CHAPTER 1

12 0 1
                                    

"MLT HIGH"

Pagkabasa ko sa naksulat sa napakalaking sosyalin na gate. Masyado naman atang malaki ang gate nila? Pero hindi na ako magtataka, sa pagkaka-alam ko mga mayayaman lang ang mga nakakapasok at nagkakapag-aral dito.

Tinignan ko ang kabuuan ng gate, masyado talaga itong magara. Hindi naman sa nag rereklamo ako o ano, pero I usually prefer simple things. This gate, its too fancy but for what naman? It's not like open sila sa public e ang hirap nga hanapin ng school na'to.

'Ano bang meron dito at dito pa talaga ako pinapasok ng lolo ko?' I asked my self.

Yeah, and it's my first time to know a school whose name came from an abbreviation. That is as far as I know, which is also according to Grandpa. Ano naman kaya ang naisipan ng may-ari at yun ang ipinangalan nila dito?

The gate is huge, gladly, may maliit na pinto dito na parang nakatakda talaga para a mga taong papasok. Nagsimula na akong lumapit sa pinto. Nakailang katok pa ako bago ito nabuksan at isang hindi katandaan na lalaki ang bumungad sakin. Nag mukha nga syang assassin dahil sa suot nyang all black na uniform though alam ko agad na sya ang gwardya dito. Weird lang talaga ng get up.

"Anong kailangan mo bata?"

'Bata? bata talaga? pwede namang hija, o di kaya ate o manang, bata talaga?'

"Manong papasok na sana ako, nakapag pa enroll naman na'ko kahapon, they also reminded me na kunin ko nalang ang schedule ko sa registar."                  

I told him everything in a straightforward manner. Ayoko sa lahat ay paulit ulit akong tinatanong, sana naman ay naintindihan nya agad lahat 'yon. Tinignan nya muna ako mula ulo hangganng paa, bago nya ako inayang pumasok.

If this is a normal school, the guard would usually aks for the enrollment letter or something. However, he let me pass without checking things. The only that I can conclude from that is that, bihira lang ng tao dito kaya't imposibleng may maligaw. That's the only explanation.

It weirded me out but hey, this is a welcoming information, I guess.

Pag apak  ko palang sa loob, hindi ko maikakailang namangha ako sa tanawing bumungad sa'kin. Akala ko ay maganda na yung labas pero wala pala 'yong panama sa ganda ng loob.

Different kinds of flowers made the scenery wholesome. Opposing to that fieldy vibe, kapansin pansin rin ang mga nagtataasang buildings na kung aakalain mo ay pwede ma maging syudad dahil sa napakaraming nagkalat sa paligid. Malawak rin ang field nila, as in sobrang lawak a pakiramdam ko ay kung tatakbuhin ko ay aabutan ako ng iang buong oras.

'That is if I level myself to common people...'

Nandito ako ngayon sa pathway na connected pinasukan ko mula sa labas, hinihintay ko nalang ang guard. Masasabi kong, kamangha-mangha ang tanawin dito sa loob ng MLT HIGH. Napatigil ako sa pagmumuni-muni ng mag salita ang guard mula sa likuran ko.

"Kaya mo bang hanapin ang registar mula rito? Hindi kasi kita pwedeng samahan dahil wala pa ang kasama kong kapalitan, walang maiiwan dito. Pasensya kana."

'Seriously? They can't cater a transferee?'

"Malayo pa po ba ang registar dito?" tanong ko nalang.

"Hindi naman ganoon kalayo, lakarin mo lang ang hanggang sa dulo nitong pathway ng makapagtanong ka sa mga studyante dito."  sagot naman niya.

"Sige po, mauuna na ako."

Nag umpisa na ako sa paglalakad, malayo pa masyado ang dulo nitong pathway. Sa sobrang lawak ba naman ng paaralan na 'to ay di nako magtataka.

Napatigil ako sa paglalakad nang may marinig akong kaunting ingay. Mula rito sa kinatatayuan ko ay may naririnig akong tawanan, pwede na siguro akong magtanong sa kanila.

MLT HIGHWhere stories live. Discover now