Napansin kong tumingin ka saken, kaya napatingin din ako sa'yo. Nagtitigan tayong dalawa na para bang tayong dalawa lang at walang tao sa paligid. Nginitian mo ako na para bang ngayon ka lang ulit naging masaya, kaya napangiti din ako, ilang segundo ang lumipas at sabay tayong tumawa na para bang alam naten ang iniisip ng bawat isa.
Apat na taon.
Apat na taon na tayong magkasama. Akala ko ikaw na ang pinakamumuhian kong lalaki sa balat ng lupa noong unang nagkita tayo.
Akala ko lang pala yun!
Tumatawa lang tayong dalawa hanggng sa huminto ka kaya napahinto din ako.
"Bakit?" Tumingin ka lang sa akin na parang may dumi ako sa mukha kaya parang nakaramdam ako ng pagkailang. Ewan ko, natatakot ako. Natatakot ako na baka mamaya, sa pagtitig mo sa mukha ko, hindi ka magandahan sa akin.
Natatakot?
"Wala, cute mo kasi" Bigla na lang ay pinisil mo ang pisngi ko sabay takbo palayo sa akin. Alam mo kasing hahabulin kita. Pero hindi, tumayo lang ako s kinatatayuan ko at hindi kumibo.
Ngumiti lang ako sa'yo at inalala ang nakaraan.
First year highschool ng maging magkaklase tayo. Asar na asar ako sa'yo noon dahil sa tingin ko ay ikaw ang pinakamayabang na lalaking nakilala ko.
Naasar din ako sa'yo dati dahil panay pisil mo sa pisngi ko kahit hindi naman tayo magkaibigan, kaya nabibwisit ako sa'yo dahil ang kulit kulit mo.
Isa kang malaking papansin, epal at ipot sa buhay ko.
Hanggang sa dumating ang araw na 'yun kung naalala mo pa ba?
Umuulan ng malakas, wala akong payong na dala. Sumugod ako sa malakas na ulan papuntang 7eleven. Hindi ko din malaman sa sarili ko kung bakit hindi ko itinuloy ang pagsugod hanggng sakayan ng jeep. Basa na naman ako, ano bang pinagkaiba?
Siguro dahil wala ka s sakayan ng jeep.
Nagulat ako pagpasok ko ng 7eleven, mag isa ka lang nakaupo sa tapat ng salamin at nakatingin sa labas. Tila ba may sariling utak ang mga paa ko at naglakad papalapit sa'yo. Pero bago pa man ako maka pagsalita ay tumingin ka na sa akin.
Para kang nagulat nang makita mo ako doon. Yumuko ka at kinusot mga mata mo. Mejo natawa pa ako ng palihim dahil akala mo hindi ko gets na umiiyak ka pla noon. Noong una pa lang, nahalata kong umiiyak ka.
Tumingin ka ulit sa akin at ngumiti ng isang pekeng ngiti. Isang pekeng ngiti na hindi umaabot sa mga mata mo dahil may lungkot pa ding nkabahid dito. Ngumiti din naman ako at doon ko lang narealize, gwapo ka pla.
Apat na taon.
Apat na taon na akong nagagwapuhan sa'yo
Sa'yo, sa'yo na bestfriend ko.