CHAPTER 13

5K 62 0
                                        

Di sa madamot ako sa anak ko pero natatakot ako na baka ilayo ni kairo tuluyan si lee... mahal na mahal ko ang anak ko kaya ganto ako. .masyadong magulo din ang buhay nya kaya sana ayusin muna nya.

Nandito ako ngayun sa bahay dahil tapos nako sa work ko sa kompanya ni kairo. ngayun naman kompanya ko naman ang inaasikaso ko napaka hirap kung secretary ka sa umaga at hapon, tas CEO ka sa gabi halos wala nakong tulog.

Nag aalala na din sakin yung anak ko hay nako.. tinapos kuna ang gawain ko bago ako natulog.

Kinabukasan nandito nanaman ako sa opisina ni kairo, kasama ko nanaman sya pero iba na ang trato nya sakin ngayun magandang pakikisama, di yung sisigawan ka! Uutos utusan, ngayun naman ay umokay okay ang ugali nya.

"Kaylan uwian ni lee?" Tanong nya sakin

" 5 pm" sagut ko sakanya.

" Tayo na ang mag sundo sa anak natin ". sabi nya naramdaman ko namam ang bilis nang tibok nang puso ko, ngayun lamang ako nakaramdam nang ganto kasaya ng marinig ko ang sinabi nya.

5 pm na kaya naman sabay kami umalis para sunduin si lee nang makita nya kami ay sumigla ang mapupungay na mata nito.

" Mommy!!! Daddy!!" Sabi nya sabay takbo papunta saamin niyakap nya ako at hinalikan, pag tapos pumunta kay kairo saka naman ito binuhat ni kairo.

" How's your day kid"sabi ni kairo

" It's great dad, but i hate all girls like they are so crazy at me" sabi nya tumawa namn si kairo sana ganito nalang palagi makita kong sobrang saya nang anak ko.. pero di naman pwede yun dahil alam kong darating at darating ako problema saamin. Pero sa sandalian lamang ngayon.. dadamdamin ko muna kung gaano kami kasaya.

Sumakay na kami sa kotse ni kairo papunta sa bahay. Pag uwi eh pumasok na kaming tatlo, pinaupo ko si kairo sa sala habang ako namn ay nag ipit nang buhok ko saka pumunta sa sala para mag luto. Nandito kami ngayun sa bahay ko wala kaming katulong, hindi katulad nang sa bahay ni mama dahil na rin sa gusto kong ako ang mag aasikaso sa anak ko.

Habang nag luluto ako ay sya namang nag kukulitan ang mag ama, natapos na ang niluluto ko kaya naman tinawag kuna sila.

Pag tapos noon ay inalok ni lee na dito nalang matulog ang tatay nya total gabing gabi naman na, pumayag naman ito.

Natulog na si lee sa kwarto nya kay naman ako nalang ang naiwan sa sala, Nag huhugas ako si kairo naman ay nasa guest room, marahil ay nag papahinga na din ito.

Ginising ako ng sikat nang araw, pumunta na ko sa cr para maligo pag tapos nun ay saka naman bumaba para mag luto ngunit, nakita ko si lee at si kairo na nasa lamesa na at kumakain.

"Good morning mommy! Dad cooked this by himself come join us and eat some meal"sabi ni lee kaya namn bumaba nako, nahihiya akong tumingin kay kairo na sya namang nakangisi.

Mag titiwala naba ako sakanya? O baka pakitang tao lang ito? Siguro aalamin ko muna.

Pumasok na si lee sa school nya, habang ako ngayun tahimik kasama si kairo, nasa opisina nanaman kami saka may meeting din mamaya.

Madami akong iniisip bukod sa anak ko at kay kate pati nadin sa nakalimutan kong gawin. Ang pag higanti para sa pamilya ko at mabigyan nang hustisya ang pag ka wala nila.

Maya maya ay tinawagan ko si levi para kamustahin at kung ano nabang balita, handa na sila, senyales ko nalang ang kulang, yun ang sabi nila pero nag dadalawang isip ako dahil alam kong pag nalaman ni kate ito, ilalayo nya sakin ang anak ko na syang ayaw kong mangyare di pwedeng mangyare ang bagay na yun kaya naman nag iisip ako kung ano bang magandang desisyon.

"Kairo ready na ang meeting, ikaw nalang ang kulang"bumalik ako sa realidad saka tumingin kay kate at tumango, papunta na ako ngayun kung saan mag memeeting. Kasama ko din si kate.

ONE NIGHT STANDWhere stories live. Discover now