CHAPTER 015 - The Dreaded Meeting

297 11 1
                                    


Present-time...

"BUTI na lang at hindi na nagtanong pa sina Mama at Papa tungkol sa lugar na pupuntahan natin. Mabigat lagi ang loob ko na magsinungaling sa kanila."

Sinulyapan niya si Connie na nakaupo sa harapan niya. Kasalukuyan na silang nasa coffee shop kasama si Jiggy. Nakaupo sila sa dulo upang walang um-istorbo sa kanila.

Iyon na ang araw na kakausapin niya ang mga ito tungkol sa kondisyon niya, at sa nangyari sa pagitan nila ni Cayson Montemayor. Her sister deserved to know the truth, and Jiggy deserved an explanation. Pareho siyang naglihim sa dalawang taong naging kasangga niya sa mahabang panahon.

Buong gabi niyang binalikan sa isip ang nakaraan— simula noong mga panahong sinisi niya lahat kay Cayson ang paghihigpit na naranasan niya sa buong pamilya, hanggang sa panahong tuluyan na siyang nakipaghiwalay kay Baron.

Tatlong taon na rin ang nagdaan simula nang malaman niya ang totoong pagkatao ni Baron. He was her greatest disappointment, hindi niya akalaiang nagmahal siya ng manloloko at isang drug pusher.

Baron tried to call her, speak to her after that day. Pero hindi na siya sumagot pa sa mga tawag nito hanggang sa nagpalit siya ng numero. Ilang gabi siyang lihim na umiyak sa kaniyang silid, hindi dahil sa labis siyang nasaktan kung hindi dahil sa muntikan na sana niyang pagbibigay ng sarili rito. She was a dumb woman who fell for someone like him. Her family was right about him, after all. Bakit kasi hindi siya nakinig sa mga ito noong una pa lang? Muntik na sana siyang mapariwara! Muntik na sana niyang ibigay ang sarili sa lalaking katulad ni Baron!

Wala nang mas bababa pa sa klase ng taong tulad nito. Manloloko na ng babae ay taga-benta pa ng droga na sumisira sa buhay ng maraming kabataan.

Damn him.

Nang dahil kay Baron ay hindi na siya nagpaligaw. Hindi na rin siya nagpakita ng interes sa lalaki.

Nang mag-umpisa siyang magturo sa isang Montessorri ay ginugol niya ang lahat ng oras sa trabaho. Hindi na siya nagbigay pansin sa ibang bagay, lalo na sa mga lalaki. She was traumatized. Wala na siyang pake kung matulad siya sa mga tiyahin niya; pretty old maids.

Until... she and Baron accidentally met again after three years, on the same night she and Cayson Montemayor had sex.

Nagtayuan ang mga balahibo niya sa batok nang muling pumasok sa isip ang namagitan sa kanila ni Cayson Montemayor. Para siyang masusuka, at hindi niya alam kung dala iyon ng pagbubuntis niya o dahil lang sa nandidiri siya sa tuwing naaalala ang lalaki.

"So, para saan ang emergency meeting na ito?" tanong ni Connie habang pinaglipat-lipat ang tingin sa kanilang dalawa ni Jiggy. Her sister was smiling and had no idea what she was about to spill.

Si Jiggy naman sa mga sandaling iyon ay hindi magawang ngumiti. Kahit sa huwad na paraan lang ay wala. Pagdating pa lang nito roon sa coffee shop ay blangko ang ekspresyon ng mukha nito.

"I... have something to say..."

"Uhuh, and what is it?" Connie asked. Nilingon nito ang waiter na lumapit bitbit ang mga orders nila, nagpasalamat saka muling ibinalik ang pansin sa kaniya. "Bakit parang tulala ka? Kanina ko pa napapansin 'yan noong nasa simbahan pa lang tayo. Are you okay?"

Napalunok siya at muling sinulyapan si Jiggy na ibinaling ang tingin sa mug ng kape nito. Napa-buntonghininga siya saka niyuko rin ang tasa ng kapeng inilapag ng waiter sa harapan niya. Nanatili siyang nakatitig doon na tila naroon ang kasagutan sa mga problema niya, na tila sa pamamagitan niyon ay mababawasan ang bigat na nararamdaman niya.

She wanted to speak to her sister and her best friend about the secret she kept in herself for four weeks, but she didn't know how and where to start.

"Well?" pukaw ni Connie sa pananahimik niya.

"I... don't know where to start," she answered in a low voice.

Si Jiggy, na nayayamot na rin, ay nagsalita na sa wakas. "How about you start telling your sister about your condition?"

"What condition?" Kinunutan ng noo si Connie, at habang naghihintay ng sagot at humigop na muna ng kape.

She opened her mouth to answer her sister, but Jiggy cut her off,

"She's pregnant, at si Cayson Montemayor ang ama."

Muntik nang maibuga ni Connie ang kape matapos maranig ang sinabi ni Jiggy. Tumilapon pa ang kape sa tasa nito nang pabagsak nito iyong ibinaba pabalik sa mesa. Nasa mukha nito ang magkahalong emosyon— naroon ang pagkalito at pagkamangha. Nasa anyo nitong tila hirap paniwalaan ang sinabi ni Jigs.

Napayuko siya upang itago ang kahihiyan, si Jiggs nama'y napa-ismid bago humigop ng kape. Si Connie ay pinaglipat-lipat ang tingin sa kanila.

"Pinaglololoko niyo ba akong... dalawa?"

"Believe it or not, she's really pregnant. Kasama niya ako sa OB-Gyne clinic noong Biyernes."

Napa-iling si Connie sa panggilalas. Hinawakan siya nito sa kamay bago muling nagtanong. "Rome... Please. Please tell me the truth. Is this some kind of a joke? If so, please drop it. Ayaw ko ng ganitong—"

"Totoo, Connie," aniya saka nagtaas ng ulo. Matapang niyang sinalubong ang mga mata ng kapatid na sa mga sandaling iyon ay tila tinakasan na ng kulay ang mukha. "I'm pregnant."

"How?" This time, Connie's voice started to quiver.

Napalunok siya, muling umiwas ng tingin at niyuko ang tasa ng kape.

"At bakit... nasali na naman ang pangalan ni Cayson Montemayor dito? What is this again, Rosenda Marie?"

Napakagat-labi siya. Garalgal na ang boses ni Connie, nasa tono ang panic. Ang kamay nitong nakahawak sa kamay niya ay humigpit.

"Answer me, Rome."

"Cayson and I had... a one-night stand." Muli siyang napakagat-labi. "And here I am, pregnant with his baby."

Doon lumuwag ang pagkakahawak ni Connie sa kaniya hanggang sa tuluyan itong bumitiw at tila walang lakas na sumandal sa upuan. Muli siyang sinulyapan ang kapatid at doon ay nakita niya sa anyo nito ang matinding panlulumo.

Si Jiggy na namamangha sa mga sinabi niya'y muling nagsalita. "Sasabihin mo ba sa amin kung papaano nangyari 'yon, Rome?"

Pilit siyang tumango.

"How did it start?" Jigs asked again.

Humugot muna siya ng malalim na paghinga bago sinagot ang tanong ng kaibigan.

"Nag-umpisa iyon noong... niyaya ako ni Dudz sa isang party."

"Whose party?" sabay pang tanong ng dalawa.

"Cayson's."


THROUGH THE WIND AND THE RAINTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon