HER eyes went wide open. Hindi siya makapaniwala sa nakikita.
What in the actual f—
"Good evening," Cayson Montemayor said, eyes on everybody.
Si Dudz na nakatayo sa tabi nito'y nagsalita. "May kailangan daw si Bossing Cayson kaya dinala ko rito."
"Good evening, Mr. Montemayor," bati ng papa nila na hindi kaagad nakaapuhap ng sasabihin. Naglakad ito palapit sa 'bwisita'. "May kailangan po kayo sa amin?"
Bago pa man makasagot si Cayson ay dumating naman ang Tita Marites niya at ang tatlo pang Marias. Nakangiting binati ng mga ito ang 'boss', na sinagot ng lalaki ng pagtango.
Ang Tita Marites niya ay nagsalita. "May problema po ba, Mr Montemayor? Bakit po kayo napadalaw sa compound namin sa ganitong oras?" Napatingin sa kaniya ang tiyahin, at alam niya kung ano ang ibig sabihin ng mga tingin na iyon.
Iyon ang tipo ng tingin na nagsasabing, 'May ginawa ka na naman?'
Geez...
Napa-igtad siya nang dumapo ang tingin sa kaniya ng lalaki.
"Yes, I came here to visit Rome and to check if she had informed everyone."
Nanlaki ang mga mata niya.
"Informed everyone about what, Mr. Montemayor?" tanong ng papa niya, nasa tinig ang warning na siguradong para sa kaniya.
"About us," sagot ni Cayson, ang mga mata'y hindi pa rin humihiwalay sa kaniya.
Naguguluhang pinaglipat-lipat ng lahat ang tingin sa kanilang dalawa.
"Ano'ng ibig ninyong sabihin, Mr.Montemayor?" tanong muli ng papa niya, ang lahat ay naguguluhan.
"Hindi mo pa rin sinasabi sa kanila?" Cayson asked.
Hindi siya alam ang isasagot kaya nanatili siyang tahimik.
Cayson released a sigh. Humakbang ito palapit sa kaniya, tumabi, at sa pagkagulat ng lahat ay umakbay. "Rome and I are in a secret relationship for quite some time now."
Sabay-sabay na pagsinghap ang narinig niya sa paligid, at kasama na roon ang sa kaniya. Hindi niya inasahang iyon ang sasabihin ni Cayson. Hindi niya inasahang iyon ang sadya nito sa pagtungo roon.
"H-How?" tanong ng mama niya makalipas ang ilang sandali. Napa-hawak pa ito sa dibdib sa tindi ng pagkagulat.
"Yeah, how?" sabi naman ni Dudz. Nagdududang tingin ang ipinukol nito sa kanilang dalawa ni Cayson. "Ano'ng nangyayari, Pareng Boss? Ano 'to, Rosenda Marie?"
Kung mayroon mang hindi maniniwala sa sinabi ni Cayson ay si Dudz iyon—alam na alam nitong imposible ang sinasabi ng kaibigan/boss.
"We met again at the party, five weeks ago. Remember that, Dudz?"
"Yeah, pero sa pagkakatanda ko'y mainit ang dugo sa'yo ni Rosenda Marie at ikaw ma'y busy sa mga tsiks noong gabing iyon. Come on, pare... magkasama tayo sa table buong gabi."
Pigil-hininga niyang in-antayabayanan ang sunod na sasabihin ni Cayson. Kanina pa niya gustong kumawala sa pagkakaakbay nito subalit pinipigilan siya nito. Ayaw naman niyang pwersahang kumawala dahil baka masita siya ng mga magulang.
"We spoke after the party, I called her and invited her out. Humingi ako ng paumanhin sa mga nangyari noong nakaraan—I provoked her, kaya siya nagalit sa akin noon," patuloy na pagsisinungaling ng lalaki. "Sinabi ni Rome na hindi pa siya maaaring makipag-relasyon, pero naging mapilit ako. Since then, parati na kaming sekretong nagkikita, pero hiniling niyang h'wag muna naming ipaalam sa pamilya ninyo ang tungkol sa amin."
