FILS Part 1

4 0 0
                                    

Paroon at parito, hindi magkaundagaga sa paghanap ng mga bagay na pwede mo pagdidiskitahan. Ano nga ba ang pwedeng gawin kung gayon NBSB ka at siguro nga forever single na ako nito.

Napapailing na lamang ako sa aking mga naisip baka nga sa susunod na araw mahahanap mon a yong the one mo. Ewan ko na lang!

Hindi madaling mag-isa sa buhay lalo na at malapit ka ng lumagpas sa kalendaryo hito ako at nag-iisang lumaban para sa kinabukasan. Napaisip ako necessary ba talagang may jowa sa paglaban ng kinabukasan?

Hindi naman siguro diba? Kasi nga nakapagtapos naman ako ng kolehiyo na walang jowa, nakapagtrabaho naman ako na walang inspirasyon kundi ang mga magulang ko na lamang.

Hay buhay nga naman!

Gusto naman sumubok pero pag-andiyan na yong nagpaparamdam sayo agad ko naman inaayawan. Gwapo naman sila at matangkad kaso mas matanda pa ako sa kanila. Minsan iniisip ko kung papatulan ko kaya? Pero naisip ko rin na wag na lang at baka husgahan pa ako ng nakakarami.

Alam mo na yon yong mundong ginagalawan natin ay hindi na mapagkakatiwalaan. Minsan nga yong pinagkakatiwalaan mong tao sila pa yong tumatalikod sayo at nagba-backstab.

Straightforward akong tao at mapili sa taong gusto kaibiganin. Trust issues? Meron, lahat naman tayo ay nararanasan ang ganyan kaya dapat maging matalino ka sa lahat ng bagay lalo na at hindi na mapagkatiwalaan ang mga taong naging past mo noon.

Charizzz! Kung makapagsabi ng past parang meron eh wala naman.

"Lucianna!" tawag sa akin ng kaibigan kong bakla. Nandito kasi kami sa tabi ng dagat nagbobonfire. My camp kasing naganap sa companya bilang team building at pangwala ng stress dahil sa sunod-sunod ang trabaho namin.

Napag-isipan din kasi ng boss na magpahinga ng tatlong araw sa pinatayo niyang resort dito sa Cavite. Kaya kahit ayaw kong sumama at magpahinga na lang sa condominium na pag-aari din ng boss ko kaso mapilit ang baklang to kaya napasama ako sa kanila.

"Ang lalim ng iniisip mo, siguro nag-away kayo ng ka-fling mo no?" maarte nitong tanong sa akin.

"Kahit sinong lalaki o maging ikaw bakleta ka hindi ko rereplyan magdusa sila..." umirap ako sa kawalan at huminga ng malalim.

Wala naman akong fling paano pa ako magkakaroon eh. Busy ako sa trabaho at sa pinapagawa kong bahay sa Davao City. Bisaya ako pero nagtatrabaho ako sa Maynila mas marami kasing opportunity ditto tapos napunta pa ako sa mabait na boss at makukulit na mga katrabaho kahit na hindi ako taga-Maynila at nalaman nilang Bisaya ako at parang natuwa pa sila.

Para na nga akong bunso nila. Totoo naman kasi ako yong mas bata sa kanila pero itong bakletang to parang hindi lumagpas sa calendaryo kung mang-asar.

"Siguro ginost ka ng kachat mo no?" pinapaningkitan ako ng mata nito.

"Baliktad yata bakla ako ang nag-ghost sa kaniya..." sabay tawa ko. "Aray naman!" pinalo ba naman ako sa balikat ang sakit ng kamay niya.

Matambok at maputi si bakleta pero matangkad siya. Siya si Bruno Morales but you can call her daw "Bea" siya daw ang Bea Alonzo sa companya naming.

Napairap ako sa kaniya nang Makita ko ang titig nitong mapangutya.

"Alam mo bakla maganda ka sana pero ang torpe mo naman sa pag-ibig!" tinaasan ko siya ng kilay.

"Aba't ako pa talaga ang torpe Bruno—"

"Bea..."

"Ako ba ang lalaki ha?" saka tumulis ang labi ko sa kaniya.

"Lalagpas ka na sa calendaryo pero wala ka pa ring jowa, ano na Lucianna baka ma-luluciang ka na talaga niyan!" saka humagalpak ng tawa may pahawak-hawak pa sa tiyan niyang bloated.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Jul 21, 2023 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Fell in Love with the Stranger (Short Story)Where stories live. Discover now