Thrill Ride 19

9 3 1
                                    

Back in elementary days mahilig na ako mag basa ng mga fairytale. So I really like imagining things and writing short story. Pero hindi sumagi sa isip ko non na magiging writer ako.

Hanggang sa maging reader ako sa wattpad nakalimutan ko na din ang pag susulat sulat ng short story noon. Not until nag pandemic naisipan ko mag sulat, na encourage din ako ng ate ko na mag sulat nga so I tried. Wala akong sariling phone non kasi nasira nga before pandemic kaya nung nag sisimula akong mag sulat phone ni mama gamit ko. It was hard of course, tuwing gabi lang ako nakakapag sulat pero tinuloy ko pa din kasi masaya ako sa ginagawa.

May mga panahong napanghihinaan ako pero sinusubukan ko pa din. I was wondering back then if suited ba talaga ko para maging writer. Pero nung natapos ko yung first story ko ang saya sa pakiramdam. Grabe yung fulfilment. Ang saya sa puso.

When I got my new phone lalo akong sinipag mag sulat, tas support pa ako ni Mama ko. Nakakabasa pa ko non na mga post na nawawalan na sila ng gana mag basa at mag sulat sa wattpad and I was thinking, is that even possible? Na manawa at mawalan ka ng gana sa isang bagay na mahal na mahal mo? And realization hit me when I lost my spark in writing.

Nag start na ang face to face class at na busy ako, naging madalang ang pag susulat ko at unti unti akong nawalan ng gana. Doon ko napag tanto na unti-unti na kong nawawalan ng gana sa pag susulat, and here I was thinking that maybe writing isn't really for me.

Panay ang published at unpublished ko ng story non, may time pa na denelete ko yung dalawang novel na natapos ko and talagang nakakapangsisi yun. Then sumagi sa isip ko na ayoko na mag sulat... sobrang unmotivated ko talaga non. Pero day by day my life felt empty.

Parang hindi nabubuo ang araw ko kapag hindi nag susulat. Kaya I decided to take it slowly. Paunti-unti sinubukan ko mag sulat. And after a months or even years of hiatus, I can say na bumabalik na ulit ang spark ko sa pag susulat. Ngayon nag sisimula na ulit ako. And I am hoping na mag tuloy tuloy na 'to.

If there's a lesson that I have learn in my journey, iyon ay wag agad panghinaan ng loob. Maybe today was not your time, but surely there's a day for you to shine. Keep dreaming, keep moving, keep motivated!

At para sa lahat ng writer na napanghihinan ng loob, take it slowly. One step at the time. And there are always room for improvement. Sabay sabay tayo mag improve.

Padayon sa lahat ng writer!

-heartlyaches

Thrill Ride (The Journey Of Writers)Where stories live. Discover now