Tulalang nakinig lang ang lahat. Si Connie na nasa likuran ay pinigilan ang mga matang umikot paitaas sa pagkamangha, habang siya nama'y hindi na nagiging komportable sa tensyong nagaganap.
"Why not?" tanong ng papa niya na siyang unang nakabawi. "Bakit kailangang ilihim? Simula nang makapagtapos ng pag-aaral si Rome ay pinayagan na namin siyang magpaligaw, hindi na siya bata. I just don't understand why you both have to keep it from us?"
"Kasi, Pa—"
"Because she thought you wouldn't approve of the relationship, considering my reputation with women."
Kahit siya'y namamangha sa bilis ng mga sagot ni Cayson. Kahit siya ay kanina pa nakatulala habang nakikinig sa mga kasinungalingan nito.
At hanggang sa mga sandaling iyon ay hindi pa rin niya alam kung para saan ang pagtungo roon ni Cayson.
Hindi kaya para... Nanlaki ang mga mata niya sa naisip.
"You have a point, Mr. Montemayor, but still."
Muntik na siyang matawa sa naging sagot ng papa niya.
"Sa mga oras na ito ay hindi ako nagta-trabaho sa paaralang pagmamay-ari ng pamilya ninyo, Mr. Montemayor," patuloy ng kaniyang ama, "kaya gusto kitang kausapin hindi bilang boss kung hindi lalaki sa lalaki. I didn't like the fact that you kept your relationship with my daughter a secret. Na bagaman si Rome ang may nais na mangyari ang ganoon ay sana nagpakalalaki kang sabihin sa amin ang tungkol sa bagay na ito."
"Humihingi ako ng dispensa, Mr. Cinco. Iyan ang dahilan kaya ako narito, gusto ko nang tapusin ang sikretong ito."
Ang mama niya na noon lang natauhan ay nagsalita na rin. "Kailan pa... nagsimula ang relasyong ito?"
"Three weeks, Mrs. Cinco."
Muli ay sabay-sabay na napasinghap ang lahat.
"Ganoon ka-haba kang naglihim sa amin, Rosenda Marie?" anang mama niya sa kaniya, nasa tinig ang hinanakit.
Hindi siya nakasagot. Nanatili siyang tulala. Ano ba kasi ang sasabihin niya gayong wala naman siyang alam sa 'script' na inihanda ng gago?
"This is why I came here without Rome knowing. Ayaw ko nang patuloy na i-sekreto pa itong relasyon namin. And... there's one more thing."
Hindi niya napigilang hawakan sa braso si Cayson upang pigilan ito sa iba pang mga sasabihin. Malakas ang kutob niyang ibubunyag nito ang tungkol sa pagbubuntis niya. Pero tila wala itong pakealam sa kaniya. He continued to play his act, smiling at everybody.
"What's another thing?" tanong ng papa niya na hindi pa rin nakaka-bawi sa mga narinig.
Ang sumunod na mga sinabi ni Cayson ay ikinalaki ng mga mata niya at ng buong pamilya;
"Your daughter and I had a bad start, I admit that. We both didn't like each other. But after knowing her for some time, I realized that..." Napayuko ito sa kaniya, ang mga mata'y malumanay at ang mga labi'y nakangiti na gusto niyang ika-suka. At habang nakatitig ito sa kaniya ay nagpatuloy si Cayson. "I realized that Rome is the most beautiful, intelligent, and loving woman a man like me could only dream of. We've only been together for almost three weeks, but I already know that she's the woman I need in my life." Ibinalik nito ang tingin sa kaniyang mga magulang na namamangha pa rin dahil alam na kung saan patungo ang sinasabi ng animal. "I'm glad that the whole family is here, I could express my intentions all at once." He paused to take a deep, long—and fake—breath. "I would like to ask Rome to marry me and I'm here tonight to ask you all for your blessings."
Muntik na siyang himatayin sa narinig— kung hindi lang siya hawak-hawak ng animal.
BINABASA MO ANG
THROUGH THE WIND AND THE RAIN
Любовные романыAmidst a birthday celebration filled with cupcakes and Malibu drinks, Rome's night takes an unexpected turn when she drunkenly stumbles into the wrong hotel room The next morning, she woke up naked next to the man she hated the most--- Cayson Montem...