"Duke!" Pumikit ako sandali nang marinig ang boses ni Verno. Nagbabalak akong patayin ang lalaking ito. "Bro, stop looking at me. Iisipin ko tuloy na inlove ka sa akin." Sabay tawa niya ng malakas.Tinitigan ko siya ng masama.
Inabot niya sa akin ang alak bago pa ako sumabog sa kanya.
"Duke!" Tawag ng babaeng kasama ko. Nakalimutan ko ang pangalan niya. Hindi ko siya puwedeng tanungin, baka sapakin niya ako kapag nagkataon.
Maganda siya. Pero walang silbi ang pagpapalipas ng gabi kasama siya.
Sayang naman ang gabi na pinunta ko dito kung wala man lang akong mahalikan na babae ngayon. Ramdam ko ang paghawak niya sa kamay ko. Lumingon ako sa kanya bago hinalikan ang labi niya ng mapusok.
"Damn it! Dito pa talaga kayo sa harap ko," sabi ni Verno.
"Ahhh!" Ungol niya sa gitna ng halik ko.
Bumitaw ako sa halik nang tumunog ang cellphone ko.
"F*ck!" Nakakabitin.
Tumayo ako at sinagot ang tawag.
Pagkatapos ng tawag, bumalik na rin ako sa VIP kung saan ako nakaupo. Tinungga ko ang alak at walang paki alam kung malalasing ako ngayong gabi.
Hindi ko matandaan kung paano ako nakauwi ng bahay, basta sobrang sakit ng ulo ko. Pakiramdam ko ay sasabog na ang ulo ko sa sobrang sakit.
Bumangon ako at diretso na rin sa banyo. Hindi kailanman ako bumabaho.
"Sir, pinapatawag po kayo ng daddy nyo," sabi ng maid ko.
Tumango ako at sinuot ang polo ko.
"Susunod ako," sabi ko. Umalis na rin naman siya pagkasabi ko.
May sasabihin na naman siya. Ayoko ng makinig, pero ako lang naman ang magmamana ng kumpanya.
Namulsa ako nang umupo sa harap ni Dad.
"You should visit your lola in province, Duke."
"What?"
Hindi sa ayaw kong bisitahin si Lola pero hindi ko gusto ang probinsya. Pwede naman silang dito na lang tumira sa Manila.
Hindi ko naimagine ang sarili kong tatapak sa probinsya.
"Mamayang hapon ka rin pupunta sa probinsya," agad tumayo si Dad.
Inis ako nang tumayo at humarang sa harap niyo.
"Just tell lola na pumunta na lang dito sa Manila." Damn it!
Tinapik niya ang balikat ko.
"Just prepare your things, Duke. Babalik ka rin kapag tapos na ang vacation mo." Ngumisi siya.
Napatapik ako ng ulo. Paano na ang mga girls ko? Ito na yata ang pinakamahirap na ipapagawa sa akin ni Dad.
Umakyat ako sa kwarto ko para ligpitin ang gamit ko pero tapos na pala lahat ni Manang.
This is not a vacation, alam ko na ang plano ni Dad. Aasikasuhin ko na naman ang hacienda. I'm still young para magtrabaho ng maaga, dapat nag-eenjoy ako sa bar kasama ang mga kaibigan ko at ang mga babae ko.
Dapat kong tawagan si Verno, hindi pwedeng ako lang ang magdusa.
"Bro, ang sakit ng ulo ko," sabi niya. Mukhang nagising ko pa siya.
"Prepare your things, Verno." Bago pa siya makapagsalita, pinatay ko na agad ang tawag.
Kapag hindi ko sinunod ang gusto ni Dad, mag-aalinlangan siyang ipamana sa akin ang kumpanya. Ayokong isipin niya na hindi ako mapagkakatiwalaan.
Bumaba na rin ako ng pagkatapos maayos lahat ng gamit ko.
Sasakay na sana ako ng sasakyan nang makita kong naghahabol ng hininga si Verno papalapit sa akin. May isang maleta siyang dala.
"Wait, i'm out of breath! Saan ba tayo pupunta?"
"Sa probinsya."
"What?" Gulat niyang tanong, pero hindi ko inaasahan ang idudugtong niya. "This is a dream come true, bro! I heard that there's a lot of beautiful girls in province." Ngumiti siya bago pinasok ang maleta sa loob ng sasakyan ko.
"Tsk!" Binigay ko sa kanya ang susi ng sasakyan. Wala akong gana na mag-drive ngayon.
Gabi na rin ng dumating kami sa
Oriental Mindoro. Wala akong oras para mag-enjoy sa tanawin dahil pagod na ako sa biyahe kaya natulog na agad ako pagdating pa lang.Nagising ako nang tumama ang sikat ng araw sa mata ko. Inis ako nang bumangon at ginulo ang buhok ko.
Hindi pa ako tapos mag-ayos ng pumasok si Verno sa kwarto ko. May suot siyang salamin.
"Today is the day para mag-hunting ng babae," mukha siyang mayabang.
Binato ko sa kanya ang towel ko.
"Stop playing with them."
Bumaba na rin ako para batiin si Lola. Ang daming pagkain sa dining.
"Magandang umaga, Apo!" Masayang bati sa akin ni Lola.
Lumapit ako sa kanya at binigyan ng mahigpit na yakap.
"Namimiss kita ng sobra, lola!" Hinalikan ko ang noo niya.
Bumitaw siya sa yakap at kinurot ang pisngi ko.
"Ang sweet parin talaga ng apo ko."
"Apo nyo rin naman ako, Lola." Panira nga talaga ang lalaking 'to.
Pagkatapos naming kumain, naisipan kong mamasyal muna dito sa hacienda. Hindi pa rin nagbabago ang ganda.
This is not a time para magsaya dahil marami akong trabaho na gagawin mamaya.
Naisipan kong puntahan ang puno na madalas kong tambayan noong bata palang ako.
"Sh*t! Ang sarap talaga magrelax dito." Para na akong tanga na kinakausap ang sarili ko.
Pumikit ako at niramdam ang malamig na simoy ng hangin.
"F*ck!" Napatayo ako sa gulat ng may tumama na bato sa noo ko.
It's f*cking hurt.
"Sorry, akala ko kasi walang tao."
Napatingin ako sa babaeng may hawak na dalawang bato at mas malaki pa sa tumama sa noo ko.
"What do you think you're doing, Miss?" Kumunot ang noo ko. Hindi ko ramdam ang sorry niya.
Linahad niya ang dalawang bato sa harap ko.
"Hindi ko makuha ang mangga kaya babatuhin ko na lang. Wag mong sabihin sa may-ari." Umatras siya at binato ulit ang bunga ng mangga pero hindi pa rin nahulog.
"Miss, napaka delikado ng ginagawa mo. Damn it!" Magkakaroon pa ako ng bukol nito.
Did she just ignore me?
Nagtalon siya ng tuwa nang mahulog ang dalawang bunga ng mangga. Pinulot niya 'yung at nagmamadaling umalis.
Napahawak ako sa noo ko.
"Damn it! Baliw ba siya?" Bumalik na lang ako sa bahay at nilagyan ng ice cube ang noo ko.
Pagmamay-ari ko na nga ang mangga, tinamaan pa ako ng bato.
"Anong nangyari sa noo mo? Bro, alam kong ayaw mo dito pero wag mo naman saktan ang sarili-"
"Shut up, Verno! F*ck."
Binato ko sa kanya ang ice cube.
Pumunta ako sa opisina para tingnan ang mga dokumento na babasahin ko.
YOU ARE READING
Night's in Province (Montenegro Series 4)
RomanceSelena Marie Salazaris Duke Refez Montenegro