3

5 0 0
                                    


Mga pasaway na anak check✓

Argus weirdo
Luh artista pala yong Harvi?

Nico maingay
Weh?
Talaga ba?

Argus weirdo
Oo nga
Nakita ko sa ig
Naka follow pala ako sa kaniya

Grae malamig
Told ya
Hindi basta-basta ang binatang yon
Nanggaling yon sa mayamang pamilya

Nico maingay
Bakit? Mayaman naman tayo ah
Saka gwapo na rin

Grae malamig
Ah okay

Argus weirdo
LMAO hahahahaha

Nico maingay
Hoy totoo kaya
Ako pa nga number one eh

Kervy babyboo
Yabang mo
Ako yon

Argus weirdo
Ako kasi yon okay

Grae malamig
Iingay niyo
Hoy Kervy bukas okay?

Kervy babyboo
Oo na tsk
Pumayag naman kaya yon?

Grae malamig
Don't worry
Pupunta yon

Kervy babyboo
Tange
Ano'ng worry?
Okay nga kung di yon pumunta eh
Bye night night^^

>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>

"Sigurado ka ba kayong pupunta yon? Naiinip na ako." Iritang saad ko.

Pinalo ako ni Yeshua.

"Tumigil ka nga diyan Harvi, mag-antay lang tayo huwag kang mainip."

Napaikot ako ng mata.

Sana hindi dumating yon–

"Oh nandito na pala!"

Agad ako'ng napatayo. Wait. Bakit ako tumayo at parang excited makita ang lalaking yon?

Of course im not! Tsk!

"Hi, im Yeshua. This is Vince, Fourth at si Harvi."

"Uh hello. Im Kervy, this is Nico, Grae and Argus."

Napangiwi ako at inalis sa gitna si Yeshua para makaharap na yong Kervy.

He stared at me so am i.

"I–Pasensya na sa nangyari nung nakaraang araw." There, i said it.

He bit his lips.

"Im sorry din, mainit lang talaga ulo ko nung oras na yon."

Eh ba't ka nandadamay?

"I have something for you."

Pareho kaming nabigla dahil magkasabay naming nabigkas yon. Wala sa sarili ako'ng napangiti maging siya.

I scratched my head at dahan-dahang nilabas ang gatorade para i-abot sa kaniya.

Nagtaka pa ako ng makitang nabigla siya at napatingin sa akin. Bakit? Akala niya ba mamahaling bagay ang ibibigay ko? Ano siya? Sinuswerte–

"How?" Aniya. What? "Paanong pareho tayo ng ibibigay?"

At yon, may hawak din siyang gatorade at ini-abot sa akin.

Tinitigan ko siya.

>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>

"Alam mo yon Kerv, kakaiba eh, kakaiba talaga yong titig niya sayo hindi ako pwedeng magkamali." Ani Nico.

Blankong mukha lang ang ginawa ko habang nakatingin sa kaniya.

"Hindi ko alam mahilig ka na palang manood ng love story, kung ano-ano na lang pumasok diyan sa mga mata mo." Asik ko.

Natawa naman ang dalawa. Napangiwi ako ng ngumuso pa siya.

Pero hindi ko alam, iniisip ko rin kasi yong titig nung Harvi sa akin. Para ako'ng hinihigop, parang nalulunod ako sa titig niya at saka, ang ganda ng mga mata niya.

WTF?!?! No!

.

.

.

.

"Kuya, may bago ako'ng kaibigan." Ngiting sabi sa akin ni Kino.

Tiningnan ko siya. "Talaga? Siguraduhin mong mabait yon."

"Kuya mabait siya, ang tahimik nga niya minsan eh palagay ko nga introvert siya."

My eyebrow forrowed.

"Eh sino ba kasi yan?"

"Basta Pierce ang pangalan niya–Ay! Kapatid niya si Kuya Harvi!"

Napakurap ako ng marinig ang pangalan na yon. Teka, bakit ako naaapektuhan? What the hell?!

"Hoy Kuya! Ba't ka natigilan diyan? Sorry kung na mention ko pa yong pangalan ni Kuya Har–Ah eh nakalimutan kong ayaw mo pala sa kaniya."

"No. No. No. I mean, hindi na ako naiinis sa kaniya saka nagkaayos na kami kanina."

His eyes widened. Ang OA nito.

Matapos ang pangugulit sa akin ni Kino ay pinatulog ko na siya, hindi ko na rin inantay dumating si Sejun dahil kay lolo daw siya matutulog kaya hinayaan ko na lang.


And then, i opened my twitter.

Kervy @Kvylvste

Goodnight. Wish a good morning tomorrow;)

875 Likes

Nico @Nics.d'amelio
→ Ba't happy ka po?

Argus @argusventuras
→ Sus ka po mwehehehe

Grae @Gchim
→ ;)

Harvi @hvyluv
→ Sweet dreams:)

.

.

.

Muntikan ko nang mahulog ang phone ko sa nakita. WTF?! Is this true?

In-stalk ko ang account and then boom, si Harvi nga ang nag comment. Hindi ko alam pero....

I started smiling.

Noooooooo!!!!!

GatoradeWhere stories live. Discover now