It's the weekend day of my life at wala naman akong gagawin. I decided to text Ayesha and go out. Wala pa namang tasks and puro basa lang ako kaya nauumay na rin ako. Maybe sa mall lang, mag-grocery.
Ayesha:
Sorry, I'm busy. Ito kasing si umie pinasama ako dito sa burol ng relatives namin even though hindi ko naman kilala but I texted your husband. Papunta na siya d'yan.
Nagulat ako sa huling statement niya. What? Sasamahan ako ni Malik? Hindi ba siya busy? Wala ba siyang work? Duh! It's weekend nga naman.
Naligo na ako at nagbihis na rin. Halos isang oras ata ang naigulgol ko sa pagbibihis at pag-aayos. Even it's just simple square pants, blouse, and a triangle hijab lang ang suot ko.
Hindi ko alam kung dumating na ba si Malik pero wala naman kasing doorbell at nag-greet ng "Assalamu Allaikom" or maybe tinanggihan niya talaga si Ayesha kasi may emergency.
Pagkalabas ko ay nando'n na agad siya sa sofa na nakaupo at tahimik na naghihintay.
"Paano ka nakapasok?" I suddenly asked.
Nagulat siya sa presensiya ko. "Pinapasok ako no'ng Chef ba 'yun dito? Tinignan niya lang ang kusina mo." sagot niya.
I nodded. "Pasensiya ka na sa kaibigan ko, ah?! Hindi ko naman gusto na abalahin ka."
Lumapit siya sa akin at niyakap ako ng patagilid. "It's okay. You're my wife so! Gulat nga ako kasi bakit hindi ako ang inaya mo?" he chuckled.
Hindi na ako nagsalita pa. Lumabas na rin kami at sumakay ng elevator papuntang parking lot. Pagdating namin sa baba ay pinailaw niya agad ang kanyang sasakyan. Iba ito sa Strada na lagi niyang dala. It's a black BMW. Hindi ko ma-imagine kung gaano ito kamahal. Kumikinang pa ito at halatang bagong-bago.
He opened the door at sumakay naman ako agad. Sinarado niya 'yun at umikot na papuntang driver's seat. Sinuot ko na rin ang seatbelt at nag-seat belt na rin siya.
"Is it your new car?" I asked.
He chuckled. "Yes, kakabili ko lang,"
"BMW huh?! Is it from your father?" I asked.
Hindi rin kasi siya mahilig sa mga mamahaling bagay but I know that he can afford this. Malaki ang sweldo niya.
"Dowry ko sana sa'yo ito," aniya.
Nagulat ako sa sinabi niya. "Seryoso ka?" I arched my brow.
"Yes, I'm serious. Ako mismo ang bumili nito. Probably, I just want to give you something that you will like." he said.
I shook my head. "Malik, hindi naman kasi kailangan. Nagsasayang ka lang ng pera e. I don't want to be a burden. I'm still studying. Kahit wala naman ito. Okay naman kung ano lang 'yung napag-usapan ng parents natin." I said. "I'm not materialistic. Kung sasabihin mo lang na sa'yo ito. It's okay and nga pala, where's my car? Ang tagal nang hindi naiuuwi ang baby ko."
"Gusto mo bang araw-araw akong umuwi sa'yo?" ngumisi siya.
Nagulat ako sa joke niya. I was really stunned to speak hanggang sa may dumating na pamilyar na sasakyan. It's my kuya Franz. Yusof Franz ang name ni Kuya. His the first born of the family. Franz dahil pinanganak siya sa France. I saw my second brother. Kuya Alezandrine Zafir. I call him kuya Drifie even our parents usually call him Zafir.
Lumabas ako ng sasakyan ni Malik at lumabas din siya. Nag-park naman ng maayos si Kuya Franz bago sila lumabas ng sasakyan.
"Where are you going? Dating?" Kuya Drifie asked.
Kinabahan ako sa tanong ni kuya. They are not used to seeing me dating because I'm too conservative and ang alam nila is fiance ko pa lang si Malik.
"Nope, Kuya. I asked Ayesha kasi to go out but she's with her family." sagot ko.
BINABASA MO ANG
Lighten the Darkest Past (Ongoing)
Ficción históricaJameela Ferdaus, isang simpleng dalaga na nakatira sa Maguindanao. Sa kagustuhang makapagtapos ng pag-aaral ay naglayas siya nang magpasya ang kaniyang ama na siya'y ikasal. Sa hindi malamang pagkakataon habang ibinubuhos niya ang mga luhang nag-uun...