032

1.7K 51 1
                                    

late ud, mian. here it is, enjoy reading. 

- - -

Athena's POV

"Time really fly fast. You've grown up so fast."

may pahaplos-haplos pa sa mukha ko ng sabihin ni mom 'yun. Nandito kami sa kwarto ko.

"Mom, nagsuot lang ako ng dress lumaki na? saka, para namang ngayon lang ako nagsuot ng ganito noh."

"eh basta, wag ka ng kj dyan. Bumaba ka na nga at naghihintay na dun si Sai."

nginitian ko si mom at nginitian nya rin ako pabalik. Nilagay ko sa balikat ko ang small bag ko. onti lang naman laman nito, pampaOOTD lang.

ng makababa na ako ay nakita kong inaasar nanaman ni kuya si ate sai. Habang si zharm, tutok na tutok sa tv na ang nasa channel ng mga Music videos ng Korean groups. Umaariba nanaman ang pagiging fangirl nito, nako.

"Tara na ate sai, tama na muna ang pagpapapogi points kuya."

tumawa naman sina mom, ate sai at zharm. Mabilis namang namula si kuya. Hays, mahal pa rin nya. Torpe kasi. Sinamaan nya ako ng tingin pagkatapos nyang makaget over sa pinaggagawa nya kanina.

-

"What?! Ayoko na! Babalik na ako sa bahay! Ate sai naman eh!"

"Sira! Hindi ko naman sasabihin sa kanila na baliw ka."

sinamaan ko ng tingin si ate sai, tinawanan nya lang ako. Sabi kasi nya pupunta daw kaming Mental Hospital, oo, tama kayo ng basa. Sa MENTAL HOSPITAL, ghad! Mamaya mahawa pa ako sa kabaliwan ng mga tao dun.

"Sasabihin ko lang naman sa boss ko na may magmomodel na at gusto nyang makita kung sino, kung fit ba, o kung maganda ba. At iba pa, basta!"

"Psh, daming arte naman nyang boss nyo! Ingudngud ko 'yan sa muriatic Acid eh."

pinagtawanan nya lang uli ako. Ano, magfafashion show ako sa harap nung boss? Aba't! Di ako ready! Sana diba sinabihan naman ako ni ate sai para magaya ko 'yung mga ginagawa ng mga Miss World? Miss Philippines? Miss Universe? Diba? Diba?!

"Hoy! Bumaba ka na dyan! Mukha kang tanga." natawa tawa nya pang sabi. Nagmakeface lang ako habang nasa likuran nya ako.

ng makapasok kami doon sa hospital, andami nakatingin sa amin. More of sa akin, syempre ang ganda ko daw kasi. Pero hindi ba nila alam ang 'Staring is Rude'? Ay oo nga pala, mga baliw ang andito kaya hindi nila 'yung alam.

"Come in."

Wow, ang ganda nung office nung boss nya. Kaya lang, bakit kaya sa isang MENTAL HOSPITAL pa sya nagpagawa ng office?! eh ang pagkakaalam ko isang designer si ate sai. Tapos 'yung boss nya, isang tagapagmay-ari ng mga baliw?!

"It's because my parents gave this to me. Ayoko namang sayangin ang mga pinaghirapan nilang palaguin." Napatingin kami ni ate sai sa nagsalita. Aba't! Ang gwapo naman ng isang 'to. Pero kay Ryan lang ako, wag kayo. Magseselos 'yung boyfriend ko, pero maganda ding idea na pagselosin ko sya, ang cute kaya nun!

"Uh, why do i explain this to all of the people that my employee's bringing? it's so tiring, ugh." natatawa nyang sabi tapos biglang yuyuko. Muntanga, pero ang gwapo.

"Hm, boss. Eto na pala sya, 'yung model ko."

"Ah, i see. Can you stand up? And walk like a queen?"

Napataas ako ng kilay, ano daw? Sabi na! Sabi na! Magfafashion show ako dito! Nakng!

Tumawa silang dalawa, tinatawa tawa nitong dalawang 'to?! Paguntugin ko sila eh. "Right. Stand up, miss." kinurot ako ni ate sai sa tagiliran kaya napatayo ako agad, sinamaan ko sya ng tingin at pumwesto dun sa harapan nung tangang gwapo na boss ni ate sai.

"then?"

"turn around, i want to see you if you're really sexy."

tumalikod nalang ako at nagmakeface, tinatanong pa ba 'yan?! Sexy kaya ako! Ano, nabubulag na ba sya? Nagiging baliw na rin? oh right, sya nga pala ang pinakabaliw dito dahil sya ang nagmamay-ari.


"You're good. Now walk like a queen, more like 'Rampa'."

napairap ako, tigilan mo na ang pagpapantasya sakanya athena, isa pala syang baklush. Nung pagkakasabi nya ng 'Rampa' parang 'Rempa' so confirmed na baklush si ateng.

"Excellent! Ang galing ni atey! Okay na sya, Sai. You can go no─"

"Madam, may nakatakas na pasyente!"

napatayo naman agad 'yung 'Madam' daw nila. Para akong naheartbroken, ang gwapo gwapo kasi nya tapos bakla pala. Huhuhu, susumbong ko sya kay Ryan ng magselos naman 'yun tapos halikan nya ako tas sabihin nya sa tenga ko, 'You're only mine'

Shit, kinikilig ako.

"Okay okay! Anong pangalan nung pasyente?!"

"Ch─"

"Uh, boss? Una na po kami." tumango nalang 'yung 'madam' daw nila. At tumayo na kami ni ate sai, at bigla nya akong hinila palabas ng hospital.

"Ate sai, hinay hinay lang sa paghila. Hindi ako Skeleton." napatigil naman si ate sai.

"Excited lang ako sa mga papasukat ko sayo, sigurado akong bagay na bagay sayo! At pagkatapos kitang picturan, magmamall tayo at treat ko lahat."

napangiti nalang ako, "Sige ate sai, hilahin mo na ako ulit! Kahit masaktan pa 'ko okay lang!"

-


"Okay, onti pang emosyon! tas gilid ka pa ng onti."

*click click*


"Ayan! Perfect! Oh magpalit ka na doon, natapos na rin tayo sa wakas."


Agad akong pumasok sa dressing room at nagpalit na─at ito na ang last. thank god, swear, ayokong maging model! Nakakainis, nakakabored. Puro posing, tas nakakangalay pa kung mabigay 'yung damit na pinapasuot sayo pati na rin ang mga pinaghahawak sayo.

Lumabas na ako sa dressing room, at kinuha ang isang basong puno ng lemonade. Agad ko 'yong inubos at umupo sa tabi ni ate sai, sa sahig kami nakaupo.

"Nakakapagod ano?" tanong nya sakin.

"Sobra, saka ako ang pinagpalit mo ng ilang beses, pinahawak ng kung ano ano at may mabibigat pa doon. Habang ikaw, nakaupo lang dyan, kuha lang ng picture." huminga muna ako ng malalim, at kumuha ng baso at nilagyan ng lemonade 'yun, agad kong inubos at humarap uli kay ate sai. "Napagod ka na nyan?"

tumawa lang sya at humiga sa sahig, nilapag ko muna 'yung baso sa mesa at humiga din sa lapag. Malinis naman 'to, kaya walang worry worry.

"Ite-treat pa ba kita later? or bukas nalang? Baka gabihin tayo."

tumayo na ako at ininat ang katawan ko, "Nah, Bukas nalang. Sunduin mo ako mga 2pm."

tumayo na rin sya sa pagkakahiga. "Sure."

"Nga pala, tinext ako ni Ryan kung pauwi na daw ba tayo. Hindi mo daw kasi sya sinasagot sa mga text and calls nya."

"Aw, shit! Nakalimutan ko! Tara na uwi na tayo ate sai."

niligpit nya muna 'yung mga gamit nya. Nasa store nya kami, at masasabi kong maganda dito at malaki. May 2 floors, sa baba 'yung bilihan tas dito sa taas 'yung mga tulugan ng iba or mga achuchu. Basta!

Ang kailangan kong isipin ngayon si Ryan! Shoot! Galit na siguro 'yun sakin!

The Nerd's Revenge ❘ ✔Where stories live. Discover now