Isang pirasong papel

2 0 0
                                    

"Sabi ko gumawa ka ng paraan ah!" samut-saring sulsol, pagbubunganga o kung ano man ang tawag niyo sa ganitong sitwasyon "hindi niyo alam kung anong problema pinagdadaanan ko! Mga wala kayong utang na loob! Lahat ng perang kinikita ko, lahat tayo nakikinabang! Hindi lang naman ako! Pero mga wala kayong awa!", sa dami ng sinabi niya wala na akong maintindihan kase paulit ulit na lang, ano nga ba dapat kong maramdaman sa ganitong sitwasyon? Masasakit na salita na nanggaling sa mismong magulang mo, mga salitang hindi mo inaasahan ngunit sa kanila mo pa unang maririnig. Kailan mo ba ako makikita?

"Kung ginalingan mo e 'di sana kasama ka din sa mga honor na yan" walang salitang lumalabas sa bibig ko habang pinapakinggan ang mga sinasabi niya tungkol sakin, kasali nga sana ako kung ginalingan ko, hindi naman ako bagsak, hindi din naman mababa ang grade ko, pero dahil hindi ako pasok ibigsabihin hindi ko ginalingan, isang malaking dismaya kase nawala ako bigla sa honor, "ang taas nga ng grade ng mga kapatid mo, ang kuya mo kahit paganyan ganyan lang pero puro uno ang grado" napupuyat at nagsisikap naman ako pero bakit parang sa kanila ka lang natutuwa, "kasali ang panganay ko sa karate ilang beses na nga nanalo yan, magaling din yan sa mga computer computer, yung pangalawa ko naman, laging may uno ang grado naglalaro din ng basketball yon" kasali din ako sa sports, halos lahat ng palaro sa eskwelahan sinalihan ko, pero hindi niyo alam yon. Kailan mo ba ako makikita?

"Wala ka ng ginagawa dito maghapon! Simpleng utos sayo hindi mo magawa, yan na lang gagawin mo! Napaka bobo mo! Sinasayang mo mga pagpapaaral ko! Saan napupunta mga pinagaaralah mo? Ha?!" Isang pagkakamali pero nakikita mo agad, bakit tila pagkakamali ko lang ang nakikita mo? Bakit tila kapag hindi mo maasahan ang mga pinagmamalaki mo saka mo lang ako nakikita? Kailan mo ba ako makikita?

"Mas maganda ang oportunidad dyan, wag ka na lumipat, saka kaya mo naman kinuha ang strand na yan e dahil nakakonekta yan sa kursong gusto mo? Yan na, wag ka na din lumipat ng eskwelahan, yung kursong sinabi mo sakin, yun na ang kunin mo" alam kong sinabi kong yun ang kursong gusto ko pero hindi ba pwedeng mabago? Pakiramdaman ko ay resposibilidad ko na ngayon ang kursong yan, ni hindi ako nakapili ng unibersidad na gusto ko, kahit ito na lang sana, pero dahil sabi mo ay malaki ang oportunidad dito, kaya hindi na ako umimik o kumontra, lahat naman ng gusto mo sinusunod ko, kailan mo ba ako makikita?

Ang mga salitang nakasulat sa isang papel na ngayon ay binabasa ng kanyang ina, tumulo ang luha nito bago dahan-dahang tumingin sa maamong mukha ng kanyang anak na ngayon ay nakahiga na tila ba natutulog lang at nasa mapayapang lugar ito sa loob ng isang kabaong.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Jul 29, 2023 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Isang Pirasong PapelWhere stories live. Discover now