Ang Kapitbahay kong Hot Daddy (1)

5.7K 75 4
                                    

➖➖➖✖️✖️✖️➖➖➖

⚠️ BABALA!! ⚠️

ANG KWENTONG ITO AY R-18 🔞 STRICTLY FOR READERS ABOVE 18 YEARS OLD LANG ITO. KUNG MAKITID ANG UTAK MO SA MGA GANITONG KWENTO... PLEASE LANG... HUWAG MO NANG BASAHIN... KAYSA MAG REKLAMO KA DIYAN NA KESYO PURO KALASWAAN ANG STORY NA ITO EME... I ALREADY WARNED YOU...
KUNG MALAWAK ANG PAG IISIP MO THEN YOU ARE FREE TO READ THIS...




❤️ ENJOY READING ❤️

➖➖➖✖️✖️✖️➖➖➖


PART 1






"Tao po??... Tao po.." pangangatok ng isang panauhin sa pintuan ng bahay ni Jean.





Bigla namang nagising si Jean dahil sa isang katok mula sa labas na nadinig nito.





"Tao pooo.." pangangatok ulit nito sa pintuan ni Jean.





Dali-dali naman na bumangon si Jean at nag-ayos ng kanyang sarili. Hindi naman alam ni Jean kung sino yung tumatawag sa labas ng kanyang bahay, pero base sa pagkakadinig nito ay isang lalaki ang nangangatok. Hindi na nagdalawang isip na bumaba si Jean kahit na alam nito na naka spaghetti strap lang siya ngayon. Tinignan niya muna ang kanyang sarili sa salamin at kitang-kita ang pagkabakat ng kulay blue niyang bra. Kahit medyo nahihiya siya ay hindi na siya nagpalit pa ng damit bagkus ay inayos niya na lamang ito at dumirecho na agad papunta sa kanyang pintuan.





"Sandali lang.. nandiyan na.." sagot naman ni Jean habang papalapit na siya sa kanilang pintuan.





Nang marating na ni Jean ang kanyang pintuan ay kaagad niya itong binuksan. Tumambad agad kay Jean ang isang naka topless na lalaki... na sa tantiya niya ay isa nang Daddy... isang Hot Daddy. Marami siyang tattoo sa kanyang kanang braso at dibdib na agad namang nakapagpukaw sa atensyon ni Jean. Napakafit din ng katawan at ang astig tignan ng lalaki kapag may tattoo sa katawan kaya naman unang kita pa lang ni Jean sa lalaking kaharap nito ngayon ay hindi na niya napigilan ang sarili nitong magka-crush sa kanya.





"Ahh.. good morning.. ito oh.. birthday kasi ng anak ko.. bagong lipat lang kami kaya naisipan kong magbigay na din ng pagkain sa inyo.." nakangiting sambit niya sabay abot ng isang plato na may lamang mga pagkain.





Napangiti naman si Jean at dahan-dahan pa nitong kinuha ang pagkain mula sa lalaking kausap nito.





"Maraming salamat po.." nakangiting sagot ni Jean sa lalaking kausap nito.





Bigla namang naramdaman ni Jean na nalaglag ang isang strap ng damit niya, dahilan para lumabas nang kaunti ang kanyang bra. Nagulat naman si Jean dahil sa nangyari sa kanyang damit kaya kinailangan niya pa itong ayusin sa harapan ng lalaking kausap nito.





"So-sorry po.. hugasan ko lang muna itong plato niyo.. sandali lang po.." sambit naman ni Jean sa lalaking kausap nito sabay tawa nang bahagya.





"Ah.. haha okay lang.." sagot naman ng lalaking kausap ni Jean.





"Sheeekksss!! Boses pa lang ng lalaking ito ay natu-turn on na ako agad..." biglang sambit ni Jean sa kanyang isipan habang palakad siya sa kanyang kusina upang isalin ang pagkain at hugasan ang plato.





Ang Kapitbahay Kong Hot DaddyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon