"PROBLEM solved. Magkita na lang tayo sa Linggo para pag-usapan ang tungkol sa kasal."
Ang akmang pagpasok ni Cayson sa kotse nito ay nahinto nang pigilan niya ito sa braso. Nilingon siya ng binata. Ang anyo nito at nagbago na simula nang lumabas sila sa bahay at ihatid niya ito sa gate kung saan nakaparada sa labas ang mamahalin nitong kotse. Wala na ang huwad na masuyong anyo at matamis na ngiti, at bumalik na ang totoong ito—ang totoong Cayson Montemayor na gawa sa bato ang puso.
"Noong huli tayong mag-usap ay sinabi ko na sa'yong hindi kita pipilitin. Kung pakakasalan mo rin lang ako para insultuhin ang pamilya ko ay—"
"I said something that hurt you and I'm sorry."
Natigilan siya. Tama ba ang narinig niyang sagot nito? Gusto niyang paniwalaang sinabi iyon ni Cayson, pero dahil sa blangko nitong ekspresyon ay hindi siya na-kombinsi. Naisip niyang marahil ay sinasabi lang niya iyon dahil alam nitong iyon ang gusto niyang marinig.
"I decided to just marry you, but we will have to agree on some terms."
Doon siya kinunutan ng noo. "What terms?"
"I'll discuss it with you on Sunday. Those terms will benefit both of us, hindi ka malulugi kaya h'wag kang mag-alala. Ang importante'y pumayag na akong pakasalan ka hindi lang para isalba ka at ang pamilya mo sa kahihiyan, kung hindi pati na rin ang pangalan ko." Binawi muna nito ang kamay na hawak niya bago nagpatuloy. "I am sure I used protection when I did it with you that night, but I admit that condoms are not 100% certain. You were a virgin when I took you, and I was the first and last person you had s*x with during the window of conception—the child you are carrying is mine, no doubt about that. Kapag lumabas iyan at nakita ng mga tao, ano na lang ang sasabihin nila kapag nalaman nilang hindi kita pinanagutan?"
Buti at naisip mo 'yan. Pinigilan niya ang sariling sagutin ito ng ganoon.
Nagpatuloy si Cayson. "Gusto kong ibigay sa anak ko ang pangalan ng pamilya, give him everything the world could offer, and be in his life as he grows up. Ayaw kong tanggalan mo ako ng karapatan sa kaniya kaya naisip kong tama lang na pakasalan kita."
Itinaas niya ang mukha saka sinagot ito. "Buti at naisip mo 'yan, Cayson. Dahil bago ka pa dumating kanina ay naghahanda na ako sa pag-alis ko."
Ito naman ang kinunutan ng noo. "Pag-alis mo?"
"Pinanindigan ko ang sinabi ko sa'yong hindi na kita pipiliting pakasalan ako kung ganoong iinisultuhin mo rin lang ang pamilya ko. Ayaw ko mang malayo sa kanila ay hindi ko rin gustong magdala ng kahihiyan sa pamilya kaya nagpasiya akong umalis na lang at lumipat sa ibang bayan. I was planning to apply for a transfer request to the Montessori. Nagpasiya akong itago sa lahat ang pagdadalangtao ko at pagkakaroon ng anak sa pamamagitan ng paglayo."
Si Cayson naman ngayon ang natigilan sa pagkamangha.
"You heard it right, Cayson. Kaya kong malayo sa pamilya ko, kung ang kapalit niyon ay ang masigurong hindi ako maghahatid ng kahihiyan dahil sa ginawa ko 'kasama ka'."
"You are not going to do that, Rosenda Marie. You are not going to keep that child away from me," he said after a while, naroon ang diin sa mga salita nito na hindi niya binigyang pansin.
Nagkibit-balikat siya.
"Well, since ipinahayag mo na rin naman sa pamilya ko ang balak mo, at inaasahan na ng mga magulang kong pag-uusapan ang tungkol sa kasal sa linggo kasama si Mrs. Althea Montemayor, ay mukhang hindi na rin mangyayari 'yon, kaya kumalma ka. Sino'ng ina ba ang gustong lumaki ang anak nilang walang kinikilalang ama? Naging ganoon lang ang pasiya ko dahil wala na rin namang ibang pagpipilian—" Natigil siya sa pagsasalita nang bigla siya nitong kabigin at mariing hinagkan sa mga labi.
Nanlaki ang mga mata niya, at sa pagkagulat ay hindi kaagad nakaisip ng gagawin.
At nang tuluyang rumehistro sa isip ang ginawa nito'y nag-akma siyang itutulak si Cayson nang pakawalan naman siya nito.
He smiled at her—so tenderly she almost choked.
"Drive safely, Mr. Montemayor." It was her Tita Marites behind her.
Lumagpas ang tingin nito sa balikat niya, at muling ngumiti. "Thank you, Mrs. Bartolome. Have a great night."
"Ikaw rin po. Oh, Rosenda Marie, pumasok ka na rin at baka gabihin pa si Mr. Montemayor sa daan."
She looked over her shoulder and saw her Tita Marites entering their house. Hindi nito kasama si Dudz; siguradong naghihintay iyon sa bahay nila.
Nang tuluyang makapasok ang tiyahin ay ibinalik niya ang tingin kay Cayson, upang makitang nakapasok na rin ito sa loob ng kotse. Napayuko siya at pinigilan ang pagsasara nito ng pinto.
"Why did you—"
"I did that for the act, h'wag mong bigyan ng kahulugan." Ikinabit nito ang seatbelt at inisuksok ang susi sa keyhole. Nang umandar ang sasakyan ay nilingon siya nito. "And Rosenda Marie, sadya kong hindi binanggit sa kanila ang tungkol sa pagdadalangtao mo para protektahan ang dangal mo; you owe me this one. Tatlong linggo pa lang tayong magkasintahan, ayaw mong isipin nila na bumigay ka sa akin sa unang gabi pa lang?"
She opened her mouth to say something but Cayson beat her off.
"Oh, iyon nga pala ang totoo." Then, he smirked. "Kapag nanganak ka na'y palalabasin nating pre-mature ang bata. That way, walang magdududa."
Napa-ismid siya saka tumayo nang tuwid. "Pinag-isipan mo talaga ito nang mabuti, ano, Cayson?"
Kibit-balikat lang ang ini-sagot nito bago hinila ang pinto pasara.
Hindi na siya muling sinulyapan nito hanggang sa tuluyan na nitong pinasibad ang sasakyan.
Niyakap niya ang sarili at sinundan ng tingin ang kotse nito hanggang sa iyon ay lumiko ng kalsada. Oh, she couldn't imagine the life she would live for the next few years. Hiling niya'y isa ang annulment sa mga terms na sinasabi ni Cayson dahil hindi siya sigurado kung kaya niyang manatiling kasal dito sa mahabang panahon.
BINABASA MO ANG
THROUGH THE WIND AND THE RAIN
RomansaAmidst a birthday celebration filled with cupcakes and Malibu drinks, Rome's night takes an unexpected turn when she drunkenly stumbles into the wrong hotel room The next morning, she woke up naked next to the man she hated the most--- Cayson Montem...