Grammatically errors ahead
---------------------------------------------------------
Buong linggo akong nanghihina. Kahit gustohin kong wag mag pakita kay boss Justin ay wala naman akong magawa..ang trabaho ko ay ang bantayan sya..ang alagaan sya.
Kung hindi ko lang talaga sya amo baka napikon at nasapak ko na sya. Tangina naman kasi. Bakit kasi Lia? Nawawala angas ko ah!
"Lia, come here." Pinag siklop ko ang labi ko at mariing napa pikit. Ayan na naman Lia na naman, sabing Jojo ang pangalan ko eh.
Lumapit ako sa kanya at alanganin na ngumiti.
"Boss, Jojo po. Hindi Lia.."
Hindi sya lumingon sakin. Ang atensyon nya ay nasa mga papeles na binabasa at pinipirmahan nya.
"I know. But I wanted to call you Lia."
Napa ungot ako.
"Boss nakikiusap po ako, Jojo nalang po. Nawawala po yung angas ko eh." Huminga sya ng malalim at tumingin sakin.
"Everyone's calling you Jojo, right?"
"Opo?" Naguguluhan kong sabi.
"Then I'll call you Lia. Para ako lang ang tumatawag sayo nun. Ayoko ng may kaparehas. 'Lia' is exclusively mine."
Napa awang ang labi ko. May sira na ata ang utak nito..
"And oh, muntik ko nang makalimutan. Sasama ka sakin ngayong darating na lunes."
Kumunot ang noo ko.
"Saan po tayo pupunta?"
"Shooting." He simply said.
"Shooting? Saan po banda yun dito sa Pilipinas?" Ngayon ko lang narinig ang lugar na yun. Mga kilalang lugar lang kasi ang alam ko, at lahat yun hindi ko pa napuntahan..wala naman kasi akong pera.
Napahilot sya sa sintido nya. Bahagya akong napanguso.
Oh bakit, may nagawa na naman ba ako? Nag tatanong lang eh..
"No I mean.. I have a shoot. We're going to Nueva Ecija."
Nanlaki ang mata ko. Nueva Ecija? Ibig sabihin babyahe kami?
"Uy grabe naman boss, na-excite ako bigla. First time kong babyahe." Natutuwa kong sabi. Simula kasi nang nag trabaho ako sa kanya hindi pa kami bumyahe ng malalayo. Palaging sa company nya lang at sa company ng Sound Break. Kung minsan nasa mga teatro kami.
"Hindi mo pa naranasang bumyahe?" Takang tanong nya. Naka ngiti akong umiling. Kahit gustohin kong mag bakasyon kami ng mga kapatid ko sa mga probinsya, eh hindi ko naman magawa yun. Wala naman kasi akong pera, kahit nga ang pag mo-mall hirap kami.
"Be ready then. Mag paalam ka na din sa family mo, baka mag tagal tayo dun." Masaya akong tumango sa kanya.
Tumawag ako kay Barbie at ikwenento sa kanya ang gagawin namin ni boss Justin sa darating na Lunes. Kagaya ng reaksyon ko ay natuwa din sya, pati na din ang mga kapatid ko.
Ito kasi ang unang beses na makakalabas ako ng Manila.
Nag ayos agad ako ng mga gamit dahil sa sobrang excitement. May tatlong araw pa naman bago ang araw ng lunes pero mas gusto kong mag handa na ako ng mga gamit ngayon pa lang.
"Mukhang happy ka Jojo ah." Puna ni Stell sakin. Nahihiya akong ngumiti at napakamot sa batok ko.
"Isasama kasi ako ni boss Justin sa Nueva Ecija, may shooting daw sila." Masayang kwento ko. Bahagyang kumunot ang noo ni Stell.
YOU ARE READING
Sound Break 2: Under His Spell
Fiksi PenggemarJustin Klein Dedios is an famous artist in the country-a member of a famous boy band. He is very passionate with his craft to the point, he overworked his self. Because of that, her manager decided to hire him a PA. Josephine Joliana Cruz is an orph...