SHE ONLY ate two slices of mango, a piece of cheese bread, and a glass of orange juice that morning.She had no apetite, kahit pa kasama niyang kumain si Cayson. Wala siyang planong pilitin ang sariling kumain kung ganoong wala rin siyang gana.
Pagkatapos ng almusal ay muli siyang nahiga sa kama at wala sa loob na pinagmasdan ang maaliwalas na kalangitan mula sa nakabukas na veranda. She and Cayson had big plans for the day, pero mukhang hindi mangyayari ang mga plano nila dahil sa nararamdaman niya. Kung matagal siyang nakatayo ay nahihilo siya, ang bigat ng pakiramdam niya at walang nais ang kaniyang katawan sa mga sandaling iyon kung hindi ang humiga at tumingin sa kawalan.
"Do you want to go and see a doctor?" narinig niyang tanong ni Cayson. Nakatayo ito sa paanan ng kama at nakahalukipkip siyang pinagmamasdan.
"No, wala namang masakit sa akin. Ayaw lang kumilos ng katawan ko."
"May mga araw ba talagang ganiyan ka?"
"Yes. Lalo noong wala ka."
"But I'm here now."
"Yeah—siguro ay unti-unti nang nawawala ang paglilihi ko sa'yo."
Lumapit ito at naupo sa paanan ng kama. "Pregnancy's tough, huh?"
Huminga siya nang malalim at ibinaling ang tingin dito. "Kaya hindi ko maintindihan kung bakit ang liit pa rin ng tingin ng ibang lalaki sa mga babae, lalo na 'yong mga babaerong lalaki na hindi na ni-respeto ang mga asawa nilang nagsilang sa mga anak nila. And to think this is only the early stage of pregnancy."
Nagpakawala ng pagak na tawa si Cayson. "At ano ang kinalaman ng mga babaerong lalaki sa nararamdaman mo ngayon?"
"I don't know, bigla ko lang naisip."
Muli itong natawa saka tumayo na. "I'm heading out."
Nang marinig iyon ay bigla siyang napa-angat sa pagkakahiga. "W-Where to?"
"Somewhere. Hindi ako sanay na magkulong sa silid—it bores me. I'll be back soon, though. Is there anything you'd like to eat? I'll buy you."
Umiling siya, parang batang biglang nagtampo. "Please, h'wag mo akong iwan mag-isa."
"You have my phone number should you need anything—"
"Please."
"Ano ang gagawin ko rito sa loob ng silid buong araw, Rome? I can't stay here and stare at the window all day?"
"Just please stay here with me." Pinilit niyang bumangon, paluhod na nilapitan si Cayson na nanatiling nakatayo sa paanan ng kama at hinawakan ang isang kamay nito. "Masama ang pakiramdam ko at gusto kong matulog muli pero hirap ako. I feel anxious, uneasy, something's bothering me, and my body is sore I couldn't even begin how to properly explain it. Nang sabihin mong lalabas ka sandali ay parang may sumipang kung ano sa sikmura ko, I suddenly had a panic attack." Banayad niyang hinila ang kamay ni Cayson. "So, please. Could you please stay hanggang sa makatulog ako?"
Bumaba ang tingin ni Cayson sa kamay niyang nakahawak sa kamay nito. Sandali nito iyong tinitigan hanggang sa muli nitong ibinalik ang tingin sa kaniya.
Ilang sandali pa'y bumuntonghininga ito. "Okay."
Napangiti siya. "Tabihan mo ako."
"Huh?" Ngayon, ay parang ito naman ang nataranta.
"Kahit hanggang sa makatulog ako."
Nakita niya ang pagbaba ng tingin nito sa katawan niya. She was wearing one of her pajama sets and she wasn't looking sexy—she never looked sexy—and she never tried to be one, lalo sa tingin ni Cayson. Pero bakit para siyang nanghinayang na hindi man lang siya nagsuot nang maayos na pantulog para maakit itong tabihan siya?
Maakit?
Oh God, saan nanggaling iyon?
Huminga siya ng malalim at akma na sanang sasabihin kay Cayson na kalimutan na lang ang sinabi niya at pinapayagan na niya itong lumabas nang sumampa ito sa kama at nahiga sa tabi niya.
Mangha niya itong tinitigan, at nang ibinaling nito ang tingin sa kaniya ay napalunok siya.
"Parte pa rin ba ito ng paglilihi mo?"
"O-Of course..."
"Okay then, what else do you want me to do next?"
Muli siyang napalunok. "N-Nothing, really." Atubili siyang bumalik sa pagkakahiga at tumalikod dito upang ikubli ang biglang pagragasa ng init sa magkabila niyang pisngi.
"Do you want me to hold you?"
Nanlaki ang mga mata niya.
"Hindi ba't sinabi mo na sa tuwing inaatake ka ng paglilihi mo ay parang gusto mo na lang akong hawakan maliban sa gusto mo akong makita?"
"W-Well..."
"It's okay, Rome. Walang malisya."
At napasinghap siya nang pumatong ang isang braso nito sa kaniyang bewang at ang pagdampi ng mainit nitong paghinga sa kaniyang batok. May kung anong init na naman na dumaloy sa kaniyang puson nang maramdaman ang halos pagdikit nito sa kaniya. Just like what she felt when they were at the beach last night. And she was supposed to feel uncomfortable—but no.
She liked it. She embraced the feeling.
And yes—iyon ang kailangan niya sa mga sandaling iyon.
"Do you want me this close, Rome?" he asked in a calm and gentle voice.
Dahan-dahan niyang pinakawalan ang paghinga saka ipinikit ang mga mata.
"A little more..."
She shivered when Cayson moved closer to her—his chest touching her back, giving her tense body warmth and comfort.
Iyon ang unang beses na nagtabi sila sa kama na ganoon ka-lapit sa isa't isa.
And she liked it.
She liked it a lot.
BINABASA MO ANG
THROUGH THE WIND AND THE RAIN
RomanceAmidst a birthday celebration filled with cupcakes and Malibu drinks, Rome's night takes an unexpected turn when she drunkenly stumbles into the wrong hotel room The next morning, she woke up naked next to the man she hated the most--- Cayson Montem...