Lumuwag ang paghinga ni Shilora Kim nang dahan-dahan niyang itinaas ang kan'yang kamay mula sa pagtitipa sa keyboard na nasa harap niya.It's done.
After months of writing, he's finally done with his new book, Marry me.
Pinagkrus ni Shilora ang mga braso niya at lumabas ang maliit na ngiti sa kan'yang mga labi habang nakatingin sa computer na nasa harap niya.
Hindi niya maipaliwanag ang nararamdaman n'ya ngayon, masaya siya na parang kinakabahan.
Muling binalik ni Shilora ang sarili sa pagiging abala sa computer, muli niyang binasa ang kan'yang ginawa upang masiguro na walang mali sa mga nasulat niya.
Ilang buwan na simula noong sinimulan niyang sulatin ito at ngayong araw lang natapos.
Sobrang abala ni Shilora nitong mga nakaraang araw dahil sa patong-patong na gawain. Minsan nga ay isa o dalawang oras lang ang naiitulog niya. Madalas, wala pa.
Nasanay na rin ang sarili niya sa ganoong lagay ngunit kahit na ganoon, araw-araw ay napagsasabihan niya ng taong 'yon.
Kahit na minsan ay naiirita siya, hindi niya magawang magalit dito.
Hindi niya kaya.
Kasalukuyang nakaupo si Shilora sa kan'yang swivel chair sa loob ng kan'yang study room. Dito siya madalas namamalagi dahil wala naman siyang ibang ginagawa kundi magsulat.
Ngunit bukod sa kwarto na 'to, eskwelahan ang madalas niya ring puntahan. Bukod sa pag susulat, isa ng guro si Shilora sa University na dati niyang pinasukan.
Habang inaayos ni Shilora ang epilogue ng kan'yang sinulat, biglang tumunog ang cellphone niyang nakalapag sa tabi ng kan'yang kape.
Dali-dali niya 'tong dinampot, binalot ng dismaya ang binata nang makitang hindi ayon ang tawag na kanina niya pa inaasahan.
Ngunit kahit na ganoon, nakangiti niyang sinagot ang tawag at nilagay ito sa loud speaker bago muling nilapag at ibinalik ang atensyon sa pagsusuri ng kan'yang sinulat.
"Oh? anong kailangan mo?" nakangiting tanong niya sa kaibigan.
["Wow ha? Wala man lang hello? o hi? Kumusta? Kumain ka na ba? Ayos kalang ba?"] iritableng ani ng kaibigan ni Shilora sa kabilang linya, napairap naman ito nang marinig ang mahinang tawa ni Shilora.
"Nai-imagine ko 'yung mukha mo ngayon, Jamon." saad ni Shilora. "So, ano ngang mayroon?"
["Kukumustahin ka lang, kumusta 'yung sinusulat mo para kay-"]
"Hoy, h'wag ka nga maingay d'yan at baka may makarinig." pag-suway nito kay Jamon, bumuntong hininga naman ang binata bago dinampot ang cellphone at tinapat ito sa bibig niya. "Tapos na." bulong niya.
["Hala? Seryoso? Grabe ka na, idol." ] natawa naman si Shilora sa naging reaksyon ng kaibigan, dahil sa lahat ng mga kaibigan niya kay Jamon niya lang nabanggit ang bagay na 'to, hangg't maaari ay tinatago niya ang plano niya dahil alam niya sa kan'yang sarili kung gaano kadaldal ang mga kaibigan niya at paniguradong madudulas ito. ["Kailan mo balak? Kinakabahan ka ba?"]
"Sobra. Ang tagal kong--" napahinto si Shilora sa pagsasalita nang biglang bumukas ang pinto ng study room niya, niluwal noon si Daphne na kasalukuyang kasangga niya sa lahat. Ito ang tumutulong sa kan'ya kapag patungkol sa pagsusulat. "Wait lang, Mon." Hindi na nahintay ni Shilora ang sagot ng kaibigan at dali-daling binaba ang tawag, bago pinukol kay Daphne ang atensyon niya. "What happened?" tanong ni Shilora.
Tinignan niya nang buo ang dalaga, kasalukuyan itong nakahawak sa dibdib at naghahabol ng hininga. "Time freeze lang, Ssob." hinihingal na ani ng dalaga at tinaas pa ang kan'yang palad. "It came.." panimula nito.
BINABASA MO ANG
bus love
Fanfictiona #heesun au wherein Zidane (LHS) finds out that the guy he's been texting for days was also the guy who accidentally sat on his lap when they were on the bus.