Kabanata 1

5 4 0
                                    

Isang araw

"MIKOL, BUMILI KANGA NG SUKA KILA ALENG NENA!" Sigaw ni nanay na nasa kusina na siguro'y nagluluto na ng ulam pananghalian

Ano'bayan si Nanay nanunuod ako ng ALDUB e. Nagmumuryot kung pinatay yung TV at agad pumunta ng kusina. "Nay si Miguel naman ang utusan mo lagi nalang ako, hindi ko tuloy napanuod yung pagkikita nila Alden at Yaya Dub" reklamo ko kay nanay ng makarating ako ng kusina

Binalingan ako ni nanay na magka pantay na ngayon ang kilay na tumingin sa akin " Ano nanaman bang nirereklamo mo diyang bata ka?! Napaka tamad nyo talaga pag inuutusan pero pag kakain na para kayong mauubusan!" Galit na sita sakin ni nanay sabay turo pasakin ng sandok na hawak nya

"Oh heto ang pambili, bumili ka ng suka bilisan mo at magluluto ako ng adobo" sabi niya sabay dukot ng bente sa bulsa at binigay sa akin. Napakamot nalang ako sa ulo at inabot ang bente sabay labas ng bahay. Kita ko ang kapatid ko na ngayon ay nakikipag laro ng tumbang preso sa mga kapitbahay naming kaidaran niya lang. Tirik na tirik ang araw pero sige parin sila sa paglalaro kahit basang basa na ng pawis ang mga damit. Kamiss maging bata!

Hinayaan konalang ang kapatid kong makipag laro dahil pag inawat ko naman hindi rin makikinig sa akin. Tumuloy nako sa tindahan ni Aleng Nena na apat na bahay lang ang layo sa bahay namin.

"PABILI NGA PO!" Sabi ko sa malakas tono pag dating ng tindahan. Agad namang pumasok si Aleng Nena sa tindahan nila na nasa unang palapag ng kanilang bahay. "Ikaw pala Mikol, anong sayo?!" Bungad sa akin ni Aleng Nena na agad ko namang sinagot "Suka po yung silver swan"

Agad namang kinuha ito ni Aleng Nena at inabot sa akin "Otso peses iha" aniya. Iniabot korin naman ang bayad na bente at hinintay ang sukli ng biglang humangin ng malakas kaya patingin ako sa paligid pero natuon din ang tingin ng dalawa kong mga mata sa bintana sa pangalawang palapag ng bahay nila Aleng Nena ng makitang bumukas iyon at dumungaw ang isang lalaking hawig ni Leonardo Dicaprio nung kabataan nya.

Aleng Nena ang gwapo!!!

Hindi ko alam pero natulala nalang ako sa kinatatayuan ko habang yung puso ko ay nagwawala at para bang gusto nang makawala sa katawan ko. Maging ang hawak kong suka ay hindi konarin namalayan na nabitawan kona pala dahil sa lalaking to. Sh*t bakit parang pati panty ko nalalaglag.

Bunalik nalang ako sa katinuan ng marinig ko ang sigaw ni Aleng Nena "Mikol yung suka mo nalaglag na!" Sigaw nito, biglang nag init ang magkabila kong pisnge ng marinig ang tawa nung lalaki na ngayon ay naka tingin narin pala sa akin

Aleng Nena bakit pati yung tawa ang gwapo!!!

"Pasensya napo Aleng Nena" hingi konang tawad at sa sobrang hiya ko ay gagad kong pinulot ang nalaglag na suka at tumakbo pabalik ng bahay rinig kopang may isinigaw si Aleng Nena sa akin pero hindi konalang pinansin, nakakahiya!. Hingal naman akong nakarating sa kusina ng bahay na para bang hinabol ako ng mga asong malakas ang trip sa buhay

Nabitin ang paghinga ko ng malalim ng makita ko si Nanay na umuusok ang ilong habang ang dalawang kamay at naka pamewang na at siyempre hawak niya parin ang sandok

Lagot ka Mikol!

"BAKIT NAPAKA TAGAL MONG BATA KA HUH, SUKA LANG MANAM ANG BIBILIN  MO!" Pagalit na sigaw nito na umabot pa yata sa kabilang kanto sa sobrang lakas.
"Sa-sandali Nay! Eto nanga po yung suka" sabi ko sabay lapag ng suka sa lamesa "Marami ko pasing nabili kaya natagalan ako" dagdag kopa para lang may maidahilan. Mahirap na

Akola ko ligtas nako pero agad nitong inilahad ang kamay niya sa akin at sabing..... "Nasaan ang sukli?"

Patay!

Tindahan ni Aleng NenaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon