"Ella! ano ba bilisan mo nga? Malelate nanaman tayo e."
Dali daling tawag ko sa bestfriend ko na kasama kong nakatira sa apartment na titirhan namen malapit sa eskwelahan namen.
"Ano ka ba naman bessy, ang aga aga mainit ulo sumisigaw pa? E ang lapit lapit lang naman eskwelahan naten e."
"Haii naku! Bahala ka nga andame mong arte! Wag mo ngang idahilan saken na nagaayos ka dahil sa boyfriend mong hilaw na si Kevin ha?"
"Alam mo bessy, ang galing mo sya nga ang dahilan kung bakit ako nakangiti sa araw-araw!"
Ang sabi sakin ng ni Ella habang naglalagay ng lip gloss.
"Hai nakuuu!" ang sagot ko sakanya.
"Oh mga bessy tapos na ba kayo? Bakit ang aga aga e bumubuga ng apoy tong si Toni?"
Yes, my name is Maria Antonette Aguirre at mga kaibigan ko ang dalawang loka lokang to.
Ang sabi ng isa pa namen kaibigan na si Macario.
"Hai nakuu! Macario pag sabihan mo yang si Ella ha? Nababaliw na sa Kevin na yun?"
Harap ko kay Macario.
"Ano ka ba bessy, don't call me Macariooo! So kadiriiiii!" sigaw ni Macario habang palabas sila ni Ella sa kwarto.
"Eh anong gusto mong itawag ko sayo? Aber?" tanong ko sakanya na may ngisi sa labi.
"You can call me Maxine or Max for short!" sabay kendeng ng bakla namin bestfriend. Palibhasa sa kanila ay lalakeng lalake siya. Pero bata pa lang kaming tatlo e amoy na amoy na namen siya.
Sabay tawa naman namin nitong si Ella.
Mga bata pa lang kaming tatlo e magkakasama na kami. Sila ang aking mga bessies. Kasama ko sila hanggang ngayong college. Pareho kami ng kurso nitong si Ella na HRM at ito naman si Macario ay Mass Communications.
"Oh tama na yang kalokohang yan at malelate na tayo."
Palabas na kami ng apartment at umuulan kaya daladala namin yung mga payong namen. Una akong lumabas at di ko napasin na may sasakyan na padating na mabilis ang takbo. At ang hindi nakakatuwa e natalsikan ako ng putik sa damit ko dahil sa pesteng nagddrive ng sasakyan na yan. Tumigil naman yung sasakyan dahil napansin niya siguro ay natalsikan ako ng putik dahil sa kagagawan nya. Dali dali ko siyang sinugod sa bintana ng sasakyan nya.
"Hoy kung sino ka man bumaba ka dyan, nakita mo ba tong ginawa mo sa uniform ko ha?"
Agad naman nyang binaba yung bintana ng sasakyan nya.
"Hoy miss! pwede ba kasalanan mo kung bakit ka naputikan e alam mo naman may padaan na sasakyan." reklamo nya.
"Aba ang kapal mo, ako pang sisihin mo?" gwapo pa naman din antipatiko naman.
"Bessy, tama na yan. Awat na bihis ka na lang uli." awat naman saken ni Ella.
"Oo ng bessy, ayy gwapo naman pla." sabi naman nitong si Max.
"Girls, pakiawat naman yung kaibigan niyong parang nakawalang tigre sa tapang." sabay kindat sa dalawa kong kaibigan.
"Aba talagang ang tindi mo rin ano?" bulyaw ko sakanya.
"Ay sge, kami na bahala dito sa friend namen pogiiiii!" sabi naman ni max na may kasamang kilig.
"Byeee girrlss! Bye sungit!" sabay kindat uli nung lalake.
"Hoy kayong dalawa ako na nga itong naagrabyado, e ako pa tong pinagkanulo niyo!" halukipkip ko.
"Hay naku friend, pwede na kaming mamatay nitong si Ella!!!" tili nitong si Max.
"at bakit naman?" tanong ko nakataas na ang kilay.
"hindi mo nakilala yung lalake kanina? yung may matangos na ilong, maganda ang katawan at toned ang skin at muscles sa katawan? Na in short e parang diyos na bumaba sa langit?" kilig nanaman sambit ni Max habang dindescribe yung lalake.
"Hindi ko siya kilala at sino ba siya?" iritang tanong ko.
BINABASA MO ANG
Accidentally In Love
RomanceMaiinlove ka ba sa taong sobrang ayaw mo at kinabbwistan mo? O tama nga ba ang kasabihan na "the more you hate, the more you love."