Ako si Rholance Rivera Isang Bisexual, Mabait, Pala kaibigan, Maunawaing Tao. Hindi ako nag aaral ng collage ngayon dahil plano ko mag ipon muna at tulungan ang aking pamilya.Maraming nag sasabi adik daw ako sa Facebook kasi halos araw-araw maghapon lang ako sa computer kumbaga parang sa facebook nalang umiikot ang mundong ginagalawan ko. Para kasi yun lang ang paraan para makahanap ako ng bubuo ng araw ko at magpapasaya sa bawat oras na malungkot ako. Hanap - Hanap. Hanap ako ng Hanap. Hanggang may nag tweet saakin sa Twitter na Nakita nya sa Facebook ko na single ako. Itago natin sa Pangalang " Kyle", Sabi nya "Hi!" pwede ba tayong maging friends?" sabi ko naman " Sure My pleasure", Hanggang araw araw kaming mag ka chat, video call na parang na fall na kami sa isa't - isa.
Tapos dumating yung araw na bibisita daw sya dito sa Olongapo City at gusto nya daw akong makapiling at ibaling ang oras nya saakin. Natuwa ako na parang may pumana sa puso ko at nataranta ako ng ganito mabilis na pag tibok ng puso ang aking naramdaman. Nung time na iyon madali akong nag ayos ng bahay at halos mag pa tulong pa ako sa mga kaibigan ko. Tapos 7pm nag ayos na ako at hinintay ko na sya sa terminal. Nung tumawag sya malapit na daw sya at naramdaman ko sa sarili ko na habang palapit ng palapit ang distansya nya eh lalong bumibilis ang tibok ng puso ko nag halong saya, pag ka excited , hiya, at kaba.
Dumating na ang Bus halos nasa harap ko na huminto. At nung pag baba nya ay halos naka ngiti kaagad sya saakin at sinuklian ko naman yun nang isang matamis na ngiti din. Nung naka baba na sya ay dali-dali kong kinuha ang bag nya at hinawakan nya kaagad ang kamay ko. Naging masaya ako ng gabing iyon kasi kahit na maraming taong naka tingin dahil mag ka holding hands kami ay dinedma nya lang at naiisip ko na proud sya saakin. Tanong ko sa kanya:
Ako: " Kamusta ka?"
Kyle: "ok lang naman medyo pagod lang sa byahe at puyat." ( Naka ngiti)
Ako: "Bakit naman napuyat ka?"
Kyle: " Nag inom kasi kami ng mga pinsan ko kagabi"
Ako: "ah..
( Naka rating na kami sa bahay.. bumungad kaagad ang kuya ko dun sa balkon kasama ang mga kaibigan nyo nag kkwentuhan.)
Pumasok na kami sa bahay at nandun di papa sabi ko " Papa si Kyle nga po pala" sabi ni papa: " oh tuloy ka (Naka ngiting sabi ni papa, nasabi ko sa isip ko hindi na ako mahihirapang ipaliwanag kay papa. naging magaan na ang pakiramdam ko.)
Pumasok sya sa kwarto ko at nag bihis habang ako naman ay abala naman sa pag hahanda ng hapunan. At kami ay kumakain na habang nanonood ng t.v. at masayang nag kukwentuhan tungkol sa aming buhay, kung anong hilig namin, at mga gawain sa mag hapon. kwentuhan dito kwentuhan doon. masaya kaming dalawa ng time nayun. Nang natapos na kaming mag hapunan pabulong na sabi nya saakin:
Kyle: Nag yoyosi ka? ( sabay tawang mahina)
Ako: Oo naman. Nag yoyosi kadin pala?
Kyle: Yup! hehe :)
Lumabas kami at bumili ng yosi. At dinala ko sya kung saan ako nag tatambay. kwentuhan dito, kwentuhan doon. Halos feel ko sa sarili ko ako na yata ang pinaka masayang tao ng gabing iyon. Kasi feel ko yung effort nya. Sino ba namang tao ang mag iisip sa dinami-dami ng effort na ginawa nya sayo hindi mo pa malalaman na mahal ka niya..
11 pm na nakaramdam na kami ng pagod at antok kaya umuwi na kami. nag shower ako dahil nakaka hiya na maamoy ka ng hindi nya inaasahan hehe.. nang natapos na ako, sya naman. Nakahiga na kami sa kama ko. Pero hindi pa kami basta basta natulog. Nag cecellphone sya ganun din ako. Kwentuhan padin kami kahit mahina lang yung boses namin. inilapag ko na si cellphone at ganun din sya. nung una nahihiya pa ako na mag kadikit ang mga braso namin kaso hindi ko talaga maiwasan dahil medyo masikip ang higaan. Bandang 12:30 naka iglip ako at sya naman tulog na pag ka dilat ko magkatapat na pala ang mata namin, ang ilong namin, at labi. halos konting distansya nalang mag kikiss na kami. Tinitigan ko sya habang tulog at napa ngiti ako ang cute nya kapag natutulog ang amo ng mukha at walang bakas ng pagka pangamba sa kanyang mukha. at hinalikan ko sya sa forehead. Nagising sya at tinitigan nya din ako tapos ngumiti sya saakin at sabing: "andaya mo." at ginantihan nya ako ng halik pero nung time na iyon hindi nya ako hinalikan sa noo, kundi sa labi. at sinabi nyan saakin:
Kyle: I love you rholance. Mahal na Mahal kita.
Ako: (nag gigilid gilig na ang luha ko sa tuwa dahil ngayon ko lang napakinggan ang mahiwagang salita na ito na alam kong hindi basta basta sinasambit ng kahit sino) I love you too. Salamat sa Pagmamahal Kyle:)
(He kissed me again, sabay sabing:)
Kyle: Tulog na tayo.?
Nakatulog na kami. Dumaan ang Umaga na parang Binuo nya kaagad ang araw ko dahil ng ginising nya ako ay hinalikan nya ako at sabay sabing good morning mahal. Halos hindi pa kami nag totoothbrush e may ganun kagad. Bumangon na kami ang nag linis at nag prepare para sa aming breakfast. Kaming dalawa lang sa bahay dahil si papa maagang umalis at nag trabaho at ang kuya ko naman ay umalis at nag gala. Kumaken kami habang nanonood ng anime movies. Doon ko lang nalaman na cosplayer pala sya dati pero hininto nya na kasi nag tatrabaho sya sa call center at balak nya din mangibang bansa. Nang bigla may tumawag sa kanya ang kanyang tita at sabing kailangan nya umuwi para sa tutorial ng sa mga pamangkin nya. syempre medyo nalungkot ako. Yun bang feeling mo masisira yung sayang nararamdaman mo ngayon parang patagal ng patag parang pasakit na ng pasakit. Sabi nya:
Kyle: rholance pinapauwi na ako ni tita dahil sa tutorial ko sa mga pamangkin ko ok lang ba?
Ako: Oo naman ok lang saakin (kahit alam kong masakit para saakin kasi no choice naman ako e.)
Kyle: Pero wag ka mag alala pupunta naman ulit ako dito e.
Ako: (ngumiti lang sabi ko: ) sige na tapusin na nating tong kinakaen natin para makapag prepare kana para di ka gabihin sa pag uwi mo.
Ramdam ko ang kalungkutan sa sarili ko habang nakikita kong nag aayos sya ng gamit. Pero hindi ipinapakita dahil alam ko mahihirapan din sya ayoko kasing nadadamay sya sa kalungkutan ko. nakapag ayos na sya at ganun din ako ing sarado ko na ang gate at hinatid ko sya sa terminal. Nang nasa terminal na kami ay nag hihintay kami ng bus kana upo at mag ka holding hands pa. Sinasabi nya wag daw ako malungkot at mag alala kasi babalik daw sya. Pero hindi ko talaga maiwasan dahil halos panandalian lang yung kasiyahang naramdaman ko at naranasan ko sa kanya. Masakit pero kailangan tanggapin.. Dumating na ang Bus at naka sakay na sya Umandar ang bus at sumilip sya sa bintana ang kumaway ng paalam. Wala na akong magagawa umandar na ang bus ng mabilis at wala na akong dahilan para habulin pa sya, At nag text sya saakin: "Rholance salamat sa effort at sa time na napasaya mo ako wag kang mag alala babalik din ako dyan:) iloveyou."
Umuwi na ako at nanood nalang maghapon habang gumabi. Siguro yung gabing iyon, yun na yung pinaka masakit sa lahat. Yung papasok ka palang sa kwarto mo maaalala mo na sya, yung pag higa mo sa kama naaalala mo parin sya kasi sa amoy nya na kumapit sa kama. napaka bangon pero habang naamoy ko ang amoy na yun parang mas lalo akong nalulungkot at nasasaktan. Wala akong ibang magawa kung hindi ang umiyak ng umiyak dahil sa ganoong paraan ko lang maibubuhos ang lahat ng lungkot para mapawi na ang sakit na nararamdaman ko.
Iyak ako ng iyak halos mabasa na ang unan ko dahil sa dami ng luha na pumapatak. Yung isang gabing masaya na halos tuwang tuwa ako ay Halos nilamon lahat ng kalungkutan ko ng gabing nawalay sya sa piling ko. Pag gising ko ng umaga nagulat ako at ang laki ng eyebags ko namuula yung mata ko, at parang namamaga yung mata ko. Ganito pala yung feeling kapag nasaktan ka halos tagos tagos lahat. Sinabi ko sa sarili ko "Sana pala hindi nalang muna ako nag mahal nang hindi ko kaaagad naranasan yung ganito then i realize hindi pa pala ako handa sa mga ganitong bagay. Nung umagang iyon nag taka ako dahil walang text kahit isa. walang missed call kahit isa. iyak na naman ako. May ilang araw na syang hindi nag paparamdam kahit tini text ko sya hindi sya nag rereply. nag memessage din ako sa kanya sa facebook . Aw ang sakit talaga.. naisip ko Masama ba akong tao?, May nagawa ba akong mali?. nasaktan ko ba sya?, Sobra ba yung pag mamahal na ibinigay at ipinaranas ko sa kanya?..
Lumipas ang ilang araw naisip ko sa sarili ko kailangan ko na mag moved on at ibaling nalang sa ibang bagay ang lahat para hindi ko na sya maalala. masakit pero kailangan, mahirap pero titiisin hanggang eto naka moved on na ako at masaya ulit..may mga taong swerteng nakahanap na, yung iba nag hahanap palang, minsan katabi mo na pala,pero lumayo ka pa. nasalubong mo na pala, pero nilagpasan mo lang. Pero ang mas masakit sa lahat yun nasayo na, PINAKAWALAN mo pa..
THE END...
Sana po nagustuhan nyo ang kwento ko:)
salamat and GODbless mwah..