Simula
From the TOP make it DROP!Vin's P.O.V
"MA'AM VIN, ipinatatawag po kayo ni sir Venturo," pagtawag sa akin ng sekretarya ni sir Venturo kaya dali-dali akong napatayo at sumama sa kaniya patungo sa opisina ni sir.
"Good morning, sir!" Pagbati ko nang buksan ko ang pintuan ng kaniyang opisina saka ako dali-daling naupo sa upuang nasa harapan ng kaniyang lamesa.
"Good morning, Ms. Del Valle," pabalik na pagbati niya na awkward kong ikinangiti.
"Vin na lang po, sir, you don't need to use any formalities po." Nakangiting wika ko dahil ayokong naririnig ang apelyido ng tatay ko. Nakakasuka! Pwe! Sa kabilang banda, ito na ata ang pang isang-libong beses na sinabi ko kay sir na Vin na lamang ang itawag sa akin, psh! Kulit din niya eh!
"Oh sorry, so Vin, ipinatawag kita dahil gusto kong humungi sa'yo ng pabor..." Direct to the point nitong wika na ikinataas ng kilay ko saka ko siya nginitian.
"Sir, ano po bang pabor ang gusto niyong hingin? At baka po kaya ko naman ay gagawin ko po ng buong puso." Litanya ko saka inayos iyong pabilog kong salamin-iyong mala Harry Potter eye glass design ba pero with mataas na level ng grado.
"Can you be my son's secretary?" Dire-diretso nitong wika na ikinakunot-noo ko. Wait...did I hear him correctly? Parang nagkaroon ako bigla ng tutuli at nabingi sa tinuran niya.
"I beg your pardon, sir? Can you please repeat w-what you've said?" Pagpapaulit ko sa kaniyang tinuran.
"Please, Vin..." Nagpapaawa epek na aniya, "please be my son's secretary...he needs your help and I know that you're the only one who can help him to make his company great...again." Dagdag na litanya niya na ikinapikit-pikit ng mga mata ko.
S-seryoso ba siya?
"Sir, I am the head of your marketing team. A-ang taas na po ng position ko...are you firing me now? May nagawa po ba akong mali?" Sunod-sunod na pagtatanong ko dahil nababagabag ako sa mga sinasabi niya.
Who the hell on Earth would accept a job na mas mababa pa sa position na mayroon siya ngayon sa kasalukuyan? Meron ba?
"No. No, I'm not firing you, I'm asking you for a favor, Vin. I will double your salary from your current salary here as the head of my marketing team---"
"Deal, sir!" Agad kong iniabot sa kaniya ang aking kamay upang makipagkamayan, senyales na uma-agree ako sa kaniyang kagustuhan. "Hindi niyo naman po kasi sinabi agad na double pala ang payment!" Pagkantiyaw ko sa kaniya na ikinaliwanag ng kaniyang mukha.
"So it's a deal then?" Natutuwang aniya na ikinatango-tango ko saka kami nagshake hands.
Matapos iyon ay lumabas na ako ng kaniyang opisina at naglakad na pabalik sa opisina ko. Sa paglalakad ko ay iba't ibang bulungan ang aking narinig.
"Hoy babaita! Nakita mo ba 'yung anak ni sir Venturo? Ang gwapo sheesh! Makalaglag panty ang kagwapuhan!" Pagtili ng mga kababaihan sa may corridor ng elevator bago sila tuluyang makapasok sa elevator na kanilang sasakyan. Napailing-iling na lamang ako sa kanilang tinuran at inasta, mga walang delikadesa sa trabaho, oo. Hayst!
Muli kong ipinagpatuloy ang aking paglalakad at isang bulto ng kung ano man iyon ang bumangga sa akin. "O-ouch!" I hissed as I gently massaged my forehead saka ko tiningala ang kung sinong bumangga sa akin. At napangiwi na lamang ako nang napagtanto kung sino iyon.

YOU ARE READING
YOU'RE THE ONE
RomansaIn the bustling metropolis of Bonifacio Global City, Vincenzo Lodovico Montealegre, a successful and charismatic executive, thrives in his high-powered corporate world. With an ego as towering as the city's buildings, he prides himself on his discer...