
Ah basta, naging ganun na lang kami ng walang dahilan. Ang alam ko lang MASAYA ako sa kung anong meron kami.
Parang ganito...
"Leche ang cute nyo talaga mag LQ! Yiiiieeeeee!"
"Oo nga! Hihi! Bagay na bagay talga kayo... Nakaka LECHE talaga! Yiiiieeeee...... LECHE FOREVER!"
Ayan na naman sila sa LECHE na yan. Leche lang...
BINABASA MO ANG
Walang Iba
RandomCast Daniel Padilla as Lexzel Dave Samañego Kathryn Bernardo as Mische Fae Ellazar