Pafollow naman po ng new account ko at dun na ako magiging active. Thanks!
Ipa-publish ko din tong story na to dun sa account ko na yun. Thank you and God bless!
----"Guys, feel at home!" sigaw ni Elisa, bestfriend ko
Birthday niya kasi ngayon at nandito kami ngayon sa isang resthouse nila. Dito niya kasi ise-celebrate birthday niya, kasama kaming mga barkada niya. Fifteen kaming lahat dito.
"Woooohhhh!"
"Happy Birthday!"
"Ligo na tayong pool!"
"Mas maganda sa dagat!"
"Later na muna guys, brunch muna tayo!" sabi ni Elisa
So ayun, tulong-tulong lang kaming sa pagluluto.
"Hahaha. Tapos ano nangyari." napalingon ako dun sa mga nagkwe-kwentuhan sa center table
Ayan nanaman yung mga malalanding barkada namin. Nilalandi na naman ang prince charming ko, si Joshua.
"Ayun, lumipat ako ng school, pinilit ko pa parents ko kasi nahihiya na akong pumasok sa school pagkatapos nung nangyari" sagot ni Joshua, napasimangot tuloy ako
Bestfriend kasi ng boyfriend ni Elisa si Joshua kaya siya nandito ngayon, kasama namin. Mabuti pa yung ilang kaibigan namin nakaka-usap nila si Joshua milabs eh, samantalang ako NGA-NGA. Nahihiya kasi ako, baka kapag kina-usap ko na siya, malaman agad niya na may gusto ako sakanya kaya naman pag nakakasalubong ko siya. Kahit gusto ko siyang kausapin di ko kaya, kaya naman hanggang ngiti-ngiti nalang ako. Kontento na ako basta nakikita ko siya.
"Huy!"
"Butiki!" napasigaw tuloy ako
Bigla nalang kasing sumusulpot si Elisa.
"Matutunaw si Joshua niyan." ngiti-ngiting sabi niya saakin
"Tse. Manahimik ka nga." sabi ko at pinagpatuloy ang paghihiwa ko ng sibuyas
"Yiieee. Kilig ka noh. Pasalamat ka napilit siya ni Jasper." sabi niya
Jasper, yung boyfriend niya.
"O, edi thank you." sarcastic kong sabi at inirapan ko siya
"Hahaha. Bahala ka nga bessy, maunahan ka pa jan ng iba." sabi niya at iniwan na ako
Tahimik lang kaming kumain ng brunch at dahil loka-loka ang bestfriend ko, pinagtabi nila kami ni Joshua milabs. Grabe, ang hirap magpigil, lalo na pag-nagdidikit yung mga braso namin kapag kumakain kami. Grabe langs! Kung namamatay ang kilig, kanina pa ako pinaglalamayan.
"Iwan mo muna yan, ligo muna tayo." sabi ni Elisa, naka red swimsuit siya, kitang-kita kasi dahil naka see through siyang damit.
Hinila niya ako sa kwarto at hinagis niya saakin yung itim kong swimsuit at ayun sapul sa mukha ko.
"Wear it na, maliligo na tayo. Nandun na silang lahat."
"Hindi ako maliligo, masusunog pa ang pretty skin ko."
"Tse. Ang KJ mo naman, birthday ko oh. Birthday ng bestfriend mo tapos di ka maliligo, kakatampo ah." sabi niya at umupo sa kama at humalukipkip
"Oo na, oo na. Eto na magbibihis na. Pasalamat ka bestfriend kita." sabi ko
Bigla naman siyang ngumiti.