KINABUKASAN ay gumising si Rome na magaang ang pakiramdam. Pagmulat niya ng mga mata ay nakita niya sa kaniyang tabi si Cayson. Nakaharap sa direksyon niya at mahimbing na natutulog. Sa mahabang sandali ay tinitigan niya ito—at kung noo'y kinaiinisan niya ang pagmumukha at presensya nito, ngayo'y nagkabaliktad na ang lahat.By looking at him, she could feel an unfamiliar warmth embracing her body. She was relaxed and yet lively. By staring at his face, she started feeling better. Hindi katulad noong mga nakaraang araw—hindi tulad noong wala ito.
Yeah, pinaglilihian ko nga siya.
So... totoo pala 'yon?
At kung noong nakaraang mga araw ay tamad na tamad siyang bumangon, sa araw na iyon ay hindi. Maingat siyang bumaba sa kama, tumayo at nag-inat, saka humakbang patungo sa banyo upang maghilamos at magsipilyo.
Sa harap ng salamin ay tinitigan niya ang sarili, at nang makita ang pagbabalat ng mga labi, ang maputlang pisngi, saka ang pangingitim sa ilalim ng kaniyang mga mata'y napangiwi siya. Hindi niya maalala kung kailan siya huling tumingin sa salamin, not during the past couple of days, for sure. At ngayong nakikita na niya ang sarili niya ay para siyang biglang naghilakbot.
Kaagad niyang binuksan ang gripo upang maghilamos; hindi siya tumigil hanggang sa hindi humapdi ang pisngi niya sa pagsabon. Pagkatapos ay nagsipilyo siya, nagsuklay ng buhok at nagpahid ng cream sa mukha to somehow moisturize her face. And when she finally thought she looked decent enough, she went out of the restroom.
Saktong paglabas niya'y siya namang pagbukas ng kurtina ng bintana, at doon sa harapan niyon ay si Cayson.
Natigilan siya sa kinatatayuan at napatitig sa malapad nitong likod. He was stretching his arms up, hence, the muscle at his back flexed. And she's probably going crazy because she thought it was a great view for her to just ignore.
No, hindi ako ang nag-iisip na maganda ang view kung hindi ang anak niya na nasa sinapupunan ko!
At wala siyang balak na alisin ang tingin sa magandang likod ng ama ng batang dinadala niya. Gusto niyang pagbigyan ang kagustuhan ng anak.
Ang kaniyang mga mata ay umangat pa hanggang sa malapad at maskulado nitong mga balikat, sa mga braso nitong naka-inat paitaas at sa buhok nitong nakalimutan na yatang pagupitan dahil umabot na hanggang balikat.
She swallowed hard as her eyes focused on the veins in his arms. Kailan pa naging kaaya-aya sa paningin ang mga ugat sa katawan? Kailan pa nagbigay kiliti ang ganoong tanawin sa kaniyang kalamnan?
At kailan pa siya nag-umpisang makaramdam ng kakaiba... sa loob ng kaniyang katawan habang nakatitig kay Cayson Montemayor?
Sa ganoong kaisipan ay biglang napalingon ang lalaking kanina pa pinapipeyestahan ng kaniyang mga mata, dahilan upang mapa-igtad siya.
Why did she become so jumpy all of a sudden?
"Morning," walang kaemo-emosyong bati nito.
Tumikhim siya. Gusto niyang magsuplada upang pagtakpan ang pagkapahiyang naramdaman niya, subalit imbes na kung ano ang sabihin ay iba ang lumabas sa mga labi niya.
"What would you like for breakfast?"
Wow, so waitress na rin ako ngayon, anak?
Tulad ng inasahan niya'y kinunutan ng noo si Cayson. "Why are you asking?"
"Gusto kitang ipaghanda."
"Why are you acting like a real wife?"
"Dahil iyon ang gusto ng anak mo."
"What?" Ang tingin nito'y bumaba sa flat pa niyang tiyan.
"So, ano na?"
Ibinalik nito ang pansin sa kaniya, ang anyo ay hindi pa rin maipinta. Halatang hindi nito gusto ang ina-asta niya, at bakit ba? Kahit siya rin naman ay ayaw ng ganoon. Tanging ang anak lang niya ang may gusto. "I don't want to eat breakfast today, so stop asking." Humakbang na ito patungo sa direksyon niya. Nang makalapit ay tinapunan siya ng naiiritang tingin bago siya nilampasan at pumasok sa banyo.
Napa-nguso siya saka sinundan ito ng tingin hanggang sa maisara nito ang pinto. Humalukipkip siya saka bumuntonghininga. Hindi niya gusto ang klase ng paglilihi na mayroon siya, pero wala siyang magawa kung hindi sumunod sa agos na gusto ng anak niya.
And weird it may be...
...but she didn't really mind.
***
"YOU look better today, Rome. Dahil ba nakauwi na si Cayson at nangakong hindi na muna aalis para sa kapakanan ninyo ng dinadala mo?" nakangiting wari ni Granny Althea na pinaglipat-lipat ang tingin sa kaniya at kay Cayson nang umagang iyon sa komedor. Kabababa lang nito kasunod si Cayson na wala sanang planong kumain ng agahan tulad ng sinabi nito subalit napilitan nang ayain ito ng abuela.
Ang akma niyang pagsubo ay nahinto nang marinig ang sinabi ni Althea Montemayor. Umangat ang tingin niya at bahagyang sinulyapan si Cayson na katabi niya.
"You know what? Last night, I thought you two were fighting," Althea said while cutting the melon on her plate.
Ibinalik niya ang tingin dito.
"I even went to your room to see what's going on, pero sa tingin ko ay guniguni ko lang ang lahat ng mga narinig ko. Did you two speak about your condition, Rome? Sinabi mo na ba rito kay Cayson na pinaglilihian mo siya?"
"I—"
"If I were you, apo, ay maglalaan ako ng oras kay Rome habang ganitong wala siyang ibang gustong makasama kung hindi ikaw. How about you instruct your secretary to book you tickets for a proper honeymoon in Bali?"
Ang akmang pagsagot ni Cayson ay naudlot nang nagpatuloy si Althea.
"Oh, you know what? Ako na ang kakausap sa kaniya pagkatapos ng agahan. May ilang bagay rin akong nais sabihin kaya ako na ang tatawag."
"Gran, may mga kliyente akong—"
"Oh, don't worry about your clients. Ako ang haharap sa kanila." Itinuon ni Althea ang pansin sa kaniya at ningitian siya. "Tingnan mo ngayon itong si Rome. Dahil nakauwi ka na ay maagang bumangon at kumain ng almusal. Naku, noong wala ka ay halos ayaw lumabas ng silid."
Napangiti siya at niyuko ang pagkain. Hindi niya alam kung ano ang plano ni Granny Althea, pero mukhang may nais itong mangyari para sa kanilang dalawa ni Cayson.
Pagkatapos ng almusal ay naunang umalis si Granny Althea, at inasahan na niyang susunod si Cayson katulad ng nakasanayan, subalit nagtaka siya nang umakyat ito, pumasok sa study room at doon nagtagal.
BINABASA MO ANG
THROUGH THE WIND AND THE RAIN
Roman d'amourAmidst a birthday celebration filled with cupcakes and Malibu drinks, Rome's night takes an unexpected turn when she drunkenly stumbles into the wrong hotel room The next morning, she woke up naked next to the man she hated the most--- Cayson Montem...