Chapter 27: Guns and Bloody Roses

6 1 0
                                    

Chapter Twenty-seven




In a far from forgotten, a walk down memory lane told here.

"Wake up sleeping beauty."

Nagising ako sa maliit na boses na iyon ngunit, sapat na ito upang magising ako sa mahimbing na pagkakatulog. Umalis ako sa malambot na kama ngunit, hindi ko masasabing nasa silid ako dahil nasa gitna ako ng napakalawak na dilim.

Hindi ko alam kung bakit tila pamilyar sa akin ang tagpong ito dahilan kung bakit ako nalulungkot. Hindi ko alintana ang pagod sa paglalakad sa napakalawak na dilim, ang bawat hakbang ko ay nagbibigay ng mabigat na pakiramdam sa aking dib-dib. Umaapaw ang takot. Hindi ko alam kung bakit ako huminto sa paglalakad na wari'y alam ng aking sarili ang susunod na mangyayari.

Ang kaninang bumabalot na kadiliman ay unti-unting lumihis, na ang dahilan ay ang ulap na tumatakip sa liwanag nang bilog na buwan sa kalangitan habang kumikislap pa ang maliliit na mga bituwin. Ang kaninang malawak na dilim ay napakalawak pala na hardin. Sa kabilang banda nito ay may nakatayong malaking mansion na hindi kumawala sa aking paningin. Aren't they know what danger it brings?

Hindi ko na lamang pinansin ang naisip kong iyon nang namalayan ko na tila ba may sariling pagiisip ang aking mga paa kung kayat ay kusa na lamang sila humakbang palapit doon.

Kusang tumigil ang aking sarili paparoon at pinagmasdan ang buong kabuuan ng malaking mansion hindi kalayuan sa aking kinatatayuan.

Ang bawat detalye ng bahay ay pamilyar sa akin, ngunit hindi ko maiwasan ang mamangha sa laki at ganda nito. The fountain that located on its front perfected the scene, but not that only perfect the ambiance, but all the surroundings that surrounds the mansion. Ang pagkamangha ay napalitan ng lungkot. I hate myself to admit that I am weak and longing for some reason.

I don't know why I feel that way. The more I search for answers it just keep deeper and darker. Dahan dahan akong naglakad patungo doon at nang nasa tapat na ng malaking pintuan ay tinulak ko iyon ng bahagya. Bumukas ang malaking pintuan at bumungad sa akin ang sapat na rami ng taong nagkakasiyahan doon. Wearing their sophisticating dresses and tuxedo's. Ang magagarbong kagamitan sa loob ng bahay ay nagsusumigaw ng karangyaan ng mga taong may ari nito.

"There you are," a woman welcomed me.

Lumapit ang babae. Hindi nalalayo na isa siya sa nakikisaya rito. "Come with me," Alok niya at inilahad sa harapan ko ang malaki at maputla nitong kamay. Hindi ko alam, nang simula kong hawakan ang kaniyang kamay ay may naramdaman ako. But on the other thought was longing. Nalulungkot ako. Marami kaming nadaraanan habang hawak niya parin ng mahigpit ako sa aking kamay.

Saka lang kami tumigil nang may humarang sa kaniya at hindi ko alam kung papaanong nangyari na may kausap na siya bigla. Luminga ako sa paligid at may mga batang nagkakasiyahan at naghahabulan roon.

"Go play with them."

Lumingon ako sa bumulong na iyon at napatingala sa hindi ko maaninag na mukha nito. Her voice reminds me of my Mother's. The smile on her face is visible in my eyes even though her face is blurry.

That smile painted on hers was like assuring me of something. Something that everything will be fine.

Kumalas ako sa pagkakahawak niya sa aking kamay at naglakad palayo sa kaniya ngunit natigilan ako nang may tumawag sa aking pangalan. Hinanap ng aking mga mata ang taong iyon at hindi naman ako nabigo dahil kumaway ito sa ere habang ang ngiti sa kaniyang labi ay hindi maalis.

Tinawag ko siya subalit ang sariling boses ay hindi ko narinig. Kumaway ako pabalik.

Lumakad siya palapit sa akin pagkatapos noon. May inabot itong apat na puting rosas sa akin habang ang mga ito'y sariwa pa sa aking paningin. Inabot ko naman ang mga iyon at saka pa inamoy-amoy ang samyo nito.

The Untold Tale of Darkness (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon