CHAPTER 059 - Delectable

293 12 0
                                    







SHE may not be as experienced as Cayson, but at least she knew how to properly respond to a kiss. Minsan na rin naman siyang nagka-boyfriend. And Baron was a good kisser—natuto siya roon. And her kissing skills would surely surprise him.

She tilted her head to the other side to give him access to her luscious mouth, inviting him to deepen the kiss. She then partly opened her mouth and moved her lips sensually and seductively, drawing him more.

Cayson's kiss went deeper and became even more passionate, making her raise her hands onto his shoulders, and growl for more.

Kasabay ng mga labi nilang magkarugtong ay ang paghampas ng alon sa surfboard na tila siya isinasayaw at idinuduyan. Ang init na nagmumula sa lumilitaw nang araw ay nagdadala ng kakaiba ring init sa kaniyang katawan. And it wasn't the first time she felt that, actually. No, it wasn't.

Ilang araw na niyang tinitiis ang kung anumang init na iyon sa loob ng kaniyang katawan, at mukhang ngayon ay unti-unti na niyang naiintidihan kung ano ang tawag sa ganoon.

Lust.

Nothing but unruly lust.

Natigil siya sa pag-iisip nang maramdaman ang pag-gapang ng kamay ni Cayson mula sa kaniyang puson patungo sa kaniyang likuran. He was caressing her skin with passion, dahilan kaya hindi niya napigilang magpakawala ng mahinang pag-ungol.

Nasa tubig sila pero may pakiramdam siyang anumang sandali ay lalagablab silang pareho.

At wala siyang pake kung masunog siya.

She wouldn't give a damn. She was willing to burn with him.

Hanggang sa may alon na muling humampas sa surfboard na sandaling nagpahiwalay sa kanila, putting the fire off.

Bwisit na alon.

Muntikan na siyang mawalan ng balanse sa nangyaring iyon. Si Cayson ay bahagyang inilayo ang mukha sa kaniya, at nang buksan niya ang mga mata ay muling nagtama ang kanilang mga tingin.

Both of their lips were swollen from the kiss; she could feel hers and she could see his. At patunay lamang iyon kung gaano nila parehong nagustuhan ang halik na pinagsaluhan.

Pero hindi pa siya nakontento roon.

She wanted more.

Kaya bago pa siya unahan ng hiya ay hinila niya ito palapit sa kaniya, at akma sanang muling hahalikan nang inilayo ni Cayson ang ulo kasunod ng pag-ngisi nito.

Nanlaki ang kaniyang mga mata.

*Hala, bakit ko ginawa 'yon? *she asked herself.

Loka ka talaga, Rosenda Marie!

Napayuko siya at ibinaba ang mga kamay. Sa labis na pagkapahiya ay tila nais na lang niyang may dumating na malaking alon at anurin siya palayo.

Nakahanda na sana siyang magdahilan upang makaalis na sa lugar na iyon nang saka naman umangat ang isang kamay ni Cayson sa kaniyang pisngi, at bago pa niya mahulaan ang sunod nitong gagawin ay dumampi na ang mga labi nito sa kaniya.

But unlike the first one, this kiss was brief. Tila dumampi lang ang mga labi nito sa kaniya dahil kaagad din siya nitong pinakawalan.

Naguguluhang tiningala niya ito at akma sanang magtatanong nang muli itong yumuko at inangkin ang kaniyang mga labi. Sa pagkakataong iyon ay mas madiin, mas mapang-angkin kaysa sa nauna kanina.

Hindi niya alam kung gaano katagal na magkahinang ang kanilang mga labi sa pagkakataong iyon hanggang sa may malaking alon na naman na humampas sa surfboard na ikina-alog niya.

THROUGH THE WIND AND THE RAINTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon