MASIGABONG palakpakan ang namayani sa buong events hall ng Diamond Hotel kung saan ginanap ang wedding reception nang pumasok doon ang bagong kasal; magkahawak ang mga kamay at malapad na nakangiti. Masaya ang lahat na bumati habang naglalakad ang mga ito patungo sa 'sweetheart table' ng mga ito.
Ang bawat parte ng entourage ay may kani-kanilang entrance song; ang iba'y sumayaw pa, habang ang iba'y nahihiyang naglakad patungo sa table ng mga ito.
Dinner was served to everyone, at habang kumakain ay may pumapainlanlang na musika sa ere. At habang kumakain ang mga bisita ay pinili ng mga newly-weds na lapitan isa-isa ang mga table upang kumustahin at kausapin ang mga bisita.
Matapos ang dinner ay nag-umpisang magsayaw sa saliw ng isang romantic song ang bagong kasal. Makalipas ang first dance ay lumapit ang papa nila at sandaling kinuha si Connie kay Jack. It was the father and daughter dance of the night.
She watched in teary-eyes. Labis siyang natutuwa sa nakikita at hindi niya mapigilan na maiyak. Nang mapatingin siya sa mesa ng kaniyang ina ay napangiti siya nang makitang tulad niya ay iyak din ito nang iyak.
Ibinalik niya ang tingin sa papa niya at kay Connie, at habang pinapanood ang mga itong nag-uusap habang nagsasayaw sa gitna ay may napansin siya.
The song was actually sung live. It wasn't played via disc. Hindi niya naalalang nag-organisa sila ng live singer? Maybe Jack hired the man?
Hinanap niya ng tingin ang singer na lalaki dahil may kung anong familiarity siyang nakapa sa dibdib habang pinakikinggan ito sa pagkanta. Nang dumapo ang kaniyang tingin sa makeshift stage katabi ng DJ booth hindi kalayuan sa table ng mga newly weds ay nagulantang siya sa nakita.
The singer was none other than Baron.
***
"WHAT did I miss?" ani Cayson nang bumalik sa table nila. Ipinatong nito ang cellphone sa ibabaw ng table at naupo sa tabi niya.
Hindi niya magawang lingunin ang asawa. Ang kaniyang tingin ay tutok na tutok pa rin kay Baron na sa mga sandaling iyon ay nakangiting kinakanta ang awiting Daddy's Little Girl ni Michael Bublé . She stared at the man with fascination. Hindi niya inakalang muli itong makikita matapos ang gabing iyon sa party ni Cayson—ang nakagugulat pa ay sa kasal ng kapatid niya!
Who booked this guy? she thought.
Kahit hindi kilala ni Connie sa itsura si Baron ay alam nito ang kompletong pangalan ng lalaki. Her sister would surely not book this guy had she known it.
Baka si Jack? O baka ang pangalan ng banda ang dala ng mga ito kaya hindi napansin ni Connie?
Either way, hindi niya gustong magkaharap sila nito. Oh, not now. Not in this place.
Wala siyang pakealam kung makita nitong buntis siya, ang inaalala niya ay ang mga magulang. Nakita silang minsan ng papa niya sa isang mall sa Pasay, noong tumakas siya upang makipagkita sa nobyo. Paano kung makilala nito si Baron? Matalas pa naman ang memorya ng papa niya.
Pero hiling niya'y hindi pa nito maalala. Although she knew her father wouldn't make a scene, ayaw niyang masira ang masayang araw na iyon dahil lang sa muling pag-krus ng landas nila ng dating nobyo.
"Why are you so pale?"
Napaigtad siya nang muling marinig ang tinig ni Cayson. Tila roon lang niya napagtantong naroon ito. Mangha niyang nilingon ang asawa; hindi alam kung papaano aayusin ang ekspresyon sa mukha.
Si Cayson ay lalong kinunutan ng noo.
Oh, makikilala pa kaya nito ang singer na nagperform noong nakaraang birthday nito? Nasabi na niya rito minsan na ang singer na iyon ang ex-boyfriend niya—siguradong maaalala pa nito iyon!
BINABASA MO ANG
THROUGH THE WIND AND THE RAIN
RomanceAmidst a birthday celebration filled with cupcakes and Malibu drinks, Rome's night takes an unexpected turn when she drunkenly stumbles into the wrong hotel room The next morning, she woke up naked next to the man she hated the most--- Cayson Montem...