"Can we talk?" Wika ni Nigel na hindi parin nililihis ang mga mapanuring mata.
"Nag-uusap na kayo dude" sabat ni Axiel ngunit hindi man lang ito tinapunan ng tingin ni Nigel at nanatiling nakatitig sa akin.
Why? Para saan?
"Privately." Seryusong sabi nito at nakita ko sa mga mata nito ang pagod.
Saan ito napapagod?
Nagdadalawang-isip ako kung papayag ba ako o hindi.
Ngunit tumayo ako at sumunod rito. Tumigil kami sa classroom na abandonado na, yes may mga abandoned classroom ang campus walang pumupunta rito dahil may mga ligaw na kaluluwa ang pagala-gala raw dito.
Pero ewan ko sa kanya anong trip nito, bakit sa lahat ng lugar dito pa talaga gusto akong kausapin.
"A-anong pag-uusapan natin?" Pinapakalma ko ang boses ko dahil ayokong malaman nito na hindi ako komportable sa harapan niya.
"Take this." Anito habang may inilahad na paper bag na kulay white, napakunot noo ako habang tinanggap ito dahil wala naman itong dalang paper bag nang papatungo kami rito. O sadyang hindi ko lang napansin dahil tulala ako habang papasunod sa kanya.
"Para saan 'to?'
"Just eat it." Walang gana nitong sabi.
Napatingin ako sa hawak ko ngayong paper bag at nakita ko sa loob nun ang pamilyar na tsokolate na minsan ko naring natanggap na galing pa talaga sa kanya."May sasabihin ka diba?" Tanong ko rito dahil unti-unti kong naramdaman na nanlalambot ako, sumasakit bigla ang ulo ko at parang may pumitik doon pero hindi ko pinahalata rito na may nararamdam akong kakaiba, baka kulang ako ng kain, naalala ko na hindi pa pala ako kumain ng tanghalian kanina.
It's 5:55 na, baka nandun na si Cheska naghihintay sa canteen.
Hindi ito sumagot kaya napatingin ako rito, nakatitig lang ito sa akin. Hindi ako umiwas ng tingin, baka sa pag-iwas ko baka ito na huling pagkakataon na magkaharap kami, magkatabi, magkausap baka pagsisihan ko ang huling sandali na ito. Kahit ngayon lang hayaan sana akong makasama at matitigan ang lalaking nagpapatibok sa puso ko. Hayaan sana akong makatabi ang nagpapakalma sa magulo kong mundo.
Umihip ang isang malamig na hangin pero nanatili kaming nakatitig sa isa't isa. Madilim na ngunit hindi ako natatakot dahil nandyan siya. Sa oras na iyon ang maririnig ko ay ang tibok sa puso ko na ako lang ang nakakarinig.
Ngunit nakita ko na umilaw ang phone nito at nag ring pangalan ni Zia ang nakaplastar doon, tumatawag.
Pagod ang mga mata ni Nigel nakatitig roon sa cellphone na nag ring napabaling ang tingin nito sa akin.
"Sagutin mo na." Malamig kong sabi rito. Sige na Nigel. Gusto ko ng magising sa panaghinip na ito.
Tumango ito at umalis ito papalayo.
Napahawak ako sa mukha ko nang maramdaman na nababasa iyon. Para akong batang humagulhol na parang may umalis na hindi na babalik pa. Umalis na tama na Luna.Naramdaman ko na sumakit ulit ang ulo ko na parang mabibiyak, dahil sa sobrang sakit hindi ko namalayan na nawalan na ako ng malay.
Ngunit may naramdaman ako na may sumalo sa akin hindi ko alam kung sino pero alam ko na hindi si Nigel iyon.
------
When I opened my eyes, the first thing I saw is the white ceiling, nasa hospital ako, hospital?!
Babangon sana ako pero nahilo ako bigla at napahawak sa ulo, napabagsak ako ulit sa kama, nanlalabo bigla ang paningin ko, ngunit napatingin ako sa kamay ko may nakaturok doon na dextrose.
Ano bang nangyari?
"What are you doing!?" Bungad ng pamilyar na boses nang makita na gusto kong bumangon.
Ngunit tinanggal ko ang nakaturok sa kamay ko kaya nagdudugo ito.
