Chapter 12

39 4 1
                                    

"You're so pretty,Ma'am. Natural curve ang makapal na pilikmata niyo. Reddish lips din kayo tapos ang flawless ng skin niyo. Ano pong beauty product ang ginagamit niyo?"usisa at puri sa kanya ng make-up artist na babae na siyang kinuhan ni Mrs.Crison para ayusan siya.

Nasa isang kilalang botique sila kung saan hinanapan siya ng maisusuot na damit para sa event na dadaluhan nila ni Amir.

Tinitigan niya ang sarili sa malapad na salamin at kagaya ng sinabi ng babae make-up artist ay natural na maganda ang mukha niya at wala ito masyado nilagay na make up sa mukha niya. Kakainom lang niya ng dugo kung kaya ganun na lang kaglow ng skin niya.

Tita Lupe is so brilliant. Sa pag-inom niya ng dugo na ito lang nakakaalam kung ano hinahalo roon ay malaki naitutulong upang hindi siya maapektuhan sa dugo ng mga tao na nalalanghap niya. In short mas hahanapin niya ang dugo na nanggaling kay Tita Lupe. Hinding-hindi siya maaakit sa dugo ng mga tao at pinagpapasalamat niya iyun.

"Pati ang buhok niyo sobrang kintab!"dagdag ng babae. Isang tipid na ngiti ang pinukol niya rito bilang tugon sa mga papuri nito.

"Sigurado ka ba na hindi ka modelo? May balak ka bang mag-artista? Alam mo sisikat ka kung mag-aartista ka!"wika nito.

Gusto niya mapangiwi sa mga sinabi nito pero hinayaan na lamang niya ito.

"Naiinggit ako sa beauty mo! Ano ba lahi mo,Ma'am?"anito saka tumutok sa kanya ang mga mata nito na may pekeng eyelashes.

Lahi?

Ano ba tamang sagot dun? Hindi naman niya pwede sabihin na ang lahi niya ay isang bampira.

"Uh.."agad na gumala ang mga mata niya ng may makitang isang magasin sa di kalayuan ay may nabasa siya roon mula sa magasin na may larawan ng isang babae.

"Ahm,Half-American.."tugon niya.

Tumango-tango ang babae. "Sabi na eh! Di ko lang masabi kasi maraming pinay na iba-iba ang lahi kumbaga half-half di lang kasi half-american ang lahi na pwede mamana natin,"nakangiti nitong sabi.

Tumango siya bilang pagsang-ayon. Sa tingin niya nakaligtaan iyun sabihin sa kanya ng mga pinsan at ni Tita Lupe sa kanya tungkol sa bagay na ito. Well,siguro hindi lang inaasahan na mahaharap siya sa ganitong sitwasyon.

"Ayan! We're done! Actually,di ako nahirapan ayusan ka! Ganda mo na kasi eh!"untag nito saka pinagmasdan siya nito mula sa salamin habang inaayos ang ilang hibla ng buhok niya na medyo pinakulot nito ang dulo.

"Salamat,"saad niya.

"You're welcome!"

Nasa dressing room na siya upang isuot ang napili na damit ng stylist para sa kanya. Nang maisuot iyun ay humarap siya sa full lenght mirror.

Pinasadahan niya ang sarili. Kulay kremang longsleeve laces gown yun. Ang lambot ng tela ay humapit sa mahubog niyang katawan. Payat man siya pero may kurba ang katawan niya kaya bagay na bagay sa kanya ang hapit ng tela sa katawan niya. Ang kulay krema din na high heels na suot niya ay may mga design na maliliit na diamond kaya kumikislap iyun. Her toenails painted with cream shades. Napangiti siya ng magandahan siya sa sarili.

Bigla pumasok sa isip niya kung ano kaya masasabi ni Amir sa itsura niya.

Pero dapat ba niya yun isipin? May karapatan ba siya na mag-assume na magagandahan ito sa kanya at pupurihin na sigurado naman maraming beses na ito nakakita ng magagandang babae o mas maganda pa nga sa kanya.

Bigla pumasok sa alaala niya ang babae noon sa isang dinner. Napabuga siya ng hininga.

Kung itatabi sila ng babae iyun mas angat ang kagandahan niya.

Let the love begin : Amir & Rebeka byCallmeAnggeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon