SA kabila ng nalaman na niya ang history ng kanilang pamilya ay patuloy pa rin si Rome sa lihim na pakikipagkita kay Baron. Isang linggo lang makaraan ang komprontasyong iyon ay muli siyang nakipag-kita sa kasintahan.
"Nag-uumpisa na akong mapikon sa mga magulang mo, Rome. Ang tingin nila sa mga sarili ay Diyos!" reklamo ni Baron nang magkita sila nito sa isang restaurant sa Pasay.
Dinala niya ang mga kamay sa ibabaw ng mesa at ginagap ang mga kamay ng kasintahan. Nakikita niya sa anyo ni Baron ang labis na pagkainis.
Actually... simula pa kanina nang magkita sila'y tila sira na ang mood nito. Napikon ito dahil limang minuto siyang late. Ipinaliwanag niyang traffic sa Sucat Road kaya siya nahuli. Limang minuto lang naman siyang delayed sa dapat na oras ng pagkikita nila, pero hindi tinanggap ni Baron ang dahilan niya at sinimangutan siya.
Lalong uminit ang ulo nito nang sabihin niya ritong hindi na mapapadalas ang pagkikita nila, dahil maliban sa magtatapos na siya sa kolehiyo ay kailangan na niyang mag-apply ng trabaho. Hindi pa siya maaaring magturo sa MIC, kailangan pa niyang dumaan sa mas mababang paaralan. Ipinaliwanag niya kay Baron na sa oras na kaya na niyang tumayo sa sariling mga paa ay aalis na siya sa bahay nila at kukuha ng apartment. Doon ay maaari na silang magkasama.
Pero hindi naging madali ang pag-intindi ni Baron doon.
And he wasn't just pissed. He was acting weird, too. Maputla ang mukha nito, ang mga labi'y tuyot, at ang ilalim ng mga mata'y nangingitim na tila ilang araw nang hindi nakatulog. He had also lost weight, she noticed.
"Are you sick?" nag-aalala niyang tanong makaraan ang ilang sandali.
"H'wag nating ibahin ang usapan, Rome, maayos lang ako. Pag-usapan natin kung papaano kang makawawala sa pamilya mo." Binawi ito ang kamay mula sa kaniya saka hinagod ang buhok na tumabing sa mukha nito.
Sa araw na iyon ay nakalugay ang may kahabaan nitong buhok--either nakalimutan nitong itali iyon katulad ng madalas nitong gawin, o sadya nito iyong inilugay.
"Bakit hindi ka na lang lumayas sa inyo? Kumuha tayo ng apartment, magsama na tayo." Sandaling lumambot ang anyo nito. "Let's just live together, magtatapos ka na rin naman, pwede ka nang umalis sa poder nila. Ang banda ay kumikita naman ng maayos, kaya kitang buhayin."
Oh, kung sana ay ganoon lang ka-dali ang lahat, Baron...
Pilit siyang ngumiti at masuyong dinama ang mukha nito. Even his skin felt so dry, hindi niya alam kung ano ang pinaggagagawa nito sa sarili sa nakalipas na mga araw.
"Gusto kong gawin ang sinabi mo, pero kahit na ganoon ang pamilya ko ay ayaw kong bigyan sila ng alalahanin at sama ng loob, Baron. I'm sure my parents would let me go sooner or later. Si Connie nga ay pinayagan na rin nilang magpaligaw, ibig sabihin ay lumuluwag na sila sa aming magkapatid--"
"Isang taon na akong naghihintay, Rome. Gaano pa ba katagal ang kailangan ko pang hintayin?" Muling bumalik ang iritasyon sa anyo nito. "Ni minsan ay hindi pa tayo nagkasarilinan malibang kakain tayo sa restaurant o manonood ng sine. Kapag nasa sinehan naman tayo ay ayaw mong hinahalikan kita--"
"Hindi naman sa ayaw, pero minsan kasi ay kung saan-saan napupunta ang kamay mo sa tuwing hahalikan mo ako at hindi ako nagiging komportable--"
"That's it. Niyaya kitang pumunta sa bahay ko para maging komportable ka pero ayaw mo naman. I love you, Rome. Gusto na kitang makasama, pero ayaw mong iwan ang pamilya mo."
"I'm sorry. I will find ways, okay?"
Lalong nairita si Baron. Padabog itong tumayo.
"Rest room lang ako."
BINABASA MO ANG
THROUGH THE WIND AND THE RAIN
DragosteAmidst a birthday celebration filled with cupcakes and Malibu drinks, Rome's night takes an unexpected turn when she drunkenly stumbles into the wrong hotel room The next morning, she woke up naked next to the man she hated the most--- Cayson Montem...