Gusto ko ng umuwi.
Nakita ko nalang na may mga nurse ang nasa harapan ko kung ano-anong ginagawa sa akin.
Ano ba talagang nangyari?
Nagtataka ko silang tiningnan.
"Nurse anong nangyari sa akin?" Tanong ko rito.
"Nahimatay ka Ms. ipapaliwanag ni Mr. Comrado mamaya ang dahilan kung bakit kaya stay put ka lang ha." Anito na parang bata ang kausap ngunit napatango lang ako.
Kanina ko pa alam na nakatitig sa akin si Adam, siya ba ang sumalo sa akin nung nahimatay ako?
Nang maka-alis ang nurse ay umupo ito sa couch na hindi kalayuan sa akin. Nakakabingi ang katahimikan.
"How's your feeling?" Malamig na tanong nito pero kahit malamig ay mababakasan mo na nag-alala talaga ito.
"Hmm fine" sagot ko, narinig ko ang paos kong boses.
"Really?" Nanunuyang tanong nito, na parang ang tanong niya kung maayos lang ba itong puso ko.
"Yes." Tipid kong sagot at parang napagod ako. "Really I'm okay, dapat okay ako.." mahinang usal ko at napapikit dahil naramdaman ko na naman ang pitik ng kung ano sa ulo ko pero doable lang yung sakit.
"Thank you pala"
"Don't mention it" tipid na sagot nito at nakita ko ang pagpikit nito, nakadekwatro itong nakaupo habang nakakunot ang noo, really binabantayan talaga ako nito? nasabi ko na ba sa inyo na hindi nakakasawa ang mukha ni adam titigan.
Kahit ang dami kong gustong gawin, hanapin ang phone ko dahil baka nag-alala na si cheska, si Lola, si..... impossible namang mag-alala yun.
Pinili ko na lamang ang matulala sa kisame.
Nakita ko na pumasok ang isang lalaking doctor at may dalawa itong kasamang nurse na babae at lalaki.
Tiningnan ko lang sila ng deretso, alam ko naman na ang gusto nilang sabihin, hindi na rin nakakapagtataka na sinusumpong ako ng sakit sa ulo, dahil unang-una ay alam ko na may sakit ako, pangalawa malala ito at sure ako na hindi na maaagapan pa.
Tanging tango lang ang sagot ko sa kanila habang kausap ako, hindi na ako nagulat pa, ilang Doctor na kaya ang nagsabi sa akin na impossible pang ma move ang buhay ko ng 1 year sa sakit ko na Leukemia Stage 3.
Hanggang sa umalis ang mga ito.
Nakakapagod kaya humarap sa mga tao na masaya ka kahit hindi. Nakakapagod ng magpanggap.
"Is it true?" Nagising na pala itong si Adam, I must say hindi naman talaga ito natutulog nakapikit lang at alam ko na narinig nito ang sinabi ng mga doctor. Hindi naman kailangan itago ito tsaka alam ko na hindi palasalita si adam kaya no worries ako.
"Ang ano?" Maang-maangan kong sabi rito. Nakita ko ang pagtiimbagang nito at galit akong tiningnan.
"Don't play innocent Luna, Is it true that your lifespan was 3 months?" Seryusong usal nito na ikinatango ko.
Napahilamos ito sa mukha na parang hindi makapaniwala.
I giggled. Napakacute niyang tingnan nun.
"Luna.." may sasabihin sana ito pero napabuntong-hininga na lamang at pailing na lumabas sa kwartong pinaglalagyan ko.
How I wish ang 3 months na yun ay 3 years.
Nang ako nalang ang mag-isa ay nakaramdam ako ng katahimikan, matagal ko ng tanggap na mawawala ako, pero bakit ngayon parang ayoko pa, dahil ba sa kanya?
Gusto ko pang mabuhay.
Napapikit ako at ngumiti rin kalaunan nang maalala yung oras na magkasama kaming dalawa ni Nigel.
Gusto ko ulit maranasan iyon, kahit sa huling sandali.
Maari ba?
TO BE CONTINUED...
BINABASA MO ANG
HIDING MYSELF FROM THE SSG PRESIDENT NA NA-WRONGSEND KO NG MESSAGE [COMPLETED]
Short StoryPresident x Student EPISTOLARY