69

24 1 6
                                    

Sinuot ko na ang knee pads ko dahil malapit na mag start ang game. Si Icah ang libero, si Cheska ang opposite, ako ang outside hitter, si Ate Rach ang setter, at si Rai ang middle blocker. May isa rin doong middle blocker na hindi naman namin naka-close pero kilala namin. Naglalaro rin pala si Ate Rach dati bago pa ako. Si Rai naman ay cinareer ang volleyball noong nag high school.

Dinisplay na ang lineup doon sa scoreboard.

#19 Adelaide Sandoval
#30 Rachel Cabrera-Bernardo
#18 Raine Cabrera
#26 Icah Borja
#08 Francheska Garcia
#12 Thea Asuncion

Ang kalaban naman namin ay ang current players ng Hilaga Diamonds. Ako ang in-assign na team captain para sa laban na ito. Galing ko lang talaga! Haba ng hair, abot hanggang Tawi-Tawi.

"Let's go, Sandoval!" Sigaw ng aking pinakamamahal.

Kabilang team ang nag serve, kay Icah ang first ball.

"Whoo! Gandang first ball!" Sigaw ni Aaron. Luh? Ano ba'ng mayroon sa kanila?

Sa akin dapat ise-set ang bola kaya tumalon ako, pero nag back set ang setter at sa OP ibinigay. Pero dinrop ball iyon ni Cheska kaya nakuha pa ng kalaban. Umatras ako sa attack line kasi sumenyas sa akin ang setter na sa 'kin ibibigay. Ang ganda ng first ball ng libero at nag jump set pa nga!

"Adi!" Sigaw ni Ate Rach nang mai-set niya sa akin ang bola. Umatake na ako at ini-spike ang bola. In! Buti na lang may chemistry kami!

"Whoo! Baka si Adi ko 'yan!" Biglang sigaw ni Renzo mula sa bench. Sinide-eye siya ni Daddy at inirapan. Natawa naman ako doon!

Next play, naka spike ang kalaban kaya sila ang magse-serve. Net ball iyon kaya sa amin ulit. Nasa gitna naman ako ngayon. Blocker din ako somehow kasi matangkad ako.

Matapos ang ilang minuto, technical timeout na. 14-16 ang score. Nalamangan kami kasi bumawi ang kabila. Pero hindi kami papatalo.

I sat down on the bench, beside Renzo and I rested my head on his shoulder as I drank water. Mukhang nagulat siya doon at nilingon niya pa ako. Hinalikan pa nga ang noo ko! Lucky charm? Emz!

Natapos na ang timeout after 1 minute kaya back in court na kami. Nasa service line ako at diniribble ang bola. Ang ganda ng float! May target ako at doon nga napunta ang bola. Nasa backline ako, na-dig ko 'yung spike ng OP nila tapos nag-set si Ate Rach ng quick set kay Rai! Shet!

"What a quick!" Sigaw ni Renz at tuwang-tuwa sa performance ng mga kapatid niya. "What a dig, though!" Habol naman niya. Ay sus! Hindi talaga ipaparamdam na wala akong silbi! Haha!

Kami ang nanalo ng first set! Best of 3 lang naman ito, sana ma-straight na namin.

Kalagitnaan ng 2nd set, tambak. Kaya ipinahinga kami ni coach at ipinasok ang bench players at babawi na lang daw kami sa 3rd set kasi mahirap na habulin ang set ngayon.

Kalagitnaan naman ng 3rd set, 14-13 ang score. Match point. Hanggang 15 lang ang last set. Shit, ang hirap. Gusto kong manalo!

"Tamang-tama, ikaw ang middle. Back set ko sa 'yo, ah. Antabay ka na lang kung kay Ches ko ba ibibigay o sa 'yo, okay? Backset ko sa 'yo, running attack mo, ha? Kaya mo 'yan." Sabi sa'kin ni Ate Rach. Tumango naman ako doon. Kagaling namang playmaker nito.

"Match point, guys!" Sigaw ni Ren sa amin.

Si Ate Rach ang nag-serve, at buti na lang pumasok iyon! Pangit ang first ball ng kabila. In-over lang ang bola. Free ball, at kaya naman gumawa na kami ng play.

The perfect first ball by Borja.

Cabrera-Bernardo waited for the right time to make the perfect backset.

He Was My UmbrellaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon