DUMIRETSO SIYA sa area kung saan marami pang bakanteng mga table at malapit na sa dagat.
Naupo siya sa harap ng isa sa mga mesa at nakasimangot na itinuon ang tingin sa mga along humahampas sa baybayin.
Mahigit limang minuto siyang nakaupo roon nang marinig ang tinig ni Cayson sa kaniyang likuran.
"What's that drama all about, Rosenda Marie?" His voice carried irritation. "You don't just walk out on me like that."
"You don't disrespect me by saying you're bringing your woman here," she replied without bothering to turn around.
"So, what do you want me to do for the whole week? Die in boredom?"
"I gave you options."
"Which I refused to take."
Naiinis niyang nilingon ito. "Papupuntahin mo rito ang isa sa mga babae mo, tapos ay hahayaan mo akong tumungangang mag-isa sa hotel room habang nasa ibang kwarto ka at kasama siya?"
Salubong ang mga kilay na humalukipkip si Cayson. "I'll give you my Visa card and you can use it to shop or travel to any places here in Bali. Hindi ka tutunganga lang—"
"I don't want to be alone! Hindi mo ba maintindihan 'yon?"
"Isn't it better for you to be alone than to be with me? Hindi ba't halos isuka mo ang presensya ko? What happened to your fury, huh, Rosenda Marie?"
"This isn't about me anymore, Cayson Montemayor! Hindi mo ba naiintindihan kung papaano maglihi ang mga babae? I may not like you but the baby inside of me wants and needs your attention!"
Natahimik ito at masusi siyang tinitigan. Nasa mukha nito ang pagkairita na pilit ding itinatago. Ilang sandaling pa'y mangha itong napabuga ng hangin, kasunod ng pagbigay nito sa kaniya ng nang-uuyam na tingin.
"Are you sure na naglilihi ka lang talaga? Hindi kaya nagkakagusto ka na sa akin at ginagawa mo lang dahilan 'yan para pansinin kita, ha?"
"Mahiya ka sa balat mo, Cayson Montemayor." Tumalikod siya at ibinalik ang tingin sa dagat. Mabilis na tumitibok ang puso niya at hindi niya maipaliwanag kung bakit. She just suddenly panicked after hearing him say that. Why, she had no idea.
"You can't fall in love with me, Rosenda Marie."
Malakas siyang napasinghap, at sa nanlalaking mga mata ay nilingon niya ito saka akma sanang pasusubalian ang sinabi nang makita ang biglang pagseryoso ng anyo ni Cayson.
"I don't want to stay married to you forever, which I clearly stated on the terms you acknowledged and signed. Don't make it difficult for us to end this marriage by falling in love with me. You can't."
Ibinuka niya ang bibig upang pasubalian ang sinabi nito, subalit hindi niya mahanap ang tamang salita upang depensahan ang sarili.
BINABASA MO ANG
THROUGH THE WIND AND THE RAIN
RomanceAmidst a birthday celebration filled with cupcakes and Malibu drinks, Rome's night takes an unexpected turn when she drunkenly stumbles into the wrong hotel room The next morning, she woke up naked next to the man she hated the most--- Cayson Montem...