WrittenBy:MaceU24
*****
Nakahiga ako ngayon sa kwarto ko habang nakatulala sa kisame,nabobored ako walang magawa napabuntong hininga na lang ako nung naranig ko yung mga papuri ni Mom sa kapatid kong si Mirene
'You're so beautiful talaga anak'
'I know Mom,mana sayo eh like Ate but she won't wear dresses like me'
'Ewan ko ba jan sa Ate mo walang kaartehan sa katawan'
Tumayo na lang ako sa kama at kumaha ng Shirt at Jeans saka flat shoes pupunta na lang ako ng National Book Store para naman bumili ng kahit ano
Nag half bath muna ako bago magbihis tutal naman nakaligo na ako kanina pagkatapos ay kumuha ako ng Vans na bag pack at inilagay yung mga gamit na kailangan ko saka bumaba sa sala
"Saan si Mama?"tanong ko kay Manang Fe
"Umalis,hija kasama si Mirene"
"Anong oras daw sila uuwi?"
"Mga 7 yata,bakit?may lakad ka ba?"
"Sa Mall lang po,babalik din naman po ako before 6"
Tumango lang si Manang kaya dumiretso na ako sa sakayan ng Jeep tutal gamit nila Mama ang sasakyan,nakinig na lang ako ng sounds sa Mp3 ko habang natingin sa nadadaan ng Jeep na sakay ko tapos ang init pa dahil alas dose pa kaya tirik na tirik ang araw
Robinson's Mall
Dali dali akong pumara at dumiretso sa loob ng mall habang naglalakad ako kumuha ako ng polbos at pabango para maibsan ang init at masasamang amoy sa aking katawan at dumiretso sa Mcdo at nag order ng Mcfloat pagkatapos pumunta na ng National Book Store at namili ng mga Novel Books o kaya basta kahit anong matipuhan bilhin
Kumuha na lang ako ng isang Vampire Story tapos DNP kasi uso daw try lang mabasa saka ko binayaran sa cashier at inilagay sa bag ko
Pumunta naman ako dun sa bilihan ng mga Instruments at namili ng mga capo para sa gitara saka yung pick para sa fingerstyle katulad ni Sungha Jung
Kinuha ko yung color red na capo kaso may humawak din na isang pares ng kamay ng lalaki
"Nauna ako"
"No Miss, nauna ako"
Humugot Muna ako ng hininga bago ubod ng lakas kunuha sa kamay niya ang red capo
"H-Hey!!!!"
"Look Mister who-ever-you-are ako ang nauna kaya wag ka ng makipagtalo tsaka Lady's First okay?"sabi ko at tinalikuran ko siya at binayaran sa cashier para wala ng kawala at inilagay ko sa bag bago lumabas ng shop pero bago pa man ako tuluyan makalayo may humugit na sa braso ko at iniharap sa kung sino mang humugit sa akin
"What??"inis kong bulyaw
"I'm Drie Montaverde,and you are?"
"None of your business"
"Ang sungit mo,look I'm trying to be friendly here,I'm just asking your name"kalmado niyang saad kaya napalunok ako ng wala sa oras dahil nagandahan ako sa ilong niyang matanongos
"Mailee,Mailee Castro"ngumiti siya at inalok ang kamay niya sa akin kaya ngumiti na lang din ako at nakipagkamay sa kanya
"Its very nice to meet you,Ailee"napakunot naman ako ng noo
"Its Mailee not Ailee,Drie"pagtatama ko sa kanya pero ngumiti lang siya
"Let me call you Ailee instead mas prefer ko yun by the way I need to go and see you next time"kumaway siya sa akin bago umalis kaya kumaway din ako pabalik
Ailee?not bad ^______^