UTS 33

3.3K 67 7
                                    

Chapter 33

After one week of casting and preparations for the production of filming, finally dumating na rin ang mismong unang araw ng shooting. Kaya lahat ng elite project team, ay nasa location. Everyone is taking care of something, and I am assisting on how the artists will portray and act the emotions needed.

Ito ang struggle sa romance, the chemistry and emotions should be stronger. Dapat kung ano ang nasa script, iyon mismong mapapanood ng mga tao.

"Dayne... mag u-usap naman tayo!"

"Cut!" Direk Menaz frustratedly shouted.

Napapikit ako sa lakas ng boses niya dahil nasa tabi niya lang ako. Kamot ulo akong tumingin kay Syntia.

"Bakit nauutal? Dapat galit ka sa first scene! Hindi maiiyak!" paliwanag ni Direk habang tinuturo ang hawak na script.

"Isa pa Direk! Sorry!" I can still hear her accent, I sighed. We already gave her enough time to practice her diction and pronunciation.

This will be aired abroad pero filipino film ito, she should sound like a filipino.

Lumipat ang tingin ko sa leading man sa tabi nito, Mr. Brooke already looked annoyed, kahit first scene pa lang.

The introduction of the film ay nag-aaway dapat sila, like the starting point of the story.

"Ulit! Syntia focus, okay?" ani Direk.

Nagsimula na ulit, nakuha naman na ang first scene at mukhang satisfied na si Direk. Habang nagpaprepare sa susunod na scenes, nag-aantay lang rin ako sa tabi at hindi na umalis.

I should supervise everything as much as I can. Next month, the whole crew will fly to Palawan, at hindi ako makaka sigurado kung makakasama ako.

Kaya habang around Manila palang ang shooting, I'll be here day and night.

"Yara!" Nahinto ang pag iisip ko nang marinig ko ang pangalan ko, lumapit ako kay Direk na kinakausap si Syntia at Mr. Brooke ngayon.

"Yes, Direk?"

"Sinusubukan kong iexplain kay Syntia kung paano idedeliver ang lines, pero baka gabi na hindi pa kami tapos rito. Can you do it for her?" Nanlaki ang mata ko sa sinabi niya.

"You want me to deliver the lines? Direk?" hindi makapaniwala kong tanong.

"Kaya mo ba?"

"U-Uh, I'll try po."

Ibinigay sa akin ni Direk ang script, binasa ko iyon. I read it multiple times, to be immersed with the scene.

"Umalis kana at wag ka nang babalik... hindi kita kailangan!"

Sigaw ko sa harap ni Mr. Brooke, I even matched it with a facial expression to make it more intense.

"I was in love with you but that was before... pack your bags and leave!"

Sunod ko pa, nang matapos kong sabihin iyon ay mabilis akong bumalik sa dati. Kinagat ko ang labi at ibinalik na ang script kay Direk. Yumuko ako dahil sa hiya.

Pumalakpak si Mr. Brooke, at mangha akong tinignan. Mas lalo tuloy uminit ang pisngi ko.

"Good, very good." aniya.

"Ganoon dapat Syntia! Nakuha mo ba? Iyong emosyon dapat nag-uumalab!"

Napangiwi si Syntia, pero tumango rin.

"S-Sige Direk, kuha ko na." alangan niyang sabi.

Lumapit sa akin si Mr. Brooke and pat my shoulder. "You should try to act, you have potential." Natatawa nitong komento bago umalis para maghanda sa blockings.

Under the Stars (Tonjuarez Series I)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon