Jas ❤

164 6 1
                                    

(Jasmine POV)

First day of class.

Nakakaexcite dahil makikita at makaka bonding ko nanaman ang mga kaibigan ko, matagal din kaming di nagkita, Hindi kasi ako pinapalabas ng mga parents ko eh,

At saka makikita ko na din ang Ultimate Crush ko! Kenekeleg eke.

At syempre!

Balik nadin ang allowance ko. Yiii~

Pag summer kasi di ako pinapalabas at di rin nila ako binibigyan ng pera nina mama.

Kahit minsan di ko naranasan na nag enjoy sa summer, kulong ako sa bahay namin eh. *pout*

Mabuti nga dumadalaw si cheska samin, malapit lang kasi bahay nila sa bahay namin.

"Hoy jas! Nakatunganga ka dyan? Tara pasok na tayo" sigaw saken ni cheska, sya ang pinaka close ko sa lahat as what i've said mag kapitbahay lang kasi kami.

"Oo! Hoy teyka hintayin moko" sigaw ko agad sakanya dahil nagtatatakbo na papasok ng school, pambihirang babae excited masyado.

"Oy jas! Ayon sila oh bilis!" Sabi nya habang nakaturo ang kamay sa mga kaibigan namin, nginitian agad nila ako, kaya kumaway ako sakanila at nag smile.

Tatakbo nasana ako ng may biglang bumangga sakin.

"Araay! Ang sakit ng balakang ko" daing ko sabay hawak sa balakang ko,

"Oy jas! Ano kaba mag ingat ka nga sa susunod" hindi ko namalayan na nakahawak na pala sa akin si cheska inalalayan nya ako kaagad.

"Anong ako? Eh siya--- nasan na sya?" Tanong ko kaagad kay cheska, wengyang tao yun ha? Ni hindi man lang nag sorry?.

"Ewan! Nakita ko lang siya na tumatakbo na palabas ng school" sagot ni cheska habang nililinis ang pwetan ko.

"Umalis sya kaagad? Ni hindi nga sya humingi ng pasensya eh" Sabi ko na naka sarcastic tone.

"Yaan mo na! Sigurado naman ako na di nya sinasadyan yun, tara na naghihintay na ang mga kaibigan natin" Sabi ni cheska sabay hila saken,

"Jaaaaaas!" Salubong agad sakin ng mga kaibigan ko. nag smile ako sakanila saka nag beso.

It's been 2months din na hindi kami naka bond magbabakarda---or should I say ako lang? kasi sa mga timeline nila puro hang outs pictures nila ang nakalagay eh.

But. thanks to cheska dahil nababawasan masyado ang pagkabagot at pagka inggit ko sa kanila.

"We missed you jaas! How's summer?" Tanong naman ng isa sa mga kaibigan ko.

I don't communicate kasi sa kanila masyado dahil ma iingit lang ako for sure lalo na pag makikipag kwentohan pa ko about sa hang outs nila tas sakin wala nood lang ng TV, kain. kasama si ches.

"Still Prison" Mataray kong sagot.

"Haha. Ikaw talaga okay lang yan mawawala din yang curfew mo pag may asawa kana" Tawang-tawa pa nitong sagot.

Nag fake smile lang ako haha bitter peg ko ngayon eh.

"Oh my gosh guys!" Napatingin kami kay lauren isa sa mga barkada namin naka takip yong kamay niya sa bibig habang yong isa niyang kamay ay nakahawak sa phone nya.

Problema ng babaeng 'to?

"Take a look at this. Bilis!" Natataranta pa nitong sabi. kaya nag unahan kami ng tingin sa phone nya. pilit kong makakita man lang pero ang layo ko kasi eh.

"Aaaaaaaaaaaaaaaaaah!" Malapit sumabog yung ear drums ko sa sigaw ng mga baliw kong kaibigan. What the?! nakakain ba ng megaphone ang mga 'to?

"Omygee! Omygee! Omygee! Di ko palalampasin ang bihirang pagkakataong 'to isusugal ko ang baon ko makabili lang ng magarang damit para sa party ng prince charming ko!" Nag twinkle pa ang mata ni ches pagkasabi niya nyan.

Langya! pagsasabi neto? Party? san naman kakabukas lang ng klase may party agad? Sa pagka alala ko wala namang set na reunion or hangouts namin ngayon. atsaka malayo pa kaya ang december.

"Waaaa ako din!" React naman nung isa naming kaibigan na nagtatatalon with matching hug pa sa katabi neto.

teka nga may nagtatatalon na may nagtatawanan pa. pero ako parang nawawala, Di ko feel ang essence nila.

Ahh may naisip nako! Puma gitna ako sa kanila para mapansin nila ko talaga "Wait. Wait.Wait. Wait! May gusto bang mag share kong ano ang pinagkakaguluhan nyo dyan?"

Napatingin sila lahat sakin pagkatapos nagkamot ng ulo. Hanla bakit? masama ba yong tanong ko?

"Amputek naman jas! Kanina pa kami nagtititili dito tas ikaw hay ewan ko nga sa'yo" Masungit na sambit ni laureen pagkatapos ay nagkibit balikat ito.

"Ay sorry ha ang lalaki nyo eh tas yong phone ang liit lang natural di ko nakita" Pagmamataray ko sakanila. Aba't kasalanan ko bang ang hihigante nila?

My Truth Or Dare RelationshipTